Ika-50 ng Camillians sa Pilipinas, pinangunahan ni Cardinal Advincula

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 16,863 total reads

Pinangunahan ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang Banal na Misa at Diaconal Ordination para sa Order of the Ministers of the Infirm o Camillians sa Our Lady of La Paz Parish, Makati City

Inordinahan ni Cardinal Advincula sa pagkadiyakono sina Rev. Ruel Tesoro Fernandez, MI at Rev. Carl Cerdeño Masip, MI.

Sa pagninilay, pinaalalahanan ni Cardinal Advincula sina Rev. Fernandez at Rev. Masip na buong pusong dinggin at tanggapin ang tawag ng Panginoon sa paglilingkod, at maging kasangkapan sa pagpapalaganap ng mabuting balita ng Panginoon habang pinaghahandaan ang misyon tungo sa pagiging ganap na pari.

“You are here because you are called. You are called by name. You are called personally by God. And this personal and loving call awaits your courageous response…The call of God comes every day in your ministerial life in various ways. It will come through the people you serve, through young people, through the poor, and even through your enemies. When you hear God’s call through them, may you still say, may your response to God’s call remain as eager and as passionate as you responded today,” bahagi ng pagninilay ni Cardinal Advincula.

Hinimok din ng kardinal ang mga bagong diyakono na maging mapagpakumbaba at mapagpasalamat sa mga biyayang ipinagkakaloob bilang mga tagapaglingkod ng Panginoon.

Sinabi ni Cardinal Advincula na ang pagtugon sa tawag ng Panginoon, na maituturing na biyaya, ay paalala na ang bawat isa ay tinawag upang maglingkod at hindi ang paglingkuran.

“We acknowledge that everything is gift. That even our call, our desire to serve and our strength to serve are God’s gift to us and his people. Our call to serve is a call to rely on the help of the Lord. Jesus presents himself as a model of service and reminds the disciples and all of us that we are called not to be served, but to serve,” ayon kay Cardinal Advincula.

Ang diaconal ordination nina Rev. Fernandez at Rev. Masip ay kasunod ng paglulunsad sa isang taong pagdiriwang ng ika-50 taon ng Camillian order sa Pilipinas.

Tema ng ginintuang pagdiriwang ang “Puso sa Misyon: Limang Dekadang Pasasalamat, Pagninilay, at Pagtugon sa Misyon ng Panginoon”.

Taong 1974 nang magsimula ang pagmimisyon ng mga Kamilyano sa Pilipinas, at July 1, 2003 nang ganap na itatag ang Camillian Philippine Province.

Sa nakalipas na limang dekada, pinalawak ng mga Kamilyano ang kanilang misyon, kung saan 41 Pilipinong miyembro ang naglilingkod hindi lamang sa Pilipinas kundi pati na rin sa Taiwan, Australia, Italy, Germany, at Estados Unidos.

Itinatag ni San Camilo de Lellis ang Ministers of the Sick na kalauna’y tinawag na Ministers of the Infirm o mas kilala bilang Camillians na ang tungkuli’y maglingkod sa mga may karamdaman at higit na ilapit ang kagalingang hatid ng Panginoong Hesukristo.

VP Sara at asawa, may 51-baril

 13,745 total reads

 13,745 total reads Umaabot sa 51 ang kabuuang bilang ng mga baril na pag-aari ni Vice President Sara Duterte at asawa nitong si Atty. Manases Carpio.

Read More »

NAMFREL, dismayado sa pagpapaliban ng BSKE

 16,486 total reads

 16,486 total reads Dismayado ang National Citizens’ Movement for Free Elections (NAMFREL) sa panibagong pagpapaliban ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections o BSKE, na nakatakda sanang

Read More »

Seafarers, kinilala ni Bishop Santos

 15,917 total reads

 15,917 total reads Kinilala ni Antipolo Bishop Ruperto Cruz Santos, CBCP Bishop Promoter of Stella Maris–Philippines, ang mga marinong Pilipino sa paggunita ng National Seafarers’ Sunday,

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nalulugi ang transportasyon

 3,716 total reads

 3,716 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 34,525 total reads

 34,525 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 82,790 total reads

 82,790 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 104,880 total reads

 104,880 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Nagmamahal, Judith

 204,480 total reads

 204,480 total reads Mga Kapanalig, dumating na ba sa inyo si Judith? Kung hindi ninyo siya kilala, si Judith ang buwan-buwan na dumadalaw sa atin para

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 126,589 total reads

 126,589 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top