13,687 total views
Bubuksan ng Archdiocese of Davao ang Holy Door ng Metropolitan Cathedral of San Pedro bilang pagdiriwang sa Diamond Jubilee ng arkidiyosesis.
Sa sirkular na inilabas ni Archbishop Romulo Valles, malugod nitong ibinahagi sa mananampalataya ang pahintulot ng Vatican sa paggawad ng plenary indulgence sa mga bibisita sa cathedral.
“The Holy See has granted our request (26 April 2024) for a Plenary Indulgence to be granted to our faithful during the Diamond Jubilee Anniversary of the Archdiocese of Davao,” bahagi ng pahayag ni Archbishop Valles.
Sinabi ng arsobispo na nagsimula ang indulhensya noong September 8 sa kapistahahan ng Kapanganakan ni Mahal na Birheng Maria at magtatagal hanggang December 17, 2024.
Inaanyayahan ni Archbishop Valles ang mananampalataya na dumalo sa pagbubukas ng Holy Door ng cathedral sa September 14 sa kapistahan ng Pagtatampok sa Banal na Krus sa alas sais ng umaga.
“To emphasize the profound significance of this pilgrimage, the Holy See has graciously approved the opening of the Holy Door of the Metropolitan Cathedral of San Pedro, thereby enriching our journey with a special and sacred dimension. We encourage all the faithful to take part in this spiritual journey, reflecting on our shared history and growing in faith as we mark this momentous occasion,” ani ng arsobispo.
Mananatiling bukas ang Holy Door sa December 17 hanggang maisara sa alas 4:30 ng umaga kasabay ng Misa De Gallo.
Ganap na naging diyosesis ang Davao noong 1966 at naitalagang arkidiyosesis noong 1970.
Makalipas ang anim na dekada patuloy ang paglago ng pananampalatayang katoliko sa lugar sa isa punto limang milyon o halos 80 porsyento sa kabuuang populasyon.
Katuwang ni Archbishop Valles sa pagpapastol ng arkidiyosesis si Auxiliary Bishop George Rimando gayundin ang halos 150 na mga pari.