Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 79,299 total views

Mga Kapanalig, back-to-school na ulit ang mga estudyante.

Taun-taon, sinasalubong ng patung-patong na problema ang mga guro at estudyante sa mga pampublikong paaralan tuwing unang araw ng pasukán. Kasama sa mga ito ang kakulangan ng mga silid-aralan at gamit gaya ng mga libro. Normal na ngang makitang nagsiksikan ang mga estudyante sa kakaunting classrooms at naghahati sa paggamit ng mga libro.

Sa unang araw ng pasukán ngayong taon, pinalalâ ng Bagyong Carina at ng habagat ang mga problemang ito. Mahigit 800 na pampublikong paaralan sa iba’t ibang rehiyon ang hindi nakasabay sa pagbubukas ng klase noong isang linggo. Mahigit 800,000 na estudyante ang hindi agad nakapasok sa kanilang paaralan. Ayon kay Department of Education Secretary Sonny Angara, halos 150 na paaralan ang patuloy na ginagamit bilang evacuation center hanggang noong nakaraang linggo. May mga paaralan ding kailangan pang linisin at ayusin bago pumasok ang mga estudyante.

Ipinagpaliban ng isang araw hanggang isang linggo ang mga klase dahil sa nagdaang kalamidad. Ibig sabihin, ngayong linggo, nakapagsimula nang pumasok dapat ang mga estudyante sa lahat ng pampublikong paaralan. Kaso, kahit maaari nang pumasok ang mga estudyante, may mga nasirang gamit gaya ng mga upuan at librong nalubog sa baha. May mga magulang ding namomroblema sa bagong-bili na school supplies na hindi nila naisalba mula sa baha.

Kung inyong matatandaan, inaprubahan ni Pangulong BBM ang pagbabalik sa lumang school calendar na mula Hunyo hanggang Marso upang maiwasan ang pasukán tuwing mainit ang panahon. Nitong taon kasi, sunud-sunod na kinansela ang mga klase noong Abril at Mayo dahil sa matinding init na pinalalâ ng El Niño. Kaso nga lang, ang kalaban naman ngayon ay hindi matinding init kundi pinsala ng mga bagyo at bahang nagsisimula tuwing Hunyo.

Bagamat hindi lamang climate change at matinding init o sama ng panahon ang nakaaapekto sa learning loss o pagkaantala ng pagkatuto ng mga estudyante, importanteng bigyang-pansin ito ngayon pa lang. Gaya ng sabi sa Catholic social teaching na Laudato Si’, magkakabit ang mga problemang panlipunan at pangkalikasan. Kaya, sabi pa ni Pope Francis, ang pagtugon sa magkakabit na mga problemang ito ay nangangailangan ng integrated approach. Hindi pwedeng isa lang ang sinusolusyunan. 

Sa nangyayari ngayon sa sektor ng edukasyon, hindi lamang paglilipat ng school calendar ang makatutugon sa educational crisis. Ang climate change ay isang problemang inaasahan nating lalalâ pa at makaaapekto sa maraming aspeto ng ating buhay, maging ng ating kabataan. Kinakailangan ng pangmatagalang mga solusyon gaya ng pagtatayo ng mga paaralang may maayos na bentilasyon, mga kalsadang hindi binabaha, mga bahay na matibay at ligtas, at mga evacuation centers na hindi sa mga paaralan. Dapat din bigyang-pansin ang mga ugat ng paglalâ ng climate change katulad ng mga malalaki at gahamang korporasyon na ang mga negosyo ay sumisira sa kalikasan at nagpapainit sa ating planeta. Ang pinsalang dulot nila ay nakaaapekto sa mga pinakamahihinang sektor, gaya ng kabataang nakararanas ng malaking learning loss kapag nababawasan ang mga araw ng pagpasok sa paaralan

Mga Kapanalig, sabi sa Mga Kawikaan 16:16, “Higit na mainam sa ginto ang magkaroon ng karunungan, at higit kaysa pilak ang magtaglay ng pang-unawa.” Tugunan sana ng gobyerno nang sabay ang educational crisis at climate crisis. Sa ganitong paraan, hindi maaantala ang pag-aaral ng ating mga anak.

Sumainyo ang katotohanan.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Hindi sagot ang pag-unfriend

 4,141 total views

 4,141 total views Mga Kapanalig, kumusta ang inyong mga social media feed nitong nakaraang linggo? Punô ba ito ng mga balita, opinyon, o kaya naman ay memes tungkol sa pag-aresto kay dating Pangulong Duterte? Mabilis na nagbigay ang mga netizens ng kani-kanilang opinyon sa nangyaring pag-aresto sa dating presidente. Naging mas lantad ang malaking pagkakaiba ng

Read More »

Katarungang abot-kamay

 24,974 total views

 24,974 total views Mga Kapanalig, pinahahalagahan sa Banal na Kasulatan ang katarungan. Ayon sa Levitico 19:15, “Huwag kayong hahatol nang hindi makatarungan. Huwag ninyong kikilingan ang mahihirap o kaya’y katatakutan ang mayayaman. Humatol kayo batay sa katuwiran.” Isinasaad ng ating pananampalataya na nais ng Diyos na igawad natin ang katarungan lalo na sa mga umaabuso sa

Read More »

Truth Vs Power

 41,959 total views

 41,959 total views Sinasabi sa mga opinyon Kapanalig, “truth” when one who says it is in power, out of it, even critic and evidence doesn’t matter. Noon, sa kabila ng kasinungalingan…anuman ang sasabihin ng dating Pangulo Rodrigo Roa Duterte ay katotohanan…hinahangaan natin siya na mga botanteng Pilipino…sinusunod natin anuman ang kanyang utos. Sinasabi nga ng News

Read More »

Heat Wave

 51,242 total views

 51,242 total views Kapanalig, ramdam mo na ba ang maalinsangang panahon? Pinagpapawisan ka na ba sa init ng panahon? Ang mainit na panahon na sanhi ng nagbabagong klima sa lahat ng panig ng mundo? Ang mainit na panahon na ating kagagawan dahil sa walang habas na pagsira sa kalikasan. Paulit-ulit na ipinapaalala sa ating mananampalataya ng

Read More »

Aangat ang kababaihan sa Bagong Pilipinas?

 63,351 total views

 63,351 total views Mga Kapanalig, “Babae sa Lahat ng Sektor, Aangat ang Bukas sa Bagong Pilipinas!”  Ito ang tema sa paggunita natin ng National Women’s Month sa taóng ito. Sinasalamin nito ang hangarin ng kasalukuyang administrasyon na matamasa ng kababaihan ang kanilang mga karapatan, na ang mga oportunidad na ibinibigay sa mga lalaki ay nakakamit din

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sagot ang pag-unfriend

 4,142 total views

 4,142 total views Mga Kapanalig, kumusta ang inyong mga social media feed nitong nakaraang linggo? Punô ba ito ng mga balita, opinyon, o kaya naman ay memes tungkol sa pag-aresto kay dating Pangulong Duterte? Mabilis na nagbigay ang mga netizens ng kani-kanilang opinyon sa nangyaring pag-aresto sa dating presidente. Naging mas lantad ang malaking pagkakaiba ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Katarungang abot-kamay

 24,975 total views

 24,975 total views Mga Kapanalig, pinahahalagahan sa Banal na Kasulatan ang katarungan. Ayon sa Levitico 19:15, “Huwag kayong hahatol nang hindi makatarungan. Huwag ninyong kikilingan ang mahihirap o kaya’y katatakutan ang mayayaman. Humatol kayo batay sa katuwiran.” Isinasaad ng ating pananampalataya na nais ng Diyos na igawad natin ang katarungan lalo na sa mga umaabuso sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Truth Vs Power

 41,960 total views

 41,960 total views Sinasabi sa mga opinyon Kapanalig, “truth” when one who says it is in power, out of it, even critic and evidence doesn’t matter. Noon, sa kabila ng kasinungalingan…anuman ang sasabihin ng dating Pangulo Rodrigo Roa Duterte ay katotohanan…hinahangaan natin siya na mga botanteng Pilipino…sinusunod natin anuman ang kanyang utos. Sinasabi nga ng News

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Heat Wave

 51,243 total views

 51,243 total views Kapanalig, ramdam mo na ba ang maalinsangang panahon? Pinagpapawisan ka na ba sa init ng panahon? Ang mainit na panahon na sanhi ng nagbabagong klima sa lahat ng panig ng mundo? Ang mainit na panahon na ating kagagawan dahil sa walang habas na pagsira sa kalikasan. Paulit-ulit na ipinapaalala sa ating mananampalataya ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Aangat ang kababaihan sa Bagong Pilipinas?

 63,352 total views

 63,352 total views Mga Kapanalig, “Babae sa Lahat ng Sektor, Aangat ang Bukas sa Bagong Pilipinas!”  Ito ang tema sa paggunita natin ng National Women’s Month sa taóng ito. Sinasalamin nito ang hangarin ng kasalukuyang administrasyon na matamasa ng kababaihan ang kanilang mga karapatan, na ang mga oportunidad na ibinibigay sa mga lalaki ay nakakamit din

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Plastik at eleksyon

 78,716 total views

 78,716 total views Mga Kapanalig, mala-fiesta na ba sa inyong lugar sa dami ng mga nakasabit na tarpaulins at posters ng mga kandidato? Asahan ninyong darami pa ang mga iyan pagsapit ng opisyal na simula ng kampanya para sa mga tumatakbo sa lokal na posisyon. Sa March 28 pa ito, pero wala pa nga ang araw

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sasakay ka ba sa mga resulta ng surveys?

 99,717 total views

 99,717 total views Mga Kapanalig, nagsusulputang parang kabute, lalo na sa social media, ang iba’t ibang surveys na nagpapakita ng ranking ng mga kandidato sa paparating na eleksyon. Sinu-sino nga ba ang nangunguna? Sinu-sino ang malaki ang tsansang manalo kung gagawin ngayon ang halalan? Sinu-sino ang tila tagilid at kailangan pang magpakilala sa mga botante? Bahagi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Culture Of Service

 59,720 total views

 59,720 total views Saan mang panig ng mundo, hinahangaan tayong mga Pilipino lalu na ang mga Filipino Migrant workers o mga Overseas Filipino Workers (OFW). Sinasaluduhan ang mga manggagawang Pilipino sa ibayong dagat dahil sa ibinibigay na totoong “culture of service”. Mismong si International Labor Organization (ILO) assistant Director General Manuela Tomei ang pumuri sa sipag

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Record High

 63,412 total views

 63,412 total views Lagot tayo Kapanalig… Para sa kaalaman ng lahat na Pilipino, naitala sa record high ang utang ng pamahalaan ng Pilipinas nito lamang Enero 2025… Umabot na sa 16.31-trilyong piso ang foreign at domestic debt (utang) ng Philippine government makaraang umutang ang pamahalaan ng Pilipinas ng 261.5-bilyong noong January 2025. Batay sa worldometer data

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Heads Will Roll

 72,993 total views

 72,993 total views Here we go again! Ang pahayag na “heads will roll” ay gasgas na Kapanalig. Malinit natin itong naririnig at napapanood sa tuwing mayroong kapalpakang ginawa ang alinmang sangay ng gobyerno lalu sa mga kontrobersiyal na pagkakamali ng isang opisyal ng pamahalaan. Well, gaano kaya katotoo ang pahayag na ito na mula mismo kay

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Negative campaigning

 74,655 total views

 74,655 total views Mga Kapanalig, walang nagbabawal sa mga kandidato ngayong eleksyon o sa kanilang mga tagasuporta na magsagawa ng tinatawag na “negative campaigning”. Tugon ito ng Commission on Elections (o COMELEC) sa pagpapatutsadahan ng mga kampo ni Pangulong Bongbong Marcos Jr at ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kasabay ng pag-endorso nila sa kani-kanilang manok sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

No to mining

 91,986 total views

 91,986 total views Mga Kapanalig, inanunsyo noong nakaraang linggo ng Maharlika Investment Corporation, ang investment company na pagmamay-ari ng gobyerno, na magpapautang ito para sa isang mining project sa probinsya ng Kalinga. Nasa 4.4 bilyong piso ang ipauutang, na gagamitin para sa feasiblity study, pagtatayo ng mga kalsada, at skills-based training sa mga katutubong residente ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Higit sa armas at bala

 67,969 total views

 67,969 total views Mga Kapanalig, isa sa mga pangunahing aksyon ng ikalawang administrasyon ni US President Donald Trump ay ang pag-freeze sa mga proyekto ng United States Agency for International Development (o USAID). Hindi umano umaayon sa interes o values ng Amerika ang mga pinaglalaanan ng pondo ng ahensya.  Kabilang ang Pilipinas sa maraming bansang may

Read More »
Latest News
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nasaan Napunta Ang Pera?

 60,828 total views

 60,828 total views Kapag pera ang pag-uusapan, ito ay magulo…lumilikha ng hindi pagkakaunawaan, nang away. Taon-taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet ng Pilipinas, nag-aaway ang mga mambabatas, mga opisyal ng gobyerno sa pondong gagamitin sa operasyon ng pamahalaan at mga “baby” projects” ng mga ahensiya ng pamahalaan, mga kongresista at mga Senador. Sa kasalukuyan, mainit ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy Ang PUVMP

 61,862 total views

 61,862 total views Transport disaster… Kapanalig, ito ang kahihinatnan kapag tuluyang na-implement ang Public Utility Vehicles Modernization Program (PUVMP) na pinalitan ng Public Transport Modernization Program (PTMP) na inilunsad noong taong 2019. Kapanalig, ang PTMP ay dumaan sa maraming roadblock, dahil tinagurian itong “anti-poor” ng mga transport group.. sa implementasyon ng programa, 150,000 libong tsuper at

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top