Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 3,276 total views

Homily for 24th Sun in Ordinary Time, 15 September 2024, Mk 8:27-35

Napagsabihan si Pedro sa ebanghelyo ngayon. Hindi daw ayon sa pag-iisip ng Diyos ang pag-iisip niya kundi ayon sa pag-iisip ng tao. Kung ako si Pedro baka nakasagot ako ng ganito: “with all due respect, Lord, paano akong mag-iisip na katulad ng Diyos gayong tao lang naman ako?” Talaga bang inaasahan ni Hesus ang mga alagad niya na mag-isip na katulad ng Diyos? Paano mangyayari iyun?

Pumapasok tuloy sa isip ko ang isang pagbasa sa propeta Isaias chapter 55. Doon sa v. 8, ang sinasabi ng propeta ay medyo hawig sa sinabi ni Hesus kay Pedro: Sinabi ng Panginoon , “Ang pag-iisip ko ay hindi katulad ng pag-iisip ninyo at ang pamamaraan ko ay hindi katulad ng pamamaraan ninyo.” At sa kasunod, sa v. 9, sabi pa niya: “Kung gaano kalayo ang langit sa lupa, ganoon din kalayo ang aking pamamaraan at pag-iisip kaysa sa inyo.”

May background ang sinasabi ng propeta. Disappointed siya sa pagkilos at pag-uugali ng mga tao. Pinaaalalahanan sila na sikapin nilang alamin ang kalooban ng Diyos. Doon sa naunang bahagi ng chapter ding iyon, nasabi rin ng propeta:

Isaias 55:6-7 “Lumapit na kayo sa Panginoon at tumawag sa kanya habang naririyan pa siya para tulungan kayo. Talikuran na ng mga tao ang masasama nilang ugali at baguhin na ang masasama nilang pag-iisip. Magbalik-loob na sila sa Panginoon na ating Dios, dahil kaaawaan at patatawarin niya sila.”

Ibig sabihin inaasahan ng propeta, tulad ng sinasabi ni Hesus kay Pedro—sikapin ninyong mag-isip nang naaayon sa pag-iisip ng Diyos. Kaya ba nating gawin ito?

Bakit hindi? Parehong Hudyo ang background nina Hesus at Isaias. Ipinapalagay nila na ang tao ay nilikha sa hugis at wangis ng Diyos. Ibig sabihin, kahit tayo’y tao pwede tayong mag-aral at matuto sa paraan ng Diyos.

Para sa kay Isaias ito ang pinakabuod o diwa ng misyon niya bilang isang propeta—ang maipahayag ang Salita ng Diyos upang ang kalooban ng Diyos ang mamayani sa mga puso at diwa ng bayang Israel. Kaya sinasabi rin niya sa vv.10-11: “Ang ulan at nyebe ay mula sa itaas, at hindi bumabalik doon hanggaʼt hindi muna nakapagbibigay ng tubig sa lupa at nakapagpapalago ng mga halaman para makapagbigay ng binhi at pagkain sa nagtatanim at sa mga tao. Ganyan din ang aking mga salita, hindi ito mawawalan ng kabuluhan. Isasakatuparan nito ang aking ninanais, at isasagawa ang aking layunin kung bakit ko ito ipinadala.”

Parang ganito din ang pinanggagalingan ni Hesus sa reaksyon niya sa sagot ng mga alagad sa mga tanong niya: sino ba ako ayon sa mga tao at sino ako para sa inyo? Di ba ang sagot nila sa unang tanong ay “Si Juan Bautista daw kayo ayon sa ilan. At si Jeremias naman daw kayo ayon sa iba. At meron pang nagsasabing isa kayo sa mga propeta. “ Ang mga propeta ang halimbawa nila ng mga taong nakatatarok sa pag-iisip o kalooban ng Diyos.

Bakit? Dahil ang gawain nila ay ang ipahayag ang Salita ng Diyos. Paano nila magagawa iyon kung hindi muna sila matutong makinig sa kalooban ng Diyos? Baka nga naman sariling mga kuro-kuro o haka-haka lang nila ang ipahayag nila at hindi ang kalooban ng Diyos kung hindi muna sila maglaan ng panahon para makinig sa Diyos sa pananalangin nila.

Hindi malayo na tinuring din nila si Hesus bilang propeta dahil nakikita siyang madalas nagdidili-dili at nagdarasal. Bahagi daw ito ng pang-araw -araw na iskedyul niya. Ang manahimik at mapag-isa sa mga ilang na lugar. Minsan nga nilapitan pa daw siya ng mga alagad, hindi lang para magpaturo kung paano unawain ang Kasulatan kundi para din magpaturo sa pananalangin. Di ba pinakiusapan daw siya minsan, “Panginoon, pakituruan mo nga kaming magdasal?”

Kasi marami ring mga tao noong kapanahunan niya na ang lakas ng loob na magsalita para sa Diyos pero mga bulaang propeta sila. Sa pakiwari ng mga tao—sariling pag-iisip, ideya, o opinyon lang nila ang lumalabas sa bibig nila, hindi ang ibig ipahayag ng Diyos.

Tayo rin tinawag din tayo na maging mga propeta sa panahon natin. Hindi nga ba ito isa sa tatlong aspeto ng buhay Kristiyano: ang pagiging pari, propeta at hari? Di natin matutulungan ang ibang tao na umunawa sa kalooban ng Diyos kung hindi natin matutuhan ang disiplinang napaka-importante sa buhay ng propeta: ANG PANALANGIN.

Dumako tayo ngayon sa pangalawang tanong ni Hesus: SINO AKO PARA SA INYO?” At ang sumagot ay si Pedro: “Ikaw ang Kristo.” At tama naman siya. Iyun nga lang, hindi malinaw sa kanya kung ano ang ibig sabihin ng sinabi niya. Kaya haharangin niya si Hesus sa daan matapos na marinig niya kay Hesus na malapit nang matupad ang misyon niya pero daranas muna sila ng trahedya sa Jerusalem bago mangyari ito.

Kay Pedro, ang Mesiyas ay ang ipinangakong Manunubos na maghahatid ng kaligtasan sa mundo. Pero ang intindi niya ay, ililigtas ang matuwid at parurusahan ang mga makasalanan. Ganoon kasimple.
Pero hindi ganoon kay Hesus. Kaligtasan para sa lahat, pati sa mga makasalanan ang pinahahayag ni Hesus. Tulad ni Isaias, naniniwala siya na ang nasa puso at isip ng Diyos ay AWA AT MALASAKIT. Pero kinailangan muna niyang magbayad nang mahal. Ang hangad niya ay kaligtasan hindi lang para sa mga banal at matuwid, kundi katubusan ng matuwid at makasalanan, ang karapat-dapat at hindi. At inaanyayahan niya ang kanyang mga alagad na mag-isip na katulad ng Diyos…kung handa silang magbayad nang mahal.

Alam ni Hesus, nang harangin ni Pedro ang direksyon niya patungong Jerusalem, na hindi talaga si Pedro kundi si Satanas ang kumikilos at humahadlang sa katuparan ng kanyang misyon. Pinipigilan siyang mag-isip ng dimonyo sa paraang naaayon sa pag-iisip ng Diyos. Kaya buong tiyagang tinuruan sila ni Hesus kung paano makiisa sa Anak ng Tao, sa kanyang misyon ng pagtubos.
Ito rin ang dahilan kung bakit madalas idiin ni Hesus ang importansya pag-unlad sa disiplina ng ng pananalangin sa kanila, para turuan silang mag-isip na katulad ng Diyos. Iyon ang halaga ng pananalangin, nagiging pamilyar tayo sa tinig ng Diyos. Natututo tayong mangilatis at magdesisyon kung alin ba sa mga “tinig” o balakin na pumapasok sa ating isip ang sa Diyos at alin ang hindi, alin ang dapat masunod, alin ang hindi.

Ang ibinigay na paalala ni Hesus kay Pedro ay para sa atin din, para maging pamilyar tayo sa “isip o kalooban ng Diyos” sa ating pakikibahagi sa kanyang misyon. “Sapagkat ang taong naghahangad magligtas ng kanyang buhay ay mawawalan nito. Ngunit ang taong nagnanais mag-alay ng kanyang buhay alang-alang sa akin at sa Magandang Balita ay magkakaroon ng buhay na walang hanggan. Ano ba ang mapapala ng isang tao kung mapasakanya man ang lahat ng bagay sa mundo, pero mapapahamak naman ang kaluluwa niya?” Mk 8:35-36

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Deserve ng ating mga teachers

 6,822 total views

 6,822 total views Mga Kapanalig, bago matapos ang National Teacher’s Month noong Sabado, ika-5 ng Oktubre, na kasabay din ng World Teachers’ Day, may regalong ibinigay ang Department of Education (o DepEd) sa ating mga pampublikong guro. Sa bisa ng DepEd Order No. 13, maaari nang bigyan ang mga public school teachers ng hanggang 30 vacation

Read More »

Makinig bago mag-react

 57,146 total views

 57,146 total views Mga Kapanalig, nag-trending sa social media noong nakaraang linggo ang isang video kung saan makikitang nagkainitan sina Senador Alan Peter Cayetano at Senador Juan Miguel Zubiri habang naka-break ang sesyon nila. Makikita sa video ang kanilang sagutan at murahan, na muntikan nang umabot sa pisikalan. Ang kanilang pag-aaway ay kaugnay ng sampung Embo

Read More »

Protektahan ang mga mandaragat

 66,622 total views

 66,622 total views Mga Kapanalig, ayon sa Mga Awit 107:23-24, “Mayroong naglayag na lulan ng barko sa hangad maglakbay, ang tanging layunin kaya naglalayag, upang mangalakal. Nasaksihan nila ang kapangyarihan ni Yahweh, ang kahanga-hangang ginawa ni Yahweh na hindi maarok..” Ang salmong nabanggit ay malapít sa mga seafarers at masasabing mapalad sila dahil nakikita nila ang

Read More »

Interesado pa ba ang bise-presidente?

 66,038 total views

 66,038 total views Mga Kapanalig, dahil sa hindi pagsipot ni Vice President Sara Duterte sa deliberasyon ng inihahaing badyet ng kanyang opisina, mukhang hindi na raw interesado ang pangalawang pangulo sa kanyang trabaho. Dahil dito, baka pwede niyang ikonsiderang bumaba na lang sa puwesto. Iyan ang opinyon ni House Deputy Speaker at kinatawan ng ikalawang distrito

Read More »

18,271 positions

 78,963 total views

 78,963 total views Kapanalig, 18,271 positions sa pamahalaan ang pag-aagawan at paglalabanan ng mga kandidatong tatakbo sa 2025 Midterm elections na itinakda ng Commission on Elections (COMELEC) sa ika-12 ng Mayo 2025. Kinabibilangan ito ng 12-bagong Senador, 254 congressional district representatives; 63 party-list representatives;82-governors; 82 vice governors; 792 provincial board members;149 city mayors, city vice mayors.

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

“IGLESIA SIN FRONTERAS”

 1,146 total views

 1,146 total views (CHURCH WITHOUT BORDERS/ BOUNDARIES) Homily for the 26th Sun in Ordinary Time (B), 29 September 2024, Mark 9:38-43, 45, 47-48 In today’s Gospel, Jesus is telling us something that we may find disturbing. Perhaps as disturbing as the words Pope Francis said when he visited Singapore recently, about other religions as “paths to

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

ANG KRUS NA SALAMIN

 3,276 total views

 3,276 total views Homiliya para sa Novena ng Santa Cruz, Ika-13 ng Setyembre 2024, Lk 6:39-42 Ewan kung narinig na ninyo ang kuwento tungkol sa isang taong mayaman ngunit makasarili. Dahil guwapo siya, matipuno at malusog ang katawan bukod sa successful sa career, mahilig daw siyang tumingin sa salamin para hangaan ang sarili. Minsan isang gabi,

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

LAW OF MOTION

 3,277 total views

 3,277 total views Homiliya para sa Huwebes sa Ika-23 Linggo ng Karaniwang Panahon, 12 Setyembre 2024, Lukas 6:27-38 Ang ebanghelyo natin ngayon ang siya na yatang pinakamahirap na doktrina ng pananampalatayang Kristiyano: MAHALIN ANG KAAWAY. Ito ang tunay na dahilan kung bakit nasasabi natin na MAS RADIKAL ANG MAGMAHAL. Mahirap kasing totohanin. Mas madali ang gumanti,

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

OPIUM OF THE PEOPLE

 3,273 total views

 3,273 total views Homily for Wed of the 23rd Wk in OT, 11Sept 2024, Lk 6:20-26 “It’s ok to suffer poverty and humiliation now. Anyway you will enjoy plenty and satisfaction in the hereafter…” Some Christians hold on to this kind of doctrine about a heavenly reward awaiting those who have suffered hell on earth. Is

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAPAPANAHON

 4,145 total views

 4,145 total views Homily for the 23rd Sunday in Ordinary Time, 08 September 2024, Mark 7:31-37 Isang kasabihan sa Bibliya, ang chapter 3 ng Ecclesiastes ang pagkukuhanan natin ng inspirasyon para sa ating pagninilay sa ebanghelyo ngayon. “May tamang panahon para sa lahat ng bagay, panahon para sa bawat gawain sa mundong ibabaw…May panahon daw para

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PANININDIGAN

 6,347 total views

 6,347 total views Homiliya para sa Ika-21 Linggo ng Karaniwang Panahon, 25 Agosto 2024, Juan 6: 60-69 Sa Misang ito ng ating Paggunita kay Santa Clara ng Assisi pagninilayan ang pagiging huwaran niya sa SAMA-SAMANG PAGLALAKBAY TUNGO SA KAGANAPAN NG BUHAY. Isa siya sa mga unang nagpahayag ng suporta kay Saint Francis nang talikuran nito ang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAKITA KITA

 6,380 total views

 6,380 total views Homiliya para sa Kapistahan ni San Bartolome, 24 Agosto 2024, Jn 1:45–51 “Bago ka tinawag ni Felipe NAKITA KITA sa ilalim ng puno ng igos.” Iyun lang ang sinabi ni Hesus. Hanggang ngayon hinuhulaan pa ng mga Bible scholars kung bakit napakatindi ng epekto ng sinabing iyon ni Hesus kay Nataniel o Bartolome.

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

DAMAY-DAMAY

 7,734 total views

 7,734 total views Homily for the Feast of the Queenship of Mary, 22 August 2024, Lk 1,26-38 Isa sa paborito kong kanta sa blockbuster comedy film “Sister Act” ni Whoopi Goldberg ay ang “Hail Holy Queen Enthroned Above”. Hindi alam ng marami na ang kantang iyon ay isa sa pinakamatandang panalangin tungkol kay Mama Mary. Kilala

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BAON SA BIYAHE

 8,831 total views

 8,831 total views Homily for the 20th Sunday in Ordinary Time, 18 August 2024, John 6: 51-58 Sa ating mga Katoliko, ang huling basbas sa mga malapit nang pumanaw ay hindi lamang sinasamahan ng kumpisal at pagpapahid ng langis. Kapag kaya pa ng maysakit, binibigyan siya ng komunyon at ang tawag dito sa wikang Latin ay

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MALASAKIT

 13,049 total views

 13,049 total views Homiliya sa Pyestang San Roque, 16 Agosto 2924, Mateo 25: 31-40 Isang art work ang tumawag-pansin sa akin minsan. Gawa ito sa brass o tanso, hugis-taong nakaupo sa isang park bench, dinadaan-daanan ng mga tao. Minsan tinatabihan siya ng mga gustong magselfie kasama siya. Malungkot ang dating ng sculpture na ito—anyo ng isang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PAGKAIN NG BUHAY

 8,768 total views

 8,768 total views Homily for the 19th Sunday in Ordinary Time, 11 August 2024, John 6:41-51 Kung minsan, may mga taong ayaw kumain, hindi dahil hindi sila nagugutom o wala silang ganang kumain kundi dahil wala na silang ganang mabuhay. Ganito ang sitwasyon ng propeta sa ating unang pagbasa ngayon. Nawalan na ng ganang mabuhay si

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

HANAPBUHAY

 10,138 total views

 10,138 total views Homiliya para sa ika-18 Linggo ng Karaniwang Panahon, 4 Agosto 2024, Juan 6:24-35 Sa Tagalog, “hanapbuhay” ang tawag natin sa trabahong pinagkakakitaan ng pera. Pero kung pera pala ang hinahanap, bakit hindi na lang tinawag na “hanap-pera” ang trabaho? Narinig ko ang sagot sa isang kargador sa palengke. Kaya daw hanapbuhay ang tawag

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MISSIONARY

 10,399 total views

 10,399 total views Homily for the Ordination of Hien Van Do, MJ and Dao Minh Pham MJ to the Presbyteral Ministry, 03 August 2024, Jn 15:9-17 87 MJ is your nomenclature for your identity as consecrated persons. Missionaries of Jesus. Let me share some thoughts on what, basically it means to be Missionaries of Jesus. It

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAKATATANDA

 19,092 total views

 19,092 total views Homiliya para sa World Day for Grandparents, 27 Hulyo 2024, Ika-17 Linggo ng Karaniwang Panahon, Juan 6:1-15 Ipinagdiriwang natin ngayon ang World Day for Grandparents and the Elderly. Ano sa Tagalog ang ELDERLY? NAKATATANDA. Kaya nagtataka ako kung bakit ina-associate ang pagiging matanda sa pagiging ulyanin o makakalimutin, gayong eksaktong kabaligtaran ang ibig

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

RICH SOIL

 10,751 total views

 10,751 total views Homily for the feast of Sts. Joachim and Anne, 26 July 2024, Mt 13:18-23 An elderly couple like Abraham and Sarah, that’s the kind of image that Christian tradition gives us of Joachim and Anne. They were a couple already resigned to their infertility, but were eventually blessed with a child in their

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top