Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 6,222 total views

Homily for the 19th Sunday in Ordinary Time, 11 August 2024, John 6:41-51

Kung minsan, may mga taong ayaw kumain, hindi dahil hindi sila nagugutom o wala silang ganang kumain kundi dahil wala na silang ganang mabuhay. Ganito ang sitwasyon ng propeta sa ating unang pagbasa ngayon. Nawalan na ng ganang mabuhay si Elias. Siya na lang kasi ang natitira sa mga propeta ng Israel; ang lahat ay pinapatay na ng Reynang si Jezebel na umimpluwensya sa asawa niyang hari na si Acab na talikuran ang pananampalatayang kinaguisnan niya. Pagod na si Elias sa pagtatago sa disyerto. Alam niyang sa ayaw niya at sa gusto, mahuhuli din siya ng mga sundalo ng hari at bibitayin tulad ng ibang mga propeta.Sometimes some people do not want to eat, not because they have no appetite, but because they have lost their will to live.
Narinig natin ang kuwento, maghapon na daw na naglalakbay sa disyerto ang propeta. Sumilong siya sa lilim ng isang punongkahoy at nagdasal na sana mamatay na siya. May tawag sa ganitong klase ng disposisyon sa psychology: depression—kawalan ng ganang mabuhay.

Nangyayari ang ganito kapag parang wala nang matakbuhan o masulingan ang tao. Kapag parang natatakpan na ang utak nila ng isang madilim na ulap at di na makita kung saan sila patungo. Kapag ang buhay ay parang isang bangungot o masamang panaginip at mas gusto na lang nilang matulog at di na magising. Pero tulad ng narinig natin sa kuwento, gustuhin man niyang mamatay, parang wala din siyang lakas ng loob na tapusin ang sariling buhay kaya nagdadasal siya na kunin na lang siya ni Lord. Kaya sabi niya: “Bawiin mo na lang ang buhay ko, Panginoon.”
Nahiga daw siya at nakatulog. Sa totoo lang, magandang palatandaan ang mahimbing na tulog. Ang mga nadi-depress, kadalasan ay hindi nga makatulog. Pero ginising daw siya ng anghel at sinabihan na kumain, at kumain naman siya at natulog na muli. Gayunpaman, hindi raw siya iniwan ng anghel, hinayaan siyang matulog pero ginising din siyang muli para ipagpatuloy ang kanyang paglalakbay sa Bundok. May alam ako na dumanas nang ganyang sitwasyon at meron din daw mga anghel na umalalay sa kanila; wala nga lang pakpak. Mga sugo ng Diyos na nagpapalakas ng loob sa atin para magpatuloy.

Doon, nang nasa bundok na siya, sa loob ng kuweba, doon pa lang natanggap ni Elias ang tunay na pagkain na pinaka-kailangan niya: ang ganang mabuhay. Tinatakasan niya ang mga bagyo, lindol at apoy na dumadaan sa buhay niya; pero isang munting tinig ang gumising sa kalooban niya at nagpalakas sa kanya para lumabas at humarap sa mga pagsubok ng buhay. Isang tinig na may tanong: “Ba’t narito ka? Elias?” Tayo rin, minsan kailangan nating balikan ang dahilan kung bakit narito tayo sa mundong ibabaw—balikan ang layunin. Ito lang ang makapagpapabalik sa ating ganang mabuhay.

Ewan ko kung ilan sa inyo rito ang nakaranas na ng pinagdaaanan ni Elias—sitwasyon ng pagkasira ng loob, pagkaturete, pagkawala ng direksyon dahil sa tindi ng mga pagsubok na hinaharap—maaring nawalan ng trabaho, dumanas ng hidwaan sa pamilya, o ng pagkamatay ng mga mahal sa buhay, atbp. Sa Tagalog, HANAPBUHAY ang tawag natin sa trabaho. Malinaw sa atin: kahit alam nating kailangan natin ng pera, hindi lang pera ang hinahanap natin, kundi BUHAY. Makahulugang buhay. Ang dami nating ginagawa nang kusang-loob kahit walang bayad, di ba? Sa Ingles, ang tawag sa mga naghahanapbuhay at sumusustento sa pamilya ay BREADWINNERS. Akmang-akma sa ebanghelyo natin ngayon tungkol sa BREAD OF LIFE. Matalinghagang magsalita si Hesus, kaya hindi siya maintindihan ng iba.

Doon sa ibang kuwento tungkol sa babaeng Samaritana,sa Juan 4, si Hesus ang nauuhaw, pero siya raw ang nagbigay ng “buhay na tubig” na hinahanap ng babae. At doon sa kuwento, umalis ang mga alagad para bumili ng pagkain. Nang bumalik sila at inaalukan siyang kumain , sinabi niya busog pa siya. Kaya nagtaka sila kung meron na bang nagpakain sa kanya, pero sinabi niya, “Magawa ko lang ang kalooban ng nagsugo sa akin, busog na busog na ako.”

Di ba ganyan ang mga nanay pag alam nilang bitin ang pagkain? Pinauuna ang mga anak at sinasabing busog pa siya? At pag naubos ang pagkain sinisimot niya ang natira at sinasabing favorite kasi niya ang mga ulo at buntot ng isda, at nasasarapan siya sa tutong. Totoong nakakabusog ang kumain, pero mas nakakabusog ang magpakain. Ito ang tinutukoy ni Hesus na matalinghagang pagkain sa ating ebanghelyo, ang tinatawag niyang Pagkain ng Buhay. Kaya siguro “hulog ng langit” ang tawag natin sa mga taong naghahatid ng grasya sa buhay natin sa tamang panahon. Dumarating sa mismong sandali ng pangangailangan, walang hinihintay na kabayaran o kapalit sa ibinibigay. Walang ibang hangad na ligaya kundi ang makitang maligaya ang binibigyan. Ganyan ang Diyos na pinakilala ni Hesus.”

Hindi ito maiiintindihan ng taong wala pang alam busugin kundi sariling tiyan, mga taong may kinakain na nga umaangal pa o naghahanap pa ng ibang ulam. Nagbabago lang iyan kapag ang anak na pinakain ay naging magulang at nagkaroon ng sariling anak na pakakainin. Pag nakita mo na kung gaano kahirap maghanapbuhay at magpakain, saka mo malalaman na ang pinakain pala sa iyo ay hindi pinulot lang sa kalsada. Pinaghirapan, pinagbuhusan ng pawis at luha. Ang tunay na ibinibigay ng nagmamahal sa kanyang minamahal ay sariling buhay niya—katawan at dugo niya. Iyon ang Tinapay ng Buhay; iyon ang Eukaristiya.

Kasabihan natin sa Pilipino—madali ang maging tao, ngunit mahirap magpakatao. Hindi kasi madaling hanapin ang tunay na makapagbibigay ng kahulugan at layunin sa buhay bilang ganap na tao. Walang mas sasarap na pagkain kaysa doon sa kinayod at pinaghirapan nang buong sipag, tiyaga at malasakit sa minamahal. Mas masustansyang di hamak ang pagkain ang pinagpaguran ng nagmamahal, na inilaan ang sarili hanggang kamatayan sa ikabubuhay ng minamahal.
Parang eskwelahan pala ang tahanan—eskwelahan ng pagpapakatao, ng pagsasanay sa paghahanap ng buhay at pagsasabuhay nito na parang tinapay na hindi ipinagdamot, laang mabiyak o mahati para makain at maubos. Sabi ni San Pablo sa ikalawang pagbasa, “Mamuhay kayo nang may pag-ibig sa kapwa tulad ng pagibig sa atin ni Kristo. Inialay niya ang sarili niya para sa atin bilang mabangong handog sa Diyos.”

Ito ang kinakain natin sa Misa: Imbes na tingnan ang tinapay at alak na nagiging si Kristo sa kumpas ng isang basbas, ba’t di natin baligtarin? Makita kay Kristo ang Diyos na nagpapakumbaba, bumababa upang maging tinapay at alak, ang Diyos na ang ipinapakain ay walang iba kundi sariling katawan at dugo. At ang sinumang kumain sa kanya ay matutulad sa kanya—natututo rin na maging bigay-todo. Di ba ganito ang sinasabi ng kinakanta natin sa Misa? “Nang tanggapin ko si Hesus aking Diyos, nagbago ang lahat sa buhay ko… Bagong ligaya ang nadarama, bagong pag-asa ang nakikita. Lahat, lahat ay aking ibibigay, ibibigay pati aking buhay upang purihin siya.”

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Tunnel of friendship

 36,145 total views

 36,145 total views Mga Kapanalig, natapos noong Biyernes ang labindalawang araw na pagbisita ni Pope Francis sa apat nating karatig-bansa: Indonesia, Papua New Guinea, Timor-Leste, at Singapore. Naging makasaysayan ang pagbisita ng Santo Papa sa Indonesia. Ito kasi ang may pinakamalaking populasyon ng mga Muslim sa buong mundo, habang tatlong porsyento lamang ng populasyon nito ang

Read More »

Teenage pregnancy

 86,708 total views

 86,708 total views Ang teenage pregnancy o maagang pagbubuntis ay isa sa mga seryosong isyung kinakaharap ng Pilipinas ngayon. Taon-taon, dumarami ang mga kabataang babae, edad 10 hanggang 19, na maagang nagiging ina. Ang kalagayang ito ay may malalim na implikasyon sa kanilang personal na buhay, pati na rin sa kalagayan ng bansa sa kabuuan. Nakaka-alarma,

Read More »

THE DIVINE IN US

 33,411 total views

 33,411 total views Gospel Reading for September 12, 2024 – Luke 6: 27-38 THE DIVINE IN US Jesus said to his disciples: “To you who hear I say, love your enemies, do good to those who hate you, bless those who curse you, pray for those who mistreat you. To the person who strikes you on

Read More »

Magnanakaw ng dignidad ang traffic

 91,887 total views

 91,887 total views Kapanalig, isa sa mga hamon sa mental health ng maraming Pilipino ngayon ay ang kahirapan sa pagko-commute tungo sa trabaho at paaralan. Marami na nga sa ating mga kababayan ang nagsasabi na ang pagco-commute dito sa ating bayan ay dehumanizing na. Sa dami ng Pilipinong apektado sa pang-araw-araw na traffic sa ating bayan,

Read More »

Iba’t ibang paraan ng pabahay

 72,082 total views

 72,082 total views Mga Kapanalig, sa isang pahayag noong 1988 ng Pontifical Commission Justice and Peace, may ganitong paalala ang ating Simbahan: “Any person or family that, without any direct fault on his or her own, does not have suitable housing is the victim of an injustice.” Totoo pa rin ito hanggang ngayon. Marami pa ring

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

ANG PAG-IISIP NG DIYOS

 722 total views

 722 total views Homily for 24th Sun in Ordinary Time, 15 September 2024, Mk 8:27-35 Napagsabihan si Pedro sa ebanghelyo ngayon. Hindi daw ayon sa pag-iisip ng Diyos ang pag-iisip niya kundi ayon sa pag-iisip ng tao. Kung ako si Pedro baka nakasagot ako ng ganito: “with all due respect, Lord, paano akong mag-iisip na katulad

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

ANG KRUS NA SALAMIN

 722 total views

 722 total views Homiliya para sa Novena ng Santa Cruz, Ika-13 ng Setyembre 2024, Lk 6:39-42 Ewan kung narinig na ninyo ang kuwento tungkol sa isang taong mayaman ngunit makasarili. Dahil guwapo siya, matipuno at malusog ang katawan bukod sa successful sa career, mahilig daw siyang tumingin sa salamin para hangaan ang sarili. Minsan isang gabi,

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

LAW OF MOTION

 723 total views

 723 total views Homiliya para sa Huwebes sa Ika-23 Linggo ng Karaniwang Panahon, 12 Setyembre 2024, Lukas 6:27-38 Ang ebanghelyo natin ngayon ang siya na yatang pinakamahirap na doktrina ng pananampalatayang Kristiyano: MAHALIN ANG KAAWAY. Ito ang tunay na dahilan kung bakit nasasabi natin na MAS RADIKAL ANG MAGMAHAL. Mahirap kasing totohanin. Mas madali ang gumanti,

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

OPIUM OF THE PEOPLE

 719 total views

 719 total views Homily for Wed of the 23rd Wk in OT, 11Sept 2024, Lk 6:20-26 “It’s ok to suffer poverty and humiliation now. Anyway you will enjoy plenty and satisfaction in the hereafter…” Some Christians hold on to this kind of doctrine about a heavenly reward awaiting those who have suffered hell on earth. Is

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAPAPANAHON

 1,591 total views

 1,591 total views Homily for the 23rd Sunday in Ordinary Time, 08 September 2024, Mark 7:31-37 Isang kasabihan sa Bibliya, ang chapter 3 ng Ecclesiastes ang pagkukuhanan natin ng inspirasyon para sa ating pagninilay sa ebanghelyo ngayon. “May tamang panahon para sa lahat ng bagay, panahon para sa bawat gawain sa mundong ibabaw…May panahon daw para

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PANININDIGAN

 3,793 total views

 3,793 total views Homiliya para sa Ika-21 Linggo ng Karaniwang Panahon, 25 Agosto 2024, Juan 6: 60-69 Sa Misang ito ng ating Paggunita kay Santa Clara ng Assisi pagninilayan ang pagiging huwaran niya sa SAMA-SAMANG PAGLALAKBAY TUNGO SA KAGANAPAN NG BUHAY. Isa siya sa mga unang nagpahayag ng suporta kay Saint Francis nang talikuran nito ang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAKITA KITA

 3,827 total views

 3,827 total views Homiliya para sa Kapistahan ni San Bartolome, 24 Agosto 2024, Jn 1:45–51 “Bago ka tinawag ni Felipe NAKITA KITA sa ilalim ng puno ng igos.” Iyun lang ang sinabi ni Hesus. Hanggang ngayon hinuhulaan pa ng mga Bible scholars kung bakit napakatindi ng epekto ng sinabing iyon ni Hesus kay Nataniel o Bartolome.

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

DAMAY-DAMAY

 5,180 total views

 5,180 total views Homily for the Feast of the Queenship of Mary, 22 August 2024, Lk 1,26-38 Isa sa paborito kong kanta sa blockbuster comedy film “Sister Act” ni Whoopi Goldberg ay ang “Hail Holy Queen Enthroned Above”. Hindi alam ng marami na ang kantang iyon ay isa sa pinakamatandang panalangin tungkol kay Mama Mary. Kilala

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BAON SA BIYAHE

 6,277 total views

 6,277 total views Homily for the 20th Sunday in Ordinary Time, 18 August 2024, John 6: 51-58 Sa ating mga Katoliko, ang huling basbas sa mga malapit nang pumanaw ay hindi lamang sinasamahan ng kumpisal at pagpapahid ng langis. Kapag kaya pa ng maysakit, binibigyan siya ng komunyon at ang tawag dito sa wikang Latin ay

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MALASAKIT

 10,499 total views

 10,499 total views Homiliya sa Pyestang San Roque, 16 Agosto 2924, Mateo 25: 31-40 Isang art work ang tumawag-pansin sa akin minsan. Gawa ito sa brass o tanso, hugis-taong nakaupo sa isang park bench, dinadaan-daanan ng mga tao. Minsan tinatabihan siya ng mga gustong magselfie kasama siya. Malungkot ang dating ng sculpture na ito—anyo ng isang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

HANAPBUHAY

 7,592 total views

 7,592 total views Homiliya para sa ika-18 Linggo ng Karaniwang Panahon, 4 Agosto 2024, Juan 6:24-35 Sa Tagalog, “hanapbuhay” ang tawag natin sa trabahong pinagkakakitaan ng pera. Pero kung pera pala ang hinahanap, bakit hindi na lang tinawag na “hanap-pera” ang trabaho? Narinig ko ang sagot sa isang kargador sa palengke. Kaya daw hanapbuhay ang tawag

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MISSIONARY

 7,853 total views

 7,853 total views Homily for the Ordination of Hien Van Do, MJ and Dao Minh Pham MJ to the Presbyteral Ministry, 03 August 2024, Jn 15:9-17 87 MJ is your nomenclature for your identity as consecrated persons. Missionaries of Jesus. Let me share some thoughts on what, basically it means to be Missionaries of Jesus. It

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAKATATANDA

 16,546 total views

 16,546 total views Homiliya para sa World Day for Grandparents, 27 Hulyo 2024, Ika-17 Linggo ng Karaniwang Panahon, Juan 6:1-15 Ipinagdiriwang natin ngayon ang World Day for Grandparents and the Elderly. Ano sa Tagalog ang ELDERLY? NAKATATANDA. Kaya nagtataka ako kung bakit ina-associate ang pagiging matanda sa pagiging ulyanin o makakalimutin, gayong eksaktong kabaligtaran ang ibig

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

RICH SOIL

 9,257 total views

 9,257 total views Homily for the feast of Sts. Joachim and Anne, 26 July 2024, Mt 13:18-23 An elderly couple like Abraham and Sarah, that’s the kind of image that Christian tradition gives us of Joachim and Anne. They were a couple already resigned to their infertility, but were eventually blessed with a child in their

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

ANG PEREGRINO

 8,729 total views

 8,729 total views Homiliya para sa Kapistahan ni Santiago Mayor, 25 Hulyo 2024, Mt. 20:20-28 Pyesta ngayon sa aking hometown sa Betis, Guagua Pampanga, dahil patron ng aming parokya doon si Santiago Mayor. Dalawa ang larawan ni Santiago Apostol ang ipinuprusisyon doon sa amin sa Betis: ang Santiagong sundalo, may dalang espada, nakasakay sa kabayong puti

Read More »

Latest Blogs