Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 7,621 total views

Homiliya para sa ika-18 Linggo ng Karaniwang Panahon, 4 Agosto 2024, Juan 6:24-35

Sa Tagalog, “hanapbuhay” ang tawag natin sa trabahong pinagkakakitaan ng pera. Pero kung pera pala ang hinahanap, bakit hindi na lang tinawag na “hanap-pera” ang trabaho? Narinig ko ang sagot sa isang kargador sa palengke. Kaya daw hanapbuhay ang tawag sa trabaho ay dahil ang hinahanap ay pantustos o ikabubuhay ng mga mahal sa buhay. Ibig sabihin, hindi talaga pera kundi ikabubuhay ang hinahanap. Napaisip ako. Oo nga naman. Ang kinikita ay paraan lang. Hindi talaga iyon ang layunin. Aanhin ko ang pera kung kailangan kong mandaya, o pumatay, o mang-agrabyado ng kapwa para kitain ito?

Noong nakaraang Linggo binasa natin ang unang bahagi ng ulat ni San Juan tungkol sa pagpapakain ni Hesus ng limang libo katao mula sa limang tinapay at dalawang isda, ang ang sobrang tira-tira na natipon nila pagkatapos ay labing-dalawang kaing. Layunin niya na bigyan sila ng palatandaan na magpapaunawa sa kanila tungkol sa misteryo ng buhay sa lupa bilang simula ng ng langit. Pero ang nakita nila ay iba—hindi tanda kundi milagro, magic, instant na solusyon sa gutom, kaya ibig daw siyang gawing hari. Gagawin yata siyang pabrika ng libreng tinapay at isda. Sa dulo ng kuwentong iyon, nagtago daw si Hesus dahil ayaw na siyang pakawalan ng mga tao.

Ang pagbasa natin ngayon ay karugtong ng kuwentong iyon. Hindi daw sumuko ang mga tao sa paghahanap kay Hesus hanggang sa matagpuan siya. Nang harapin niya sila, ganito ang sinabi niya, “Alam ko na hinahanap ninyo ako hindi dahil nakakita kayo ng tanda kundi dahil nakakain kayo at nabusog. Sana hanapin ninyo ang pagkaing magbibigay sa inyo, hindi lang ng panandaliang kabusugan kundi ng buhay na walang hanggan.”

Matalinghaga ang pangungusap ng Panginoon. Pero hindi kailangan ng mahabang paliwanag para maunawaan ito. Sa mga tao dito sa mundo na totoong naghahangad na magpakatao talagang hindi lang naman pagkakakitaan ng salapi ang importante kundi buhay na makabuluhan, buhay na may layunin, o may pinag-aalayan. Alam naman natin na hindi lang pagkaing pambusog ng tiyan ang kailangan ng tao para mabuhay siya, di ba?

Kung minsan sa America’s Got Talent, tinatanong ang ibang mga contestants—“Do you make money singing? Is being a musician your job?” Ang madalas na marinig kong sagot ay, “No. I just happen to love singing.” May isang nurse sa isang retirement home, ang ganda ng boses. Kinakantahan daw niya ang mga matatanda. Maligaya na siya makita lang silang napapayapa, nakakatulog o nag-eenjoy sa kanta niya. In short, maligaya siya kapag may napapaligayang tao sa kanyang pagkanta.

Ganyan ang tao. Kung bibigyan mo siya ng pagkain pero sasabihin mo, “O, laklakin mo iyan.” At minura ka pa, siguro kahit gutom ko, hindi mo kakainin dahil mahalaga man ang pagkain, mahalagang di hamak para sa iyo ang dangal ng iyong pagkatao.

Ang daming volunteer sa simbahan, kung minsan kinukutya sila ng sariling kapamilya—“Ano ba’t nagpapakapagod ka diyan e di ka naman binabayaran?” At ang sagot nila ay—volunteer work ang ginagawa ko, kusang loob na pagtulong o pakikibahagi sa gawain o misyon ng Panginoon, kahit walang bayad.

May kilala akong OFW na nagtatrabaho abroad. Halos lahat ng kinikita niya ipinapadala sa pamilya. Sabi daw ng amo niya—“Bat nagpapakatanga kang ganyan? Dapat ineenjoy mo ang kinikita mo para sa sarili mo. Bat di mo gamitin para sa gusto mong bilhin, o magbakasyon ka? Bat di mo enjoyin para sa sarili mo ang kinikita mo?” Sagot daw niya, “Mam, the joy of seeing my children finish their studies is more important to me than money.”

Sabi ni Hesus, “Hanapin ninyo ang pagkaing nagdudulot, hindi lang ng panandaliang kabusugan, kundi buhay na walang hanggan.” At sinabi daw sa kanya—“Bigyan mo po kami ng ganyang klaseng pagkain.” At sinagot niya sa kanila, “Ako ang pagkain ng buhay. Ang lumalapit sa akin ay hindi magugutom, ang nananalig sa akin ay hindi mauuuhaw.”

Kaya tayo nagsisimba, di ba? Kaya natin pinaglalaanan ng oras ang makinig sa salita ng Diyos at tumanggap sa katawan ni Kristo. Kahit marami tayong pwedeng gawin sa oras na ito—pwedeng kumita online, pwedeng magpasyal, pwedeng gumimick. Pero pinili ninyo na pumarito at sa mata ng ibang tao, nagsasayang kayo ng oras. Pero hindi. Kaya kayo naririto, naghahanap-buhay talaga kayo. Buhay ang hinahanap, hindi lang pera o pagkakakitaan. Buhay na may pinaglalaanan, pinag-aalayan. Buhay na hindi kayang tapusin ng kamatayan.

Araw din po ngayon ng mga pari. Pakisama nyo kami sa inyong panalangin—na sana magampanan namin ang aming tungkulin bilang mga kapanalig ni Kristo sa pagpapastol, na matugunan namin ang pangangailangan ng bayan ng Diyos na lumalapit sa simbahan upang maibsan ang ibang klaseng pagkagutom. Na maging daan kami upang matulungan ang lahat ng naghahanap kay Hesus na matagpuan sa kanya ang Pagkain ng walang hanggang buhay.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Tunnel of friendship

 37,757 total views

 37,757 total views Mga Kapanalig, natapos noong Biyernes ang labindalawang araw na pagbisita ni Pope Francis sa apat nating karatig-bansa: Indonesia, Papua New Guinea, Timor-Leste, at Singapore. Naging makasaysayan ang pagbisita ng Santo Papa sa Indonesia. Ito kasi ang may pinakamalaking populasyon ng mga Muslim sa buong mundo, habang tatlong porsyento lamang ng populasyon nito ang

Read More »

Teenage pregnancy

 88,320 total views

 88,320 total views Ang teenage pregnancy o maagang pagbubuntis ay isa sa mga seryosong isyung kinakaharap ng Pilipinas ngayon. Taon-taon, dumarami ang mga kabataang babae, edad 10 hanggang 19, na maagang nagiging ina. Ang kalagayang ito ay may malalim na implikasyon sa kanilang personal na buhay, pati na rin sa kalagayan ng bansa sa kabuuan. Nakaka-alarma,

Read More »

THE DIVINE IN US

 34,926 total views

 34,926 total views Gospel Reading for September 12, 2024 – Luke 6: 27-38 THE DIVINE IN US Jesus said to his disciples: “To you who hear I say, love your enemies, do good to those who hate you, bless those who curse you, pray for those who mistreat you. To the person who strikes you on

Read More »

Magnanakaw ng dignidad ang traffic

 93,499 total views

 93,499 total views Kapanalig, isa sa mga hamon sa mental health ng maraming Pilipino ngayon ay ang kahirapan sa pagko-commute tungo sa trabaho at paaralan. Marami na nga sa ating mga kababayan ang nagsasabi na ang pagco-commute dito sa ating bayan ay dehumanizing na. Sa dami ng Pilipinong apektado sa pang-araw-araw na traffic sa ating bayan,

Read More »

Iba’t ibang paraan ng pabahay

 73,694 total views

 73,694 total views Mga Kapanalig, sa isang pahayag noong 1988 ng Pontifical Commission Justice and Peace, may ganitong paalala ang ating Simbahan: “Any person or family that, without any direct fault on his or her own, does not have suitable housing is the victim of an injustice.” Totoo pa rin ito hanggang ngayon. Marami pa ring

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

ANG PAG-IISIP NG DIYOS

 751 total views

 751 total views Homily for 24th Sun in Ordinary Time, 15 September 2024, Mk 8:27-35 Napagsabihan si Pedro sa ebanghelyo ngayon. Hindi daw ayon sa pag-iisip ng Diyos ang pag-iisip niya kundi ayon sa pag-iisip ng tao. Kung ako si Pedro baka nakasagot ako ng ganito: “with all due respect, Lord, paano akong mag-iisip na katulad

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

ANG KRUS NA SALAMIN

 751 total views

 751 total views Homiliya para sa Novena ng Santa Cruz, Ika-13 ng Setyembre 2024, Lk 6:39-42 Ewan kung narinig na ninyo ang kuwento tungkol sa isang taong mayaman ngunit makasarili. Dahil guwapo siya, matipuno at malusog ang katawan bukod sa successful sa career, mahilig daw siyang tumingin sa salamin para hangaan ang sarili. Minsan isang gabi,

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

LAW OF MOTION

 752 total views

 752 total views Homiliya para sa Huwebes sa Ika-23 Linggo ng Karaniwang Panahon, 12 Setyembre 2024, Lukas 6:27-38 Ang ebanghelyo natin ngayon ang siya na yatang pinakamahirap na doktrina ng pananampalatayang Kristiyano: MAHALIN ANG KAAWAY. Ito ang tunay na dahilan kung bakit nasasabi natin na MAS RADIKAL ANG MAGMAHAL. Mahirap kasing totohanin. Mas madali ang gumanti,

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

OPIUM OF THE PEOPLE

 748 total views

 748 total views Homily for Wed of the 23rd Wk in OT, 11Sept 2024, Lk 6:20-26 “It’s ok to suffer poverty and humiliation now. Anyway you will enjoy plenty and satisfaction in the hereafter…” Some Christians hold on to this kind of doctrine about a heavenly reward awaiting those who have suffered hell on earth. Is

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAPAPANAHON

 1,620 total views

 1,620 total views Homily for the 23rd Sunday in Ordinary Time, 08 September 2024, Mark 7:31-37 Isang kasabihan sa Bibliya, ang chapter 3 ng Ecclesiastes ang pagkukuhanan natin ng inspirasyon para sa ating pagninilay sa ebanghelyo ngayon. “May tamang panahon para sa lahat ng bagay, panahon para sa bawat gawain sa mundong ibabaw…May panahon daw para

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PANININDIGAN

 3,822 total views

 3,822 total views Homiliya para sa Ika-21 Linggo ng Karaniwang Panahon, 25 Agosto 2024, Juan 6: 60-69 Sa Misang ito ng ating Paggunita kay Santa Clara ng Assisi pagninilayan ang pagiging huwaran niya sa SAMA-SAMANG PAGLALAKBAY TUNGO SA KAGANAPAN NG BUHAY. Isa siya sa mga unang nagpahayag ng suporta kay Saint Francis nang talikuran nito ang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAKITA KITA

 3,856 total views

 3,856 total views Homiliya para sa Kapistahan ni San Bartolome, 24 Agosto 2024, Jn 1:45–51 “Bago ka tinawag ni Felipe NAKITA KITA sa ilalim ng puno ng igos.” Iyun lang ang sinabi ni Hesus. Hanggang ngayon hinuhulaan pa ng mga Bible scholars kung bakit napakatindi ng epekto ng sinabing iyon ni Hesus kay Nataniel o Bartolome.

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

DAMAY-DAMAY

 5,209 total views

 5,209 total views Homily for the Feast of the Queenship of Mary, 22 August 2024, Lk 1,26-38 Isa sa paborito kong kanta sa blockbuster comedy film “Sister Act” ni Whoopi Goldberg ay ang “Hail Holy Queen Enthroned Above”. Hindi alam ng marami na ang kantang iyon ay isa sa pinakamatandang panalangin tungkol kay Mama Mary. Kilala

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BAON SA BIYAHE

 6,306 total views

 6,306 total views Homily for the 20th Sunday in Ordinary Time, 18 August 2024, John 6: 51-58 Sa ating mga Katoliko, ang huling basbas sa mga malapit nang pumanaw ay hindi lamang sinasamahan ng kumpisal at pagpapahid ng langis. Kapag kaya pa ng maysakit, binibigyan siya ng komunyon at ang tawag dito sa wikang Latin ay

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MALASAKIT

 10,528 total views

 10,528 total views Homiliya sa Pyestang San Roque, 16 Agosto 2924, Mateo 25: 31-40 Isang art work ang tumawag-pansin sa akin minsan. Gawa ito sa brass o tanso, hugis-taong nakaupo sa isang park bench, dinadaan-daanan ng mga tao. Minsan tinatabihan siya ng mga gustong magselfie kasama siya. Malungkot ang dating ng sculpture na ito—anyo ng isang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PAGKAIN NG BUHAY

 6,251 total views

 6,251 total views Homily for the 19th Sunday in Ordinary Time, 11 August 2024, John 6:41-51 Kung minsan, may mga taong ayaw kumain, hindi dahil hindi sila nagugutom o wala silang ganang kumain kundi dahil wala na silang ganang mabuhay. Ganito ang sitwasyon ng propeta sa ating unang pagbasa ngayon. Nawalan na ng ganang mabuhay si

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MISSIONARY

 7,882 total views

 7,882 total views Homily for the Ordination of Hien Van Do, MJ and Dao Minh Pham MJ to the Presbyteral Ministry, 03 August 2024, Jn 15:9-17 87 MJ is your nomenclature for your identity as consecrated persons. Missionaries of Jesus. Let me share some thoughts on what, basically it means to be Missionaries of Jesus. It

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAKATATANDA

 16,575 total views

 16,575 total views Homiliya para sa World Day for Grandparents, 27 Hulyo 2024, Ika-17 Linggo ng Karaniwang Panahon, Juan 6:1-15 Ipinagdiriwang natin ngayon ang World Day for Grandparents and the Elderly. Ano sa Tagalog ang ELDERLY? NAKATATANDA. Kaya nagtataka ako kung bakit ina-associate ang pagiging matanda sa pagiging ulyanin o makakalimutin, gayong eksaktong kabaligtaran ang ibig

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

RICH SOIL

 9,286 total views

 9,286 total views Homily for the feast of Sts. Joachim and Anne, 26 July 2024, Mt 13:18-23 An elderly couple like Abraham and Sarah, that’s the kind of image that Christian tradition gives us of Joachim and Anne. They were a couple already resigned to their infertility, but were eventually blessed with a child in their

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

ANG PEREGRINO

 8,732 total views

 8,732 total views Homiliya para sa Kapistahan ni Santiago Mayor, 25 Hulyo 2024, Mt. 20:20-28 Pyesta ngayon sa aking hometown sa Betis, Guagua Pampanga, dahil patron ng aming parokya doon si Santiago Mayor. Dalawa ang larawan ni Santiago Apostol ang ipinuprusisyon doon sa amin sa Betis: ang Santiagong sundalo, may dalang espada, nakasakay sa kabayong puti

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top