Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 6,923 total views

24th Sunday of Ordinary Time Cycle B
National Catechetical Day
Is 50:5-9 James 2:14-18 Mk 8:27-35

“Lumayo ka, Satanas! Ang iniisip mo ay hindi sa Diyos kundi sa tao.” Sino ang sinabihan nito ni Jesus? Si Pedro! Ang ibig sabihin ng salitang Satanas ay manunukso. Tinawag ni Jesus si Pedro na Satanas kasi tinutukso niya si Jesus. Noong si Jesus ay nagsimula nang magsalita tungkol sa mangyayari sa kanya sa Jerusalem kung saan sila papunta – na siya ay dadakpin doon, itatakwil, papasakitan at papatayin, pero muli siyang mabubuhay, itinabi siya ni Pedro at pinagsabihan. Pinapatahimik niya si Jesus na huwag siyang magsalita tungkol sa kanyang paghihirap. Ayaw ng tao, ayaw natin, na magsalita tungkol sa paghihirap at pasakit. Bilang mga tao wala tayong nakikita na kabutihan sa pagdurusa. Inaayawan natin ito. Pero iba ang Diyos. Ang pag-iisip ng Diyos ay ibang-iba sa pag-iisip ng tao. Ang paghihirap ay bahagi ng buhay, at kailangan din natin itong tanggapin.

At hindi lang si Jesus nagsalita tungkol sa kanyang paghihirap. Tinawag niya ang mga tao at pinalapit sa kanya at maliwanag na sinabi sa kanila: “Kung ibig ninumang sumunod sa akin. Limutin niya ang ukol sa kanyang sarili, pasanin ang kanyang krus at sumunod sa akin.” Ang krus na siyang sagisag ng paghihirap at kamatayan ay hindi lang para kay Jesus. Ito ay para sa lahat ng may gustong sumunod sa kanya.

Parang uso na ngayon ang krus. Madalas natin itong gawin kapag tayo ay nag-aantanda ng krus. Kinikwintas natin ito. Dinedecorate natin ito sa ating mga bahay at sa ating la mesa. Tinatato ito sa ating braso. Naging uso na ang krus. Pero hindi ganoon ang krus noong panahon. Ito ay ginagamit noon bilang isang nakakahiya, masakit at nakamamatay na parusa. Ito ay parusa sa mga taong mababa ang uri – mga dayuhan, mga tulisan, mga rebelde at mga alipin. Ito ay nakakahiya. Nakahubad na nakabitin ang salarin na kitang-kita ng lahat. Ito ay masakit – nakabitin na nakapako sa ilalim ng init ng araw at ng ulan. Maaaring tumagal ng dalawa o tatlong araw ang isang tao na nakabitin sa krus. Ito ang krus na kailangan natin buhatin kung tayo ay susunod kay Jesus. Ang krus ay maaaring nakakahiyang kalagayan, mahirap na gawain, o kabiguan sa buhay. Tanggapin din natin ito. Paano ba natin ito makakayanan?

Ang ating unang pagbasa ay isang tula ni propeta Isaias. Ito ay isang awit tungkol sa isang lingkod ng Panginoon. Siya ay binugbog at ininsulto. Binubunot ang kanyang buhok at balbas. Siya ay nilurhan. Pero natiis niya ang mga ito. Paano? Dahil kilala niya kung sino ang kanyang inaasahan. Umaasa siya sa Diyos. Alam niya na hindi siya pababayaan. Hindi siya mapapahiya kasi ipagtatanggol siya ng Diyos. Kahit na anong bintang sa kanya ay matitiis niya kasi malinis ang kanyang budhi at makatarungan ang Diyos na huhusga sa kanya. Ito ang nagpatatag sa kanya, ito rin ang magpapatatag sa atin. Kilala natin at makakaasa tayo sa Diyos. Malinis tayo sa harap niya at makatarungan siya. Anumang pahirap, anumang krus ang darating sa atin ay mahaharap natin. At higit sa lahat – mahal tayo ng Diyos. Ililigtas niya tayo sa paghihirap.

Kahapon ipinagdiwang natin ang kapistahan ng Exultation of the Holy Cross. Ito ay kapistahan ng Pagtatampok ng Krus. Ang krus para sa ating mga taga-sunod kay Jesus ay hindi na nakakahiya. Ito ay ang paraan ng kaligtasan. Niligtas tayo ni Jesus sa pamamagitan ng krus kaya sa pamamagitan din ng krus makakalapit tayo sa kanya. Naaakit tayo sa krus kasi nandoon siya. Para sa mga walang pananampalataya, ang paghihirap ay nagpapahiwatig sa kanila na wala sa kanila ang Diyos, na pinabayaan na sila ng Diyos. Kaya ang kanilang tanong kapag sila ay naghihirap ay: Panginoon nasaan ka? Para sa ating may pananampalataya hindi absent ang Diyos sa paghihirap. Nandoon ang Diyos sa kahirapan natin. Nandoon ang Diyos sa krus natin, nakapako din siya doon kasama natin. At tinatanggap natin ito nang may pananampalataya na papalayain niya tayo rito at papanibaguhin pa. Darating ang bagong buhay dahil sa krus.

Si Joselito ay hirap na hirap sa kanyang pag-aaral. Kulang ang kanyang kagamitan kasi hindi siya kayang tustusan ng kanyang mga magulang. Pero siya ay nagpursigi. Kahit na kulang ang gamit at ang aklat, patuloy pa rin siya. Dumidiskarte na lang na humiram sa mga kaklase o tumutulong sa mga teachers. Napansin siya ng mga guro at tinulungan siya. Dahil sa kanyang pagsisikap, mas nakilala siya ng iba, mas tinulungan siya. Ang kanyang kahirapan ay naging paraan ng pagtatapos sa kanyang pag-aaral. Hindi naging hadlang ang krus ng kahirapan. Ito ay naging paraan pa para makatapos siya.

Ngayong Linggo ay National Catechetical Day. Pinapahalagahan ngayong araw ay catechesis. Ito ay ang sistimatikong pag-aaral ng ating pananampalataya. Natanggap natin ang pananampalatayang Kristiyano noong tayo ay bininyagan. Pero ang binhi ng pananampalataya ay kailangang lumago. Lumalago ito kapag ito ay pinag-aaralan natin at isinasabuhay. Walang kwenta ang pananampalataya kung hindi natin ito alam. Ang hindi natin alam ay pinababayaan natin. Hindi natin napapahalagahan ang mga bagay na hindi natin alam. Hindi natin mapapahalagahan ang Diyos at ang mga bagay tungkol sa Diyos kung hindi natin ito alam. Pero maganda ang ating pananampalataya. Makahulugan ito para sa ating buhay. Kaya alamin natin ang ating pananampalataya, at ang pagpapalalim ng pananampalataya ay gawain nating lahat. Ang katesismo ay hindi lang para sa mga bata. Kaya nga may Banal na Aral tayong ginagawa sa Bikaryato natin upang kahit na ang matatanda ay magkaroon ng maayos na kaalaman sa sinasampalatayanan natin.

Mahalaga na alam natin ang pananampalataya at kilala natin ang Diyos. Pero para maging mabisa sa ating buhay kailangan din nating gawin ang pananampalataya. Tinanong ni Santiago sa ating ikalawang pagbasa: “Ano ang mapapala ng isang tao kung sabihin niyang siya’y may pananampalataya, ngunit hindi naman niya pinatutunayan sa gawa? Maililigtas ba siya ng gayong pananampalataya? Hindi!” Ang demonyo ay naniniwala sa Diyos. Nanginginig pa siya sa harap ng Diyos. Pero bakit demonyo siya? Kasi hindi niya ginagawa ang kaniyang pinaniniwalaan tungkol sa Diyos. Sumusuway siya sa Diyos! Kaya para maging totoo ang ating pananalig sa Diyos, kailangan natin ng kaalaman tungkol sa kanya at isagawa ito. Sabi rin ni Jesus: Hindi lahat na tumatawag ng Panginoon ko! Panginoon ko! ay makakapasok sa kaharian ng Diyos kundi iyon lamang gumagawa ng kalooban ng Diyos Ama.

May second collection po tayo ngayon para sa mga katekista na nagse-serve sa atin upang mapalalim ang ating kaalaman sa Diyos. Sila rin ay binibigyan ng formation para magampanan nila ng maayos ang kanilang mahalagang gawain.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Deserve ng ating mga teachers

 7,024 total views

 7,024 total views Mga Kapanalig, bago matapos ang National Teacher’s Month noong Sabado, ika-5 ng Oktubre, na kasabay din ng World Teachers’ Day, may regalong ibinigay ang Department of Education (o DepEd) sa ating mga pampublikong guro. Sa bisa ng DepEd Order No. 13, maaari nang bigyan ang mga public school teachers ng hanggang 30 vacation

Read More »

Makinig bago mag-react

 57,348 total views

 57,348 total views Mga Kapanalig, nag-trending sa social media noong nakaraang linggo ang isang video kung saan makikitang nagkainitan sina Senador Alan Peter Cayetano at Senador Juan Miguel Zubiri habang naka-break ang sesyon nila. Makikita sa video ang kanilang sagutan at murahan, na muntikan nang umabot sa pisikalan. Ang kanilang pag-aaway ay kaugnay ng sampung Embo

Read More »

Protektahan ang mga mandaragat

 66,824 total views

 66,824 total views Mga Kapanalig, ayon sa Mga Awit 107:23-24, “Mayroong naglayag na lulan ng barko sa hangad maglakbay, ang tanging layunin kaya naglalayag, upang mangalakal. Nasaksihan nila ang kapangyarihan ni Yahweh, ang kahanga-hangang ginawa ni Yahweh na hindi maarok..” Ang salmong nabanggit ay malapít sa mga seafarers at masasabing mapalad sila dahil nakikita nila ang

Read More »

Interesado pa ba ang bise-presidente?

 66,240 total views

 66,240 total views Mga Kapanalig, dahil sa hindi pagsipot ni Vice President Sara Duterte sa deliberasyon ng inihahaing badyet ng kanyang opisina, mukhang hindi na raw interesado ang pangalawang pangulo sa kanyang trabaho. Dahil dito, baka pwede niyang ikonsiderang bumaba na lang sa puwesto. Iyan ang opinyon ni House Deputy Speaker at kinatawan ng ikalawang distrito

Read More »

18,271 positions

 79,165 total views

 79,165 total views Kapanalig, 18,271 positions sa pamahalaan ang pag-aagawan at paglalabanan ng mga kandidatong tatakbo sa 2025 Midterm elections na itinakda ng Commission on Elections (COMELEC) sa ika-12 ng Mayo 2025. Kinabibilangan ito ng 12-bagong Senador, 254 congressional district representatives; 63 party-list representatives;82-governors; 82 vice governors; 792 provincial board members;149 city mayors, city vice mayors.

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 6, 2024

 920 total views

 920 total views Homily October 6, 2024 27th Sunday of Ordinary Time Cycle B Gen 2:18-24 Heb 2:9-11 Mk 10:2-16 Naniniwala ba kayo na alam ng Diyos ang ginagawa niya? Siyempre, Diyos yata siya. Naniniwala ba kayo na mabuti sa lahat ang ginagawa ng Diyos? Siyempre, Diyos yata siya at mabait siya. Hindi naman siya gumagawa

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 29, 2024

 2,251 total views

 2,251 total views 26th Sunday in Ordinary Time Cycle B National Seafarers’ Sunday Migrants Sunday Num 11:25-29 James 5:1-6 Mk 9:38-43.45.47-48 Isa sa katangian ng ating mundo ngayon ay GLOBALIZATION. Nararanasan natin na iisang mundo na lang tayo. Madali ang contact natin sa ibang bansa, sa ibang lahi, sa ibang kultura at sa ibang mga produkto

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 22, 2024

 6,497 total views

 6,497 total views 25th Sunday in Ordinary Time Cycle B Wis 2:12.17-20 James 3:16-4:3 Mk 9:30-37 Si Jesus ay kilalang guro dahil sa nakikita ng marami na binibigyan niya ng panahon ang pagtuturo at nagsisikap naman siyang gumamit na iba’t-ibang paraan upang maintindihan ng mga tao ang tinuturo niya. Tinuturuan ni Jesus ang lahat ng mga

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 8, 2024

 7,984 total views

 7,984 total views 23rd Sunday of Ordinary Time Cycle B Is 35:4-7 James 2:1-5 Mk 7:31-37 Ngayong araw ay ang birthday ng ating Mahal na Ina. Happy birthday Mama Mary! Palakpakan natin siya. Pero dahil sa ngayon ay araw ng Linggo, ang mga panalangin at pagbasa natin sa Banal na Misa ay panlinggo. Ihingi natin kay

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 1, 2024

 9,294 total views

 9,294 total views 22nd Sunday of Ordinary Time Cycle B World Day of Prayer for the Care of Creation Deut 4:1-2.6-8 James 1:17-18.2-22.27 Mk 7:1-8. 14-15. 21-23 Ang Salita ng Diyos. Napakahalaga nito. Napakinggan natin ang pagbasa kanina mula sa sulat ni Santiago: “Niloob ng Diyos na tayo’y maging anak niya sa pamamagitan ng SALITA NG

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 25, 2024

 12,024 total views

 12,024 total views 21st Sunday of Ordinary Time Cycle C Jos 24:1-2.15-17.18 Eph 5:21-32 Jn 6:60-69 Kayong nandito na nagsisimba, kayo’y mga katoliko. Ang karamihan sa atin ay naging katoliko dahil sa ipinanganak tayo sa isang pamilyang katoliko. Pero bakit ba kayo nanatiling katoliko? Bakit ba kayo patuloy na nagsisimba at nakikiisa sa simbahan? Ito ba

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 18, 2024

 13,209 total views

 13,209 total views 20th Sunday of Ordinary Time Cycle B Prov 9:1-6 Eph 5:15-20 Jn 6:51-58 “Mga kapatid, ingatan ninyo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino, at di tulad ng mga mangmang. Sapagkat masama ang takbo ng daigdig, samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo’y makagawa ng mabuti. Huwag kayong mga hangal. Unawain

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 18, 2024

 14,689 total views

 14,689 total views Homily August 18, 2024 20th Sunday of Ordinary Time Cycle B Prov 9:1-6 Eph 5:15-20 Jn 6:51-58 “Mga kapatid, ingatan ninyo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino, at di tulad ng mga mangmang. Sapagkat masama ang takbo ng daigdig, samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo’y makagawa ng mabuti. Huwag

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 11, 2024

 17,100 total views

 17,100 total views 19th Sunday in Ordinary Time Cycle B 1 Kgs 19:4-8 Eph 4:30-5:2 Jn 6:41-51 May mga panahon sa buhay na tayo ay nanghihina na o nalilito, at ayaw na nating magpatuloy sa ating ginagawa. Gusto na lang nating tumigil at tumalikod na lang. Nangyari ito kay propeta Elias. Kahit na mag-isang propeta lang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 4, 2024

 20,385 total views

 20,385 total views 18th Sunday of Ordinary Time Cycle B St. John Maria Vianney Sunday Ex 16:2-4.12-15 Eph 4:17.20-24 Jn 6:24-35 Hinahanap-hanap ba natin si Jesus? Saan natin siya hinahanap-hanap? Bakit natin siya hinahanap? Mabuti kung hinahanap natin si Jesus. Hindi natin siya dinideadma. Tulad tayo ng mga tao sa ating ebanghelyo. Hinahanap-hanap nila si Jesus.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily July 28, 2024

 22,819 total views

 22,819 total views 17th Sunday of Ordinary Time Cycle B World Day of Grandparents and the Elderly Fil-Mission Sunday 2 Kgs 4:42-44 Eph 4:1-6 Jn 6:1-15 Kapag mayroon tayong malaking problema o malaking project na gagawin, ano ang madalas nating tinatanong at ginagawa? Magkano ba ang kailangan natin para diyan? Tulad natin, may malaking cathedral tayong

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily July 21, 2024

 24,679 total views

 24,679 total views 16th Sunday of Ordinary Time Cycle B Jer 23, 1-6 Eph 2:13-18 Mk 6:30-34 Pagkalito. Walang pagkakaisa. Nagkakagulo. Madaling masilo ng iba. Nanghihina. Iyan ang katangian ng kawan na walang pastol o napapabayaan ng pastol. Iyan din ang kalagayan ng mga tao na walang maayos na leader. Noong panahon ni Jeremias magulo ang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily July 14, 2024

 26,989 total views

 26,989 total views Homily July 14, 2024 15th Sunday of Ordinary Time Cycle B Amos 7:12-15 Eph 1:3-14 Mk 6:7-13 Ang Diyos ay palaging nagpapadala. Noon, nagpapadala siya ng mga propeta. Pinadala niya ang kanyang Anak. Pinadala niya ang kanyang mga alagad kaya sila ay tinawag na mga apostol, na ang kahulugan ay ang mga pinadala.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily July 7, 2024

 33,113 total views

 33,113 total views Homily July 7, 2024 14th Sunday Ordinary Time Cycle B Ez 2:2-5 2 Cor 12:7-10 Mk 6:1-6 Talagang nakakataka. Ang mabuti ay mahirap tanggapin at mahirap gawin, pero ang masama ay madaling paniwalaan at madaling gawin. Mahirap maniwala ang tao na nakabubuti sa kanila ang kabutihan pero madali sundin ang masasamang gawain. Hindi

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 30, 2024

 30,861 total views

 30,861 total views 13th Sunday of Ordinary Time Cycle B St. Peter’s Pence Sunday Wis 1:13-15; 2:23-24 2 Cor 8:7. 8. 13-15 Mk 5:21-43 Napakaraming kasamaan ang nababalitaan natin at nararanasan – pag-aaway, karamdaman, bisyo, at marami pa. Ang pinakamasama na iniiwasan natin pero madalas na nangyayari at sinasadya pang gawin ay ang kamatayan. Ang Magandang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top