Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Kauna-unahang katutubo, nagtapos ng kursong agrikultura sa kolehiyo

SHARE THE TRUTH

 12,268 total views

Tiniyak ng Caritas Manila na paiigtingin ang suporta at tulong sa mga katutubo upang makapagtapos ng karera sa kolehiyo.

Sa paggunita ng International Day of the Worlds Indigenous People’s, kinilala ni Caritas Manila Executive Director Fr.Anton CT Pascual ang kahalagahan ng mga katutubo sa pangangalaga sa kalikasan upang maiwasan ang matinding pinsala ng kalamidad sa mga tao at kanilang kabuhayan.

Sa pagdiriwang ng IDWIP, kinilala ni Fr.Pascual ang Mangyan scholar ng Youth Servant Leadership and Education Program (YSLEP) ng Caritas Manila na si Agiston Cabato mula sa Sablayan, Occidental Mindoro.

Sinabi ng Pari na si Agaton ang kauna-kaunahang katutubong YSLEP scholar na nakapagtapos ng kolehiyo sa kanilang komunidad.

“Sa pagdiriwang ng Pandaigdigang Araw ng mga Katutubong Mamamayan, ating itaas ang kamalayan tungkol sa mga kapatid nating katutubo, dahil sila rin ay may karapatang magkaroon ng magandang kinabukasan,” mensahe ng Caritas Manila. Ipinagmamalaki ng Social Arm ng Archdiocese of Manila na nagtapos si Cabato sa kursong Agriculture at layunin nitong maging isang licensed Agriculturist.

Bilang tulong sa layunin ng pamahalaan na makamit ang “food security”, inihayag ni Father Pascual na inirerekomenda ng Caritas Manila ang kursong agrikultura sa kanilang YSLEP scholars sa mga liblib na lugar sa bansa.

Ibinahagi ng pangulo ng Radio Veritas na isang libong slots para sa mga nagnanais kumuha ng agriculture related courses taon-taon sa hangaring patuloy na isusulong ang pagpapaunlad ng agrikultura ng Pilipinas para sa susunod na henerasyon.

Inihayag ni Fr.Pascual ang programa ng Caritas Manila na ma-develop ang “agri-entrepreneur at agri-business sa bansa.

Mahirap ang programa para tayo ay makapaghanap ng mga kabataan na gustong bumalik sa pagsasaka at pangingisda, pero ito’y isang imperative, kailangan sapagkat ang bansa natin ay isang agricultural country, kailangan talaga, bumalik tayo sa agricultural sector pero kailangan, mas mechanized, modern ‘di ba. Kasi kung kagaya ng ginagawa ng mga lolo’t lola noon, na mga kalabaw pa rin, ay hindi na babalik ang kabataan diyan, at walang makitang kinabukasan. At napakababa ng kita ng magsasaka, kaya kailangan nating pag-isipan nang husto ang suporta ng gobyerno at ng private sector para madevelop natin ‘yung tinatawag na agri-entrepreneur, agri-business, magnegosyo ang mga kabataan sa bukid at sa dagat,“, pahayag ni Fr.Pascual sa Radio Veritas.

Sa kasalukuyan, mahigit kumulang ang YSLEP scholars ng Caritas Manila mula sa Luzon, Visayas at Mindanao.

Sa datos ng United Nations (UN), 476-million lamang ang bilang ng mga indigenous peoples sa buong mundo.

Ipinagdiriwang ang IDWIP tuwing ika-9 ng Agosto na may temang “Protecting the rights of Indigenous Peoples in Voluntary Isolation and Initial Contact”

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

GEN Z PROBLEM

 6,445 total views

 6,445 total views Bawasan o alisan ng access ang mga menor de edad sa social media? Sa isang pag-aaral, 95-porsiyento ng mga kabataang Pilipino na may

Read More »

STATE AID o AYUDA

 24,429 total views

 24,429 total views Hindi lang panahon ng halalan pinag-uusapan ang ayuda., noon ang mga tumatakbong pulitiko lamang ang namimigay ng ayuda..sa tuwing may eleksyon lang naman.

Read More »

PERFECT CRIME

 44,366 total views

 44,366 total views Sa mga eksperto ng law enforcement, walang “perfect crime”. Para sa Federal Bureau of Investigation (FBI), ang salitang “perfect crime” ay isang ‘myth’

Read More »

Witch hunt?

 61,559 total views

 61,559 total views Mga Kapanalig, inihalintulad ni Senador Juan Miguel Zubiri sa “witch hunt” ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Para daw itong paghahanap

Read More »

Tahimik sa conflict of interest?

 74,934 total views

 74,934 total views Mga Kapanalig, itinanggi ni Senador Mark Villar ang mga akusasyong ginamit niya ang kanyang posisyon bilang dating kalihim ng Department of Public Works

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Marian Pulgo

Juan, itinalagang chairperson ng ERC

 16,513 total views

 16,513 total views Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Atty. Francis Saturnino Juan bilang chairperson Energy Regulatory Commission (ERC), epektibo sa August 8, 2025. Si

Read More »

RELATED ARTICLES

Online gambling, kinundena ng CBCP

 33,298 total views

 33,298 total views Kinundena ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang paglaganap ng online gambling sa Pilipinas. Ayon sa kalipunan ng mga Obispo, salot

Read More »
Scroll to Top