Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 3,277 total views

Homiliya para sa Novena ng Santa Cruz, Ika-13 ng Setyembre 2024, Lk 6:39-42

Ewan kung narinig na ninyo ang kuwento tungkol sa isang taong mayaman ngunit makasarili. Dahil guwapo siya, matipuno at malusog ang katawan bukod sa successful sa career, mahilig daw siyang tumingin sa salamin para hangaan ang sarili.

Minsan isang gabi, nanaginip siya. Naglalakad daw siya sa mga ulap hanggang nakakita siya ng isang malaking krus. Pero kakaiba ito. Hugis krus pero salamin. Dahil mahilig siyang tumingin sa itsura niya, excited siyang lumapit sa krus at tumingin sa sarili. Laking gulat niya sa nakita niya ang sarili niya. Sarili nga ang nakikita pero parang hindi. Kasi pangit siya. Payat na payat na parang buto’t balat. Maputlang-maputla, matamlay, parang malnourished, luwa ang mata at wala nang ngipin.

Gumalaw-galaw siya para tiyakin kung sarili nga ba niya ang nakikita sa salamin, dahil ibang-iba na nga ang itsura. Siya nga. Pero kapag tumingin siya sa sariling katawan niya, parang katulad pa rin naman siya ng dati—makinis ang kutis, matipuno, malakas, malusog, dahil sagana sa pagkain at mahilig magwork-out. Pero pagtingin sa salamin—mukha nga siyang gusgusin na parang taong-grasa sa kalsada.

Nagdasal daw siya sa Diyos. Sinabi niya, “Lord, pinakikita mo ba sa akin ang kahihinatnan ko sa kabilang buhay? Ibig bang sabihin nito impyerno ang patutunguhan ko pagkamatay ko? Ganyan ba ang magiging itsura ko doon?”

Sumagot naman daw ang Diyos sa kanya at ang sabi’y, “Hindi, anak. Ikaw iyan ngayon. Iyan ang silbi ng krus sa buhay mo— ang ipakita sa iyo, hindi ang iyong hinaharap kundi ang iyong kasalukuyang buhay. Kaya lang, ibang klaseng salamin ang krus. Iyan ang salamin ng langit. Ang mga salamin kasi ninyo sa lupa walang ipinakikita kundi panlabas na itsura lamang ninyo. Ang salamin ng langit iba ang ipinakikita—iyung tunay na mahalaga sa pagkatao ninyo. At ito ay ang nasa kalooban ninyo. Kaya ang nakikita mo ay ang kasalukuyang itsura ng iyong kaluluwa.”
Sabi pa daw ng Diyos, “Dahil mahal kita, anak, naaawa ako sa iyo, nalulungkot ako sa ginagawa mo sa sarili mo. Sa katawan ka lang maganda, malusog at masigla. Sa materyal ka lang sagana. Pero ang kaluluwa mo ay maysakit, mahinang-mahina, namamatay na sa gutom at uhaw, nag-aagaw-buhay. Kaya ko nga ipinakikita sa iyo dahil buhay ka pa. Kaya mo pang magbago, kung babaguhin mo ang pangit na pag-uugali mo. Alam kong alam mo ang lahat ng paraan sa mundo para mapalakas ang katawan at kalusugan mo, mapaganda ang katawan mo, ang mukha mo, ang image mo. Pero hangga’t sarili mo lang ang kaya mong alagaan, pinahihina mo ang kaluluwa mo.”

Naiyak daw siya at nagmakaawa, “Lord, kahit ano po gagawin ko para bumalik sa sigla ang kaluluwa ko. Ano po ba ang dapat kong baguhin sa ugali ko para gumanda rin ang kalooban ko?” Sumagot ang Panginoon at ang sabi niya, “Sa bawat kapwa-tao na pagmalasakitan mo, sa bawat nagugutom na painumin mo, sa bawat nauuhaw na painumin mo, sa bawat nalulungkot na aliwin mo, sa bawat maysakit na kalingain mo, sa bawat api na ipagtanggol mo, magbabago ang kalooban mo. Lulusog ang kaluluwa mo. Gaganda ang pagkatao mo.”
“Hindi mabubuo ang pagkatao mo kung makasarili ka. Sa pakikipagkapwa—mas lalo kang magiging malakas at masigla. Hindi gaganda ang pagkatao mo kung hindi ka matutong magmahal na totoo, magparaya, magkaroon ng layunin na higit pa sa sarili mo. Magmahal, handang magdusa at mamatay, handang mag-alay ng buhay para sa minamahal katulad ng Anak ko na hinatulan ninyo ng kamatayan at ipinako ninyo sa krus na iyan kahit walang kasalanan. Gawin mo lahat ng ito at makikita mo, sa salamin ng langit ikaw ay magiging pabata nang pabata hanggang sa maging mistulang sanggol upang maghanda na maisilang kang muli sa kabilang buhay.”

Ang punto ng kuwento, ang kabilang-buhay na hinahangad natin ay nagsisimula na dito sa mundo, kung matuto lang tayong tumingin kahit paminsan-minsan lang sa krus ni Kristo bilang salamin ng langit. Iminumulat tayo ng salamin ng langit upang makita natin ang sariling pagkakasala bago at maimulat ang iba sa sarili nilang mga pagkakasala.

Hindi naman hangad ni Hesus na i-romanticize ang karukhaan, ang gutom, pagtangis at pagiging kawawa. At hindi rin niya sinasabi na masama ang mabuhay na maginhawa, busog, masaya at hinahangaan. Nagiging parang sumpa lamang ang ating mga makamundong pagpapala kapag nabulag tayo ng mga ito at hindi na natin makita ang tunay na anyo ng ating kaluluwa sa salamin ng langit. Akala natin mapalad tayo; sawimpalad pala.

May isinulat si San Juan sa Book of Revelations (Pahayag), na parang ganito rin ang sinasabi. Sa Pahayag 3:17-19,

“Sinasabi ninyo, ‘Mayaman na kami, sagana na sa lahat ng bagay at wala nang ibang pangangailangan.’ Ngunit hindi ninyo nalalaman na sa totoo lang, kayo’y dukha ng tanang dukha, kaawa-awa, kahabag-habag, bulag sa katotohanan at hubad sa paningin ng Dios. Kaya pinapayuhan ko kayo, sa akin kayo humiling ng ginto na dinalisay sa apoy upang maging totoong mayaman kayo… Bumili rin kayo sa akin… ng gamot sa mata upang makita ninyo ang katotohanan. Ang lahat ng minamahal ko ay tinutuwid ko at sinasaway. Kaya magsisi kayo at ituwid ang ugali ninyo. Narito ako sa labas ng pintuan ninyo at kumakatok. Kung may makarinig sa akin at pagbuksan ako ng pinto, tutuloy ako, at makakasalo niya ako sa hapag-kainan.”

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Deserve ng ating mga teachers

 6,963 total views

 6,963 total views Mga Kapanalig, bago matapos ang National Teacher’s Month noong Sabado, ika-5 ng Oktubre, na kasabay din ng World Teachers’ Day, may regalong ibinigay ang Department of Education (o DepEd) sa ating mga pampublikong guro. Sa bisa ng DepEd Order No. 13, maaari nang bigyan ang mga public school teachers ng hanggang 30 vacation

Read More »

Makinig bago mag-react

 57,287 total views

 57,287 total views Mga Kapanalig, nag-trending sa social media noong nakaraang linggo ang isang video kung saan makikitang nagkainitan sina Senador Alan Peter Cayetano at Senador Juan Miguel Zubiri habang naka-break ang sesyon nila. Makikita sa video ang kanilang sagutan at murahan, na muntikan nang umabot sa pisikalan. Ang kanilang pag-aaway ay kaugnay ng sampung Embo

Read More »

Protektahan ang mga mandaragat

 66,763 total views

 66,763 total views Mga Kapanalig, ayon sa Mga Awit 107:23-24, “Mayroong naglayag na lulan ng barko sa hangad maglakbay, ang tanging layunin kaya naglalayag, upang mangalakal. Nasaksihan nila ang kapangyarihan ni Yahweh, ang kahanga-hangang ginawa ni Yahweh na hindi maarok..” Ang salmong nabanggit ay malapít sa mga seafarers at masasabing mapalad sila dahil nakikita nila ang

Read More »

Interesado pa ba ang bise-presidente?

 66,179 total views

 66,179 total views Mga Kapanalig, dahil sa hindi pagsipot ni Vice President Sara Duterte sa deliberasyon ng inihahaing badyet ng kanyang opisina, mukhang hindi na raw interesado ang pangalawang pangulo sa kanyang trabaho. Dahil dito, baka pwede niyang ikonsiderang bumaba na lang sa puwesto. Iyan ang opinyon ni House Deputy Speaker at kinatawan ng ikalawang distrito

Read More »

18,271 positions

 79,104 total views

 79,104 total views Kapanalig, 18,271 positions sa pamahalaan ang pag-aagawan at paglalabanan ng mga kandidatong tatakbo sa 2025 Midterm elections na itinakda ng Commission on Elections (COMELEC) sa ika-12 ng Mayo 2025. Kinabibilangan ito ng 12-bagong Senador, 254 congressional district representatives; 63 party-list representatives;82-governors; 82 vice governors; 792 provincial board members;149 city mayors, city vice mayors.

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

“IGLESIA SIN FRONTERAS”

 1,147 total views

 1,147 total views (CHURCH WITHOUT BORDERS/ BOUNDARIES) Homily for the 26th Sun in Ordinary Time (B), 29 September 2024, Mark 9:38-43, 45, 47-48 In today’s Gospel, Jesus is telling us something that we may find disturbing. Perhaps as disturbing as the words Pope Francis said when he visited Singapore recently, about other religions as “paths to

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

ANG PAG-IISIP NG DIYOS

 3,277 total views

 3,277 total views Homily for 24th Sun in Ordinary Time, 15 September 2024, Mk 8:27-35 Napagsabihan si Pedro sa ebanghelyo ngayon. Hindi daw ayon sa pag-iisip ng Diyos ang pag-iisip niya kundi ayon sa pag-iisip ng tao. Kung ako si Pedro baka nakasagot ako ng ganito: “with all due respect, Lord, paano akong mag-iisip na katulad

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

LAW OF MOTION

 3,278 total views

 3,278 total views Homiliya para sa Huwebes sa Ika-23 Linggo ng Karaniwang Panahon, 12 Setyembre 2024, Lukas 6:27-38 Ang ebanghelyo natin ngayon ang siya na yatang pinakamahirap na doktrina ng pananampalatayang Kristiyano: MAHALIN ANG KAAWAY. Ito ang tunay na dahilan kung bakit nasasabi natin na MAS RADIKAL ANG MAGMAHAL. Mahirap kasing totohanin. Mas madali ang gumanti,

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

OPIUM OF THE PEOPLE

 3,274 total views

 3,274 total views Homily for Wed of the 23rd Wk in OT, 11Sept 2024, Lk 6:20-26 “It’s ok to suffer poverty and humiliation now. Anyway you will enjoy plenty and satisfaction in the hereafter…” Some Christians hold on to this kind of doctrine about a heavenly reward awaiting those who have suffered hell on earth. Is

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAPAPANAHON

 4,146 total views

 4,146 total views Homily for the 23rd Sunday in Ordinary Time, 08 September 2024, Mark 7:31-37 Isang kasabihan sa Bibliya, ang chapter 3 ng Ecclesiastes ang pagkukuhanan natin ng inspirasyon para sa ating pagninilay sa ebanghelyo ngayon. “May tamang panahon para sa lahat ng bagay, panahon para sa bawat gawain sa mundong ibabaw…May panahon daw para

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PANININDIGAN

 6,348 total views

 6,348 total views Homiliya para sa Ika-21 Linggo ng Karaniwang Panahon, 25 Agosto 2024, Juan 6: 60-69 Sa Misang ito ng ating Paggunita kay Santa Clara ng Assisi pagninilayan ang pagiging huwaran niya sa SAMA-SAMANG PAGLALAKBAY TUNGO SA KAGANAPAN NG BUHAY. Isa siya sa mga unang nagpahayag ng suporta kay Saint Francis nang talikuran nito ang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAKITA KITA

 6,381 total views

 6,381 total views Homiliya para sa Kapistahan ni San Bartolome, 24 Agosto 2024, Jn 1:45–51 “Bago ka tinawag ni Felipe NAKITA KITA sa ilalim ng puno ng igos.” Iyun lang ang sinabi ni Hesus. Hanggang ngayon hinuhulaan pa ng mga Bible scholars kung bakit napakatindi ng epekto ng sinabing iyon ni Hesus kay Nataniel o Bartolome.

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

DAMAY-DAMAY

 7,735 total views

 7,735 total views Homily for the Feast of the Queenship of Mary, 22 August 2024, Lk 1,26-38 Isa sa paborito kong kanta sa blockbuster comedy film “Sister Act” ni Whoopi Goldberg ay ang “Hail Holy Queen Enthroned Above”. Hindi alam ng marami na ang kantang iyon ay isa sa pinakamatandang panalangin tungkol kay Mama Mary. Kilala

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BAON SA BIYAHE

 8,832 total views

 8,832 total views Homily for the 20th Sunday in Ordinary Time, 18 August 2024, John 6: 51-58 Sa ating mga Katoliko, ang huling basbas sa mga malapit nang pumanaw ay hindi lamang sinasamahan ng kumpisal at pagpapahid ng langis. Kapag kaya pa ng maysakit, binibigyan siya ng komunyon at ang tawag dito sa wikang Latin ay

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MALASAKIT

 13,050 total views

 13,050 total views Homiliya sa Pyestang San Roque, 16 Agosto 2924, Mateo 25: 31-40 Isang art work ang tumawag-pansin sa akin minsan. Gawa ito sa brass o tanso, hugis-taong nakaupo sa isang park bench, dinadaan-daanan ng mga tao. Minsan tinatabihan siya ng mga gustong magselfie kasama siya. Malungkot ang dating ng sculpture na ito—anyo ng isang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PAGKAIN NG BUHAY

 8,769 total views

 8,769 total views Homily for the 19th Sunday in Ordinary Time, 11 August 2024, John 6:41-51 Kung minsan, may mga taong ayaw kumain, hindi dahil hindi sila nagugutom o wala silang ganang kumain kundi dahil wala na silang ganang mabuhay. Ganito ang sitwasyon ng propeta sa ating unang pagbasa ngayon. Nawalan na ng ganang mabuhay si

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

HANAPBUHAY

 10,139 total views

 10,139 total views Homiliya para sa ika-18 Linggo ng Karaniwang Panahon, 4 Agosto 2024, Juan 6:24-35 Sa Tagalog, “hanapbuhay” ang tawag natin sa trabahong pinagkakakitaan ng pera. Pero kung pera pala ang hinahanap, bakit hindi na lang tinawag na “hanap-pera” ang trabaho? Narinig ko ang sagot sa isang kargador sa palengke. Kaya daw hanapbuhay ang tawag

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MISSIONARY

 10,400 total views

 10,400 total views Homily for the Ordination of Hien Van Do, MJ and Dao Minh Pham MJ to the Presbyteral Ministry, 03 August 2024, Jn 15:9-17 87 MJ is your nomenclature for your identity as consecrated persons. Missionaries of Jesus. Let me share some thoughts on what, basically it means to be Missionaries of Jesus. It

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAKATATANDA

 19,093 total views

 19,093 total views Homiliya para sa World Day for Grandparents, 27 Hulyo 2024, Ika-17 Linggo ng Karaniwang Panahon, Juan 6:1-15 Ipinagdiriwang natin ngayon ang World Day for Grandparents and the Elderly. Ano sa Tagalog ang ELDERLY? NAKATATANDA. Kaya nagtataka ako kung bakit ina-associate ang pagiging matanda sa pagiging ulyanin o makakalimutin, gayong eksaktong kabaligtaran ang ibig

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

RICH SOIL

 10,752 total views

 10,752 total views Homily for the feast of Sts. Joachim and Anne, 26 July 2024, Mt 13:18-23 An elderly couple like Abraham and Sarah, that’s the kind of image that Christian tradition gives us of Joachim and Anne. They were a couple already resigned to their infertility, but were eventually blessed with a child in their

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top