Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 3,285 total views

Conceptual composition about reconciliation or hate.

Homiliya para sa Huwebes sa Ika-23 Linggo ng Karaniwang Panahon, 12 Setyembre 2024, Lukas 6:27-38

Ang ebanghelyo natin ngayon ang siya na yatang pinakamahirap na doktrina ng pananampalatayang Kristiyano: MAHALIN ANG KAAWAY. Ito ang tunay na dahilan kung bakit nasasabi natin na MAS RADIKAL ANG MAGMAHAL. Mahirap kasing totohanin.

Mas madali ang gumanti, ang magnasa na ipalasap sa kaaway ang pagdurusang pinalasap niya sa iyo. Mas madali ang rumesbak, ang mamuhi, ang magpadala sa galit sa ginawa sa iyo ng kaaway. Ang manakit kapag tayo ay nasaktan, ang manghusga kapag tayo ay hinusgahan, ang mang-atraso kapag tayo’y inatraso, ang magtanim ng galit sa puso at magsabing, LINTIK LANG ANG WALANG GANTI, MAY ARAW KA RIN, MAKIKITA MO ANG HINAHANAP MO, GAGAPANG KANG PARANG UOD PAGDATING NG PANAHON. Sinasabi mo pa lang, hindi pa man nangyayari, parang masarap pakinggan, di ba?

Ganyan daw kasi talaga ang galaw ng mundo. Iyan ang tinawag ni Newton na THIRD LAW OF MOTION. Di ba minemorize pa nga natin iyan sa ating General Science sa elementary school? “For every action, there is an equal opposite reaction.” Paano ba sasabihin iyan sa Pilipino? “Ang bawat galaw ay may katumbas na pasalungat na galaw.” Ang opposite reaction ng taong binusabos ay mambusabos, tama? Mali, sabi ni Hesus.

Bakit? Hindi naman tayo materyal lang, tayo’y tao, tayo’y mga sumasakatawang-diwa, tayo’y mga espiritwal na nilalang, may likas na marangal dahil hiningahan tayo ng Maykapal, ayon sa Kasulatan, kalarawan daw tayo ng Diyos na lumikha sa atin.

Bakit tinuturuan tayo ng Panginoon na huwag magpadala sa udyok na gumanti sa kaaway? Dahil bumababa ka sa level niya pag ginawa mo iyon. Imbes na mabago mo siya, nababago ka niya, hanggang pareho na lang kayo. Walang natutuwa sa ganyang paraan kundi si Satanas dahil paraan niya iyan. Ayaw niyang matulad tayo sa Diyos. Gusto niyang matulad tayo sa kadimonyuhan niya.
Kapag nang-abuso ka dahil inabuso ka, parang tuluyan mo nang isinusuko ang anumang dangal na natitira sa iyo sa umabuso sa iyo. Nabiktima ka na nga, nadodoble pa ang pagka-biktima mo kapag ginaya mo siya. Iyan naman ang karaniwang pinanggagalingan ng mga “bully” sa mundo, binully din kasi sila. Kaya gawain ng mga bully ang mang-udyok, ang lumaban sa paraan nila, ang tumulad sa kanila.

At dito ina-apply ni Hesus ang traditional GOLDEN RULE. Di ba ginawang kanta iyon na pinasikat ni Rico Puno? “Kung ano ang di mo gusto, huwag gawin sa iba.” O sa simpleng salita, bakit ko gagawin sa kanya ang mismong bagay na ayaw kong gawin nila sa akin, o ang masama na ginawa sa akin?

Napansin ba ninyo, hindi naman sinabi ni Hesus “Huwag manghusga at hindi ka huhusgahan.” Ang sabi niya, “Itigil ang panghuhusga at hindi ka huhusgahan.” ITIGIL ITO. “Law of Motion” nga kasi iyan. Pag sinimulan mo, tuloy-tuloy na, nagiging perpetual motion—for every action merong equal opposite reaction, paikot-ikot, paulit-ulit, vicious cycle ang tawag sa Ingles. Ang sinaktan, mananakit. Ang binusabos gaganti. Ang namatayan ay papatay. Ganyan ang prinsipyo ng RIDO sa ilan sa mga tribal culture. Sinimulan mo iyan, edi ituloy natin hanggang magkaubusan na tayo ng lahi!

Kaya hindi kuntento si Hesus sa traditional golden rule. Kaya nga ginawa niyang positive ang formulation ng golden rule: “Do unto others what you want others to do unto you.” Iyun ang mas tamang law of motion—ang kabutihan na ginagantihan ng higit pang kabutihan. Gawin mo sa iba ang gusto mo ring gawin nila sa iyo.

Para kay Hesus, masyadong minimal ang negative golden rule. Kaya nga may mga taong ang katwiran ay, “Basta wala akong ginagawang masama, okey na iyon.” Okey iyon, pero hindi pa lubos na okey. Baka wala ka ngang ginagawang masama pero wala rin namang ginagawang mabuti. Wala pang motion doon.

Ano ang gagawin sa mga mamamatay-tao? Sa mga magnanakaw? Sa mga sinungaling? Ano ang ibig sabihin ng “mahalin sila?” Hahayaan na lang sila sa ginagawa nilang hindi tama? Hindi pagmamahal ang tawag doon, kundi pangungunsinti, pagiging enabler. Itigil ang pagpapatuloy ng galaw ng kasamaan hindi sa pamamagitan ng kasamaan, kundi sa pamamagitan ng kabutihan. Kaya nga pati ang penology ngayon o ang prinsipyo tungkol sa imprisonment ay restorative justice.

May isang libro na sumikat noon sa mga peace advocates, ang “Pedagogy of the Oppressed”. Isinulat ng awtor na Brazilian na si Paulo Freire. Ayon sa kanya, ang mga inaapi ay may tendency daw sila na gayahin ang umaapi sa kanya. Ayon sa kanya, walang tunay na paglaya o liberation kapag ang dating alipin ay siya naman ang mang-aalipin bukas. Di ba sinabi rin iyan ni Jose Rizal sa kanyang nobelang El Filibusterismo?

Nagiging lubos lang ang paglaya kung ang ititigil ng pinalaya ay ang mismong gawain ng pang-aalipin. Hindi tayo lalaya kung padadala tayo sa udyok ng galit at hinanakit, katulad ng nangyayari ngayon sa social media. Hindi tayo makapagtatayo ng isang maayos at matatag na lipunan sa pundasyon ng galit at hinanakit.

Sa kasamaang palad hinanakit ang nagiging pundasyon ngayon ng mga tipong nagtatagumpay na mga pulitiko sa pamamagitan ng propaganda nila sa social media. Ang mapaniwala ang tao na walang ibang paraan kundi ang unahan, iligpit, patayin, ang itinuturo niyang sanhi ng lahat ng ating mga problema. Isang paraan na nagpapababa sa ating pagkatao, hindi talaga nagpapalaya.
Tama pa rin naman ang law of motion ni Newton kung ang simula ng galaw ay kabutihan. Ang ganda ng paliwanag dito ni San Pablo sa Romans 12, 20-21: “Kung nagugutom ang kaaway, pakanin mo siya. Kung nauuhaw, painumin mo siya. Sa ganoon, mapapahiya siya sa sarili. Huwag padadaig sa masama. Sa halip, daigin ng mabuti ang masama.”

Kapag may ginawang masama ang anak at sinaway siya ng magulang, pag-ibig iyon. Kung minsan ang galit ay pagibig din. Pag-ibig sa anyo ng malasakit sa minamahal dahil gusto mo siyang mapabuti kaya galit ka sa ginagawa niyang masama. Napakahalagang prinsipyo ng pag-ibig sa kaaway ang pagsusumikap na papanagutin ang kaaway, na mabigyan siya ng pagkakataong maituwid ang pagkakamali, na mapaunlad ang pagkatao niya, na maturuan siyang magpakumbaba at umamin sa pagkakamali, pagsisihan ito, ang kumpunihin ang kasiraang naidulot.

Ang patawad ay nagmumula sa radikal na pag-ibig ng Diyos na hindi sumusuko. Galit sa kasalanan, ngunit hindi namumuhi sa nagkasala. Mabilis makipagkasundo at magpatawad sa sinumag handang umamin, magsisi at magtuwid ng pagkakamali.

Ito ang paraan ni Hesus na tinawag niyang bagong kautusan. Minsan naiisip ko, paano bang bago ang kautusang ito kung nandoon din naman siya sa Lumang Tipan? Hindi naman bago ang kautusang magmahal sa Diyos at sa kapwa. Dati na iyan. Ang tunay na bago ay ang UMIBIG SA ISA’T ISA, GAYA NG PAG-IBIG NI KRISTO SA ATIN. Pag-ibig na nangangarap ng mabuti hindi lang para sa sarili, kundi para sa kapwa, para sa bayan, para sa lipunan, para sa daigdig. At si Kristo ang huwaran natin dito.

Ito ang tamang Law of Motion ayon kay Hesus, ang tamang Golden Rule—gawin sa kapwa ang ibig mong gawin ng kapwa sa iyo. Di ba ginawang panalangin iyon si Saint Francis para sa mga ibig maging Daan ng Kapayapaan? “Sa pagbibigay, tayo ay nabibigyan. Sa pagpupuno, tayo’y napupunuan, sa pag-aalay ng buhay tayo ay nagkakamit ng walang hanggang buhay.”

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Deserve ng ating mga teachers

 7,171 total views

 7,171 total views Mga Kapanalig, bago matapos ang National Teacher’s Month noong Sabado, ika-5 ng Oktubre, na kasabay din ng World Teachers’ Day, may regalong ibinigay ang Department of Education (o DepEd) sa ating mga pampublikong guro. Sa bisa ng DepEd Order No. 13, maaari nang bigyan ang mga public school teachers ng hanggang 30 vacation

Read More »

Makinig bago mag-react

 57,495 total views

 57,495 total views Mga Kapanalig, nag-trending sa social media noong nakaraang linggo ang isang video kung saan makikitang nagkainitan sina Senador Alan Peter Cayetano at Senador Juan Miguel Zubiri habang naka-break ang sesyon nila. Makikita sa video ang kanilang sagutan at murahan, na muntikan nang umabot sa pisikalan. Ang kanilang pag-aaway ay kaugnay ng sampung Embo

Read More »

Protektahan ang mga mandaragat

 66,971 total views

 66,971 total views Mga Kapanalig, ayon sa Mga Awit 107:23-24, “Mayroong naglayag na lulan ng barko sa hangad maglakbay, ang tanging layunin kaya naglalayag, upang mangalakal. Nasaksihan nila ang kapangyarihan ni Yahweh, ang kahanga-hangang ginawa ni Yahweh na hindi maarok..” Ang salmong nabanggit ay malapít sa mga seafarers at masasabing mapalad sila dahil nakikita nila ang

Read More »

Interesado pa ba ang bise-presidente?

 66,387 total views

 66,387 total views Mga Kapanalig, dahil sa hindi pagsipot ni Vice President Sara Duterte sa deliberasyon ng inihahaing badyet ng kanyang opisina, mukhang hindi na raw interesado ang pangalawang pangulo sa kanyang trabaho. Dahil dito, baka pwede niyang ikonsiderang bumaba na lang sa puwesto. Iyan ang opinyon ni House Deputy Speaker at kinatawan ng ikalawang distrito

Read More »

18,271 positions

 79,312 total views

 79,312 total views Kapanalig, 18,271 positions sa pamahalaan ang pag-aagawan at paglalabanan ng mga kandidatong tatakbo sa 2025 Midterm elections na itinakda ng Commission on Elections (COMELEC) sa ika-12 ng Mayo 2025. Kinabibilangan ito ng 12-bagong Senador, 254 congressional district representatives; 63 party-list representatives;82-governors; 82 vice governors; 792 provincial board members;149 city mayors, city vice mayors.

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

“IGLESIA SIN FRONTERAS”

 1,154 total views

 1,154 total views (CHURCH WITHOUT BORDERS/ BOUNDARIES) Homily for the 26th Sun in Ordinary Time (B), 29 September 2024, Mark 9:38-43, 45, 47-48 In today’s Gospel, Jesus is telling us something that we may find disturbing. Perhaps as disturbing as the words Pope Francis said when he visited Singapore recently, about other religions as “paths to

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

ANG PAG-IISIP NG DIYOS

 3,284 total views

 3,284 total views Homily for 24th Sun in Ordinary Time, 15 September 2024, Mk 8:27-35 Napagsabihan si Pedro sa ebanghelyo ngayon. Hindi daw ayon sa pag-iisip ng Diyos ang pag-iisip niya kundi ayon sa pag-iisip ng tao. Kung ako si Pedro baka nakasagot ako ng ganito: “with all due respect, Lord, paano akong mag-iisip na katulad

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

ANG KRUS NA SALAMIN

 3,284 total views

 3,284 total views Homiliya para sa Novena ng Santa Cruz, Ika-13 ng Setyembre 2024, Lk 6:39-42 Ewan kung narinig na ninyo ang kuwento tungkol sa isang taong mayaman ngunit makasarili. Dahil guwapo siya, matipuno at malusog ang katawan bukod sa successful sa career, mahilig daw siyang tumingin sa salamin para hangaan ang sarili. Minsan isang gabi,

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

OPIUM OF THE PEOPLE

 3,281 total views

 3,281 total views Homily for Wed of the 23rd Wk in OT, 11Sept 2024, Lk 6:20-26 “It’s ok to suffer poverty and humiliation now. Anyway you will enjoy plenty and satisfaction in the hereafter…” Some Christians hold on to this kind of doctrine about a heavenly reward awaiting those who have suffered hell on earth. Is

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAPAPANAHON

 4,153 total views

 4,153 total views Homily for the 23rd Sunday in Ordinary Time, 08 September 2024, Mark 7:31-37 Isang kasabihan sa Bibliya, ang chapter 3 ng Ecclesiastes ang pagkukuhanan natin ng inspirasyon para sa ating pagninilay sa ebanghelyo ngayon. “May tamang panahon para sa lahat ng bagay, panahon para sa bawat gawain sa mundong ibabaw…May panahon daw para

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PANININDIGAN

 6,355 total views

 6,355 total views Homiliya para sa Ika-21 Linggo ng Karaniwang Panahon, 25 Agosto 2024, Juan 6: 60-69 Sa Misang ito ng ating Paggunita kay Santa Clara ng Assisi pagninilayan ang pagiging huwaran niya sa SAMA-SAMANG PAGLALAKBAY TUNGO SA KAGANAPAN NG BUHAY. Isa siya sa mga unang nagpahayag ng suporta kay Saint Francis nang talikuran nito ang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAKITA KITA

 6,388 total views

 6,388 total views Homiliya para sa Kapistahan ni San Bartolome, 24 Agosto 2024, Jn 1:45–51 “Bago ka tinawag ni Felipe NAKITA KITA sa ilalim ng puno ng igos.” Iyun lang ang sinabi ni Hesus. Hanggang ngayon hinuhulaan pa ng mga Bible scholars kung bakit napakatindi ng epekto ng sinabing iyon ni Hesus kay Nataniel o Bartolome.

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

DAMAY-DAMAY

 7,742 total views

 7,742 total views Homily for the Feast of the Queenship of Mary, 22 August 2024, Lk 1,26-38 Isa sa paborito kong kanta sa blockbuster comedy film “Sister Act” ni Whoopi Goldberg ay ang “Hail Holy Queen Enthroned Above”. Hindi alam ng marami na ang kantang iyon ay isa sa pinakamatandang panalangin tungkol kay Mama Mary. Kilala

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BAON SA BIYAHE

 8,839 total views

 8,839 total views Homily for the 20th Sunday in Ordinary Time, 18 August 2024, John 6: 51-58 Sa ating mga Katoliko, ang huling basbas sa mga malapit nang pumanaw ay hindi lamang sinasamahan ng kumpisal at pagpapahid ng langis. Kapag kaya pa ng maysakit, binibigyan siya ng komunyon at ang tawag dito sa wikang Latin ay

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MALASAKIT

 13,057 total views

 13,057 total views Homiliya sa Pyestang San Roque, 16 Agosto 2924, Mateo 25: 31-40 Isang art work ang tumawag-pansin sa akin minsan. Gawa ito sa brass o tanso, hugis-taong nakaupo sa isang park bench, dinadaan-daanan ng mga tao. Minsan tinatabihan siya ng mga gustong magselfie kasama siya. Malungkot ang dating ng sculpture na ito—anyo ng isang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PAGKAIN NG BUHAY

 8,776 total views

 8,776 total views Homily for the 19th Sunday in Ordinary Time, 11 August 2024, John 6:41-51 Kung minsan, may mga taong ayaw kumain, hindi dahil hindi sila nagugutom o wala silang ganang kumain kundi dahil wala na silang ganang mabuhay. Ganito ang sitwasyon ng propeta sa ating unang pagbasa ngayon. Nawalan na ng ganang mabuhay si

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

HANAPBUHAY

 10,146 total views

 10,146 total views Homiliya para sa ika-18 Linggo ng Karaniwang Panahon, 4 Agosto 2024, Juan 6:24-35 Sa Tagalog, “hanapbuhay” ang tawag natin sa trabahong pinagkakakitaan ng pera. Pero kung pera pala ang hinahanap, bakit hindi na lang tinawag na “hanap-pera” ang trabaho? Narinig ko ang sagot sa isang kargador sa palengke. Kaya daw hanapbuhay ang tawag

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MISSIONARY

 10,407 total views

 10,407 total views Homily for the Ordination of Hien Van Do, MJ and Dao Minh Pham MJ to the Presbyteral Ministry, 03 August 2024, Jn 15:9-17 87 MJ is your nomenclature for your identity as consecrated persons. Missionaries of Jesus. Let me share some thoughts on what, basically it means to be Missionaries of Jesus. It

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAKATATANDA

 19,100 total views

 19,100 total views Homiliya para sa World Day for Grandparents, 27 Hulyo 2024, Ika-17 Linggo ng Karaniwang Panahon, Juan 6:1-15 Ipinagdiriwang natin ngayon ang World Day for Grandparents and the Elderly. Ano sa Tagalog ang ELDERLY? NAKATATANDA. Kaya nagtataka ako kung bakit ina-associate ang pagiging matanda sa pagiging ulyanin o makakalimutin, gayong eksaktong kabaligtaran ang ibig

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

RICH SOIL

 10,754 total views

 10,754 total views Homily for the feast of Sts. Joachim and Anne, 26 July 2024, Mt 13:18-23 An elderly couple like Abraham and Sarah, that’s the kind of image that Christian tradition gives us of Joachim and Anne. They were a couple already resigned to their infertility, but were eventually blessed with a child in their

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top