Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 5,766 total views

Homiliya para sa Holy Trinity Sunday, 26 Mayo 2024, Mat 28:16-20

Sa araw na ito ng Kapistahan ng Banal na Santatlo, tutukan natin ng pagninilay, hindi ang misteryo ng Santatlo, kundi ang epekto nito sa atin, ayon kay San Pablo: ANG DIWA NG PAGIGING AMPON NG DIYOS AT TAGAPAGMANA NG KANYANG KAHARIAN.

Pag-ampon ang tawag natin sa ligal na proseso ng pagtanggap sa isang hindi-kadugo o kapamilya bilang miyembro ng pamilya. Ang inampon ay hindi lang binibigyan ng karapatan na gamitin ang apelyido ng pamilya bilang kaanak. Tinuturing din siyang tagapagmana sa mga ari-arian ng pamilya. Pero sa ating narinig na pangalawang pagbasa mula sa sulat ni San Pablo sa mga taga-Roma, hindi isang ligal na proseso ng pag-ampon ang tinutukoy niya, kundi diwa o espiritung nagpapatunay daw na tayo ay mga anak ng Diyos. Ano ang ibig niyang sabihin?

Totoo nga naman, kahit kumpleto ang mga papeles, hindi ka pa rin totoong adopted kung hindi ka talaga natutuhang mahalin o ituring bilang tunay na anak o kapamilya, na pinalaki bilang hindi-na-iba. Hindi lang ito totoo sa panig ng umaampon kundi pati na rin sa panig ng inampon.

Ang pagiging Kristiyano ay tungkol sa diwa o espiritung ginigising o pinupukaw sa atin bilang mga anak ng Diyos, bilang bahagi ng pamilya ng Diyos na tinatawag nating SANTATLO. Ang epekto ng ating pagiging inampon ay dalawa: tayo’y nagiging tagapagmana ng Diyos, kasamang tagapagmana ni Hesukristo.

Simulan natin sa una: “Tagapagmana ng Diyos”, ibig sabihin, ng kanyang kaharian. Tayong mga inampon ay tumatanggap ng biyaya ng buhay na marangal, may mataas na dignidad, hindi lang bilang mga nilkha sa hugis at wangis ng Maylikha, kundi bilang mga miyembro ng pamilya ng Diyos. Kahit totoong ang sangkatauhan ay pumalpak o nabigo, hindi pa tapos ang kuwento. Nagpapatuloy ito sa kuwento ng Bagong Tipan, ang kuwento ng kaligtasan.

Na kahit tayo’y bumagsak, tayo’y tinubos. Iyon ang konkretong epekto ng diwa ng pag-ampon. Na tayo ma’y busabos, minahal pa rin tayo. Di man karapat-dapat, pinagpala pa rin at biniyayaan. Diyos mismo ang nagkukusang-loob upang itaas na muli ang ating dangal, matapos na tayo’y masadlak sa kasalanan. May kuwento ang aklat ng Genesis sa ginawa ng Diyos bago niya pinalayas sina Adan at Eba sa paraiso. “Dinamitan muna sila.”

Sa pamamagitan ng diwang-Anak na kaloob ng Espiritu, nakikilala natin ang dalawang bagay: kung sino tayo sa harapan ng Diyos, at kung sino ang Diyos sa atin. At ikalawa, nakikilala rin nating kilalanin kung sino tayo sa isa’t isa. Na tayo ay pamilya, magkakapatid, kapwa kasambahay sa issang tahanan. Ang diwa ng pagiging inampon ang nag-uudyok sa atin na tumawag sa Diyos bilang “Ama Natin.” Ang pag-ibig ng Diyos ang nagpapakilala sa atin kung sino tayo sa mata ng Diyos, ang umuudyok sa atin ng tumugon sa Diyos bilang kanyang mga anak.

May kuwento sa aklat ng Genesis tungkol kay Ishmael, kung paanong pinalayas siya, kasama ng kanyang inang si Hagar na alipin ni Sara. Noong una kasi walang sariling anak si Sara, kaya ibinigay niya ang alipin niya kay Abrahan para maanakan niya ito. Maayos ang pakikitungo niya sa mag-ina, pero nagbago ang lahat nang magkaanak rin si Sara. Hindi nito matanggap na may kasamang magiging tagapagmana ang kanyang anak. Sa Bagong Tipan, magbabago ang kuwento. Hindi lang mga kadugo o kapwa Hudyo ang magmamana ng kaharian. Dahil sa pagkakatawang-tao ng Bugtong na Anak ng Diyos, naging bukas ang pamilya ng Diyos sa lahat. Sabi nga ni San Pablo: “Wala nang Hudyo at Hentil, malaya at alipin, babae at lalaki. Lahat ay iisa kay Kristo Hesus. At ang bawat kabilang kay Kristo ay kalahi na ni Abraham, tagapagmana na rin ayon sa pangako.”

May narinig akong ganyang true story ng isang naging istudyante ko. Dahil isa lang ang anak ng mag-asawa, minabuti nilang mag-apon para magkaroon ng kapatid ang solong anak nila. Sinikreto nila ito sa batang inampon, pero dumating din ang panahon na natuklasan nito ang sikreto ng kanyang pagkatao. Sa pagkabigla, naglayas siya para hanapin daw ang tunay niyang magulang. Sa di niya nalalaman, ang kuya niya na masyadong nalungkot sa pag-alis niya ang naghanap sa kanya kung saan-saan, hanggang muntik na itong mamatay dahil naholdap siya habang naghahanap.
Bakit mo naisip na bumalik pa rin sa pamilyang umampon sa iyo sa bandang huli? Ito ang tanong ko sa istudyanteng nagkwento. Sagot niya: kasi, muntik nang mamatay si kuya dahil sa paghahanap sa akin. Kung siya na tunay na anak ay handang mamatay para sa akin na ampon lang, paano ko pa mapagdududahan na hindi na nga ako iba sa kanila, na ang turing na sa akin ng kuya ay totoong kapatid at kasamang tagapagmana?

Magandang kuwento, hindi ba? Pero hindi pa tapos ang kuwento. Nagpapatuloy. Marami pang gustong ampunin ang Diyos. Hindi pa tapos ang misyon ng Anak ng Diyos hangga’t hindi tayo natututo na makiisa sa misyon niya: na maampon ng Diyos ang buong sangkatauhan sa pamamagitan ng pakikiisa natin sa pagdurusa at kamatayan ni Kristo, makakasama rin tayong lahat sa kanyang kaluwalhatian.

Ito ang misyon ng Banal na Santatlo: na sa pamamagitan ng Anak ng Diyos, kasama niya at sa kanya, ay maparangalan ang Diyos Ama dahil sa patuloy na paglaki ng kanyang pamilya dahil sa Espiritu Santong nagkakaloob sa atin ng diwa ng pagiging inampon at tagapagmana ng kaharian ng Diyos.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

‘Buwis-buhay’ para sa mga PWD

 12,233 total views

 12,233 total views Mga Kapanalig, nag-viral ang PWD ramp sa isang istasyon ng EDSA Busway sa Quezon City. Sa inauguration na ginawa ng Department of Transportation at Metropolitan Manila Development Authority (o MMDA), maraming nakapansing tila masyadong matarik at madulas ang bagong rampa  para mga persons with disability (o PWD). Batay sa Batas Pambansa (o BP)

Read More »

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 19,714 total views

 19,714 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »

Green Transport

 32,854 total views

 32,854 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 38,827 total views

 38,827 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 44,581 total views

 44,581 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

REVELATION TO THE CHILDLIKE

 1,118 total views

 1,118 total views Homily for Wed of the 15th Wk in OT, 17 July 2024, Isa 10:5-7, 13b-16; Mt 11:25-27 Our first reading today is a grim warning to modern-day world powers who bully their neighbors. It is a good reminder for nations that have become economically prosperous and militarily powerful to the point of throwing

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

APOSTOL, SUGO, KINATAWAN

 1,119 total views

 1,119 total views Homiliya Para sa Ika-15 Linggo ng Karaniwang Panahon, 16 Hulyo 2024, Markos 6:7-13 Nais ko sana na itutok natin ang ating pagninilay sa araw na ito sa kahulugan ng pagiging “apostol”. Alam ko na ang karaniwang iniuugnay natin sa salitang “apostol” ay ang 12 lalaki na pinili ni Hesus mula sa kanyang mga

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BUEN CAMINO

 3,873 total views

 3,873 total views Homiliya para sa Huwebes, 11 Hulyo 2024, Paggunita kay San Benito, Mt 10:7-15 Noong nakaraang Martes, nag-bonding kami ng kapatid kong panganay. Umabot ng tatlong oras ang tanghalian namin dahil nagkuwento siya tungkol sa naranasan niyang paglalakad sa camino ng Compostela nitong nakaraang buwan. Biro niyo, sa edad na 78 ay naglakad siya

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

IN JESUS’ NAME

 8,288 total views

 8,288 total views Homily for Wed of the 13th Wk in Ordinary Time, 10 July 2024, 18th Episcopal Ordination Anniversary, Mk 10:1-7 On Thursday last week, the final day of the annual retreat of the CBCP, we has as main presider at the Eucharistic Celebration the Secretary of the Holy See’s Relations with States, Abp. Paul

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

KATATAGAN

 3,614 total views

 3,614 total views Homiliya para sa Huwebes sa Ikalabindalawang Linggo ng Karaniwang Panahon, 27 Hunyo 2024, Mat 7:21-29 “Malapit na ang giyera!” Ito ang babala ng mga propeta sa Jerusalem. Pero walang sumiryoso sa babala nila. Hanggang minsan isang araw bigla na lang nagkatotoo. Ang katuparan ng malagim na hula ay ang malungkot na kuwentong narinig

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE HEART AND THE EYE

 4,137 total views

 4,137 total views Homily for Friday of the 11th Wk in Ordinary Time, 21 June 2024, Mt 6:19-23 Today’s Gospel makes me understand the expression, “His heart is in the right place.” The idiom is understood to mean “He has good intentions despite his flaws and mistakes.” Or “He has shortcomings but he is sincere and

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

GOD THE FARMER

 5,636 total views

 5,636 total views Homiliya para sa Ika-11 Linggo ng Karaniwang Panahon, 16 Hunyo 2024, Mk 4:26-34 Dalawang punto lang ang mungkahi kong pagnilayan natin tungkol sa mga talinghagang narinig natin sa ebanghelyo ngayon. Una, ang Diyos ang magsasaka, ang salita niya ang binhi. Pangalawa, tayo mismo ay para ding mga binhi. Simulan natin sa una. Ang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

GO OUTSIDE!

 6,480 total views

 6,480 total views Homily for Friday of the 10th Week in Ortdinary Time, 14 June 2024, 1 Kings 19; Mt 5:27-32 Like I told you yesterday, the drama in the life and mission of the prophet Elijah—which has been read from the first book of Kings for the past few days now—continues today with chapter 19.

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MAGDILANG ANGHEL

 4,735 total views

 4,735 total views Homiliya para sa Misang Paggunita kay San Antonio de Lisbon, 13 Hunyo 2024, Mt 5:20-26 “Magdilang-anghel ka nawa!” Ito ang sinasabi natin sa Pilipino pag may binigkas na hula ang iba na ibig nating magkatotoo. Isang taong may dilang anghel, ito ang turing ng mga taga-Padua kay San Antonio dahil sa tindi ng

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

SAN ANTONIO DE LISBON

 8,948 total views

 8,948 total views Homiliya para sa Bihilya sa Kapistahan ni “San Antonio de Padua,” Miyerkoles sa Ikasampung Linggo ng Karaniwang Panahon, 12 Hunyo 2024, Mat 5, 17-19 Salamat sa Marian pilgrimage ng Kaparian ng Kalookan, bukod sa dalaw namin sa lugar na pinangyarihan ng aparisyon ng Birhen sa Fatima, nakadalaw din kami sa bayan ng ating

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE “GOOD MAN”, BARNABAS

 8,180 total views

 8,180 total views Homily for Thursday of the 10th Week in Ordinary Time, 11 June 2024, Mat. 10:7-13 Today is the Feast of the Holy Apostle and Martyr, St Barnabas, whom St Luke describes in our first reading today as “a good man, filled with the Holy Spirit and faith”. In one of my past homilies

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

TAHANAN NG PUSO

 12,390 total views

 12,390 total views Homiliya Para sa Ika-10 Linggo ng Karaniwang Panahon, 9 Hunyo 2024, Mk 3:20-35 Ang ating pagninilay sa araw na ito ay tungkol sa pagtatayo ng tahanan, hindi lang bahay. Alam naman natin na hindi lahat ng bahay ay tahanan, di ba? Di ba may kasabihan tayo: “Mabuti na sa akin ang bahay kahit

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BLOOD AND WATER

 5,838 total views

 5,838 total views BLOOD AND WATER Homily for the Feast of the Sacred Heart of Jesus, 7 June 2024, Jn 19,31-37 I call the Feast of the Sacred Heart of Jesus a poetic feast about the mystery of the Love of Christ. Saint Paul himself sounds very poetic in our second reading from third chapter of

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

TAO PO (HINDI “TAO LANG PO”)

 5,842 total views

 5,842 total views TAO PO (HINDI “TAO LANG PO”) Homiliya Para sa Huwebes sa Ikasiyam na Linggo ng Karaniwang Panahon, 6 Hunyo 2024, Mk 12,28-34 May kuwento tungkol sa isang pusa na inanod ng agos ng baha at nakakapit sa sanga ng maliit na puno sa gilid ng estero. Nakita daw ito ng dalawang tao. Dahil

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE ETERNAL NOW

 5,842 total views

 5,842 total views THE ETERNAL NOW Homily for Wed of the 9th Week in Ordinary Time, 5 June 2024, Mk 12,18-27 The question raised in today’s Gospel reminds me of the story of a woman named Sarah in the Old Testament. No, I am not talking about Sarah, the wife of Abraham, but about the Sarah

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top