Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 3,827 total views

Homiliya para sa Ika-21 Linggo ng Karaniwang Panahon, 25 Agosto 2024, Juan 6: 60-69

Sa Misang ito ng ating Paggunita kay Santa Clara ng Assisi pagninilayan ang pagiging huwaran niya sa SAMA-SAMANG PAGLALAKBAY TUNGO SA KAGANAPAN NG BUHAY. Isa siya sa mga unang nagpahayag ng suporta kay Saint Francis nang talikuran nito ang marangyang buhay at negosyo ng kanyang ama, upang sumunod sa yapak ng Panginoong Hesukristo at tumugon sa tawag ng makalangit niyang Ama. Dahil idinemanda siya ng sariling Ama sa salang pagwawaldas sa kayamanang pinagpaguran niya na ibinabahagi sa mga mahihirap, hinubad niya pati sariling damit upang isoli ito sa tatay niya na nagtatwa sa kanya, at binuo ang isang bagong pamilya ng mga Franciscano. Akmang akma ang ating mga pagbasa sa temang ito.

Narinig natin ang tanong ni Hesus sa mga alagad niya. Kayo rin ba, iiwan na rin ba ninyo ako? Sinabi niya ito, matapos na nagsipagtiwalag ang ibang mga kasamahan nila dahil hindi matanggap ang mga itinuturo niya tungkol sa Tinapay ng Buhay. Na ito’y may kinalaman sa pag-aalay niya ng sariling laman niya bilang pagkain at sariling dugo niya bilang inumin. Si Pedro daw ang sumagot at ang sabi niya, “Panginoon, saan pa ba kami pupunta? Nasa iyo ang mga salitang nagbibigay ng buhay na walang hanggan. Naniniwala na kami at naninindigan na ikaw ang Hinirang ng Diyos.

Pagnilayan natin ang sinabi niya. Tatawagin nating tatlong yugto ng pananampalataya: una, kanino pa kami pupunta? Pangalawa, naniniwala na kami. Pangatlo, naninindigan kami.

May isang ale, sinabi niya sa kumpisal na nawalan na siya ng pananampalataya dahil nabulyawan ng parish priest nila. Sabi ng pari, “Siguro hindi pa naman lubos na nawawala kasi andito ka pa rin at nangungumpisal. At kung nawala na nga dahil lang nabulyawan ka, ok lang siguro na mawala dahil mababaw pa para masimulan mong hanapin ang mas malalim na uri ng pananampalataya.”
Kung merong kasabihang “Nemo dat quod non habet,” (You cannot give what you do not have…, o hindi mo maipamimigay ang hindi iyo.) siguro magandang gumawa rin tayo ng kasabihan “You cannot lose what you do not have.” (Hindi mawawala sa iyo ang hindi naman napasaiyo.)

Magandang itanong: Ano ang dahilan kung bakit kayo nananatili gayong maraming dahilan para umalis o tumiwalag? Bakit pinipili nating maniwala pa rin kahit marami tayong di maintindihan o matanggap? Alam nating kung minsan ay meron ding mga iskandalong kaugnay sa financial o sexual abuse sa simbahan. Minsan May pulitika din sa mga Church leaders—tayo’y laging simbahan ng mga banal at makasalanan.

Tatlong linya ang sagot ni San Pedro: Panginoon, saan pa kami pupunta? Nasa iyo ang mga salitang nagbibigay buhay na amin nang pinaniniwalaan, at amin nang pinaninindigan na ikaw ang Banal na hinirang ng Diyos.

SAAN PA KAMI PUPUNTA? Ang katumbas nito ay, wala naman kaming ibang mapagpipilian sa ngayon. Saka na kami magdidisisyon kung meron nang ibang pagpipilian. Ika nga, “We’ll cross the bridge when we get there.” Yun e kung aabot kami doon at kung may tulay pagdating doon. Tumaya na kami dito, bat pa kami bibitaw at magpapalugi? Hindi naman talaga laging wagas ang motibasyon natin lalo na sa una. Mas mabuti na ang praktikal at nagpapakatotoo. Pero nalalampasan natin sa katagalan ang ganoong disposisyon.

Ang ikalawang linya: mananatili na kami dito dahil ang salita mo ay nakakabuhay ng loob. Ibig sabihin, naririnig namin sa iyo ang Diyos. Hindi “We believe“ kundi “We have come to believe.” May proseso nang pinsgdaanan bago tayo humantong dito. May pundasyon nang kasaysayan, karanasan at alaala ng nakaraan. Parang ganito rin ang sinasabi ni Josue sa ating unang pagbasa:

“Kami ng mga kasambahay at kapamilya ko ay nagkasundong maglilingkod sa at magiging tapat sa Panginoon.” Ang batayan nila ay kasaysayan, ang ipinasang alaala ng kanilang mga ninuno kahit hindi nila ito naranasan sila mismo. “Ang Panginoon na ating Diyos ang nagpalaya sa ating mga ninuno mula sa pagkaalipin sa Egipto.… siya ang gumawa ng mga kababalaghanpara sa atin, ang kumalinga sa atin sa paglalakbay … Kaya’t pinagkaisahan namin na mananatili kaming tapat atsi Yahweh lang ang paglilingkuran.” Kaya pala mahirap maniwala ang taong walang sense of history. Ang pagkalimot sa kasaysayan ay simula na ng pagtalikod sa mga sinumpaan.

Kaya mahalagang ipasa ang mga salaysay ng mga ninuno. Pinanghahawakan natin dahil may tiwala tayo sa kanila. Kapani-paniwala ang patotoo nila.

Ikatlong linya: paninindigan namin ang aming ang aming sinasampalatayanan. Karamihan sa atin ay naging katoliko dahil tradisyon. Ito na sng nakagisnan. Wala naman kaming ibang alam. Ba’t mananatili? Pwedeng nasa una o pangalang yugto pa lang. Sa totoo lang, nagsisimula pa lang ang buhay pananampalataya kapag ang tinanggap natin ay napaninindigan na natin. Kapag hindi na pinilit kundi pinili, kusang loob na inako at pinangatawanan kahit mawalan pa tayo ng ari-arian o kaibigan, kahit ipagdusa pa natin at ikamatay ito.

Nagsilbi sina St Francis at St Clare bilang mga paalala sa simbahan noong mga panahon na unti-unti nang nakakalimutan ang kanyang bokasyon na makilakbay kay Kristo, makilahok sa kanyang buhay at misyon. Matinding inspirasyon ang ibinigay ng dalawang magkaibigan na ito na naging huwaran sa kabanalan, upang ang gumuguhong simbahan ay maitayong muli, ang mga obispo, pari at relihiyoso na bumibigay na sa tukso ng kayamanan, kapangyarihan at katanyagan ay manumbalik sa pakikilakbay sa landas ni Kristo, ang landas ng Mabuting Balita ng Paghahari ng Diyos.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Tunnel of friendship

 38,087 total views

 38,087 total views Mga Kapanalig, natapos noong Biyernes ang labindalawang araw na pagbisita ni Pope Francis sa apat nating karatig-bansa: Indonesia, Papua New Guinea, Timor-Leste, at Singapore. Naging makasaysayan ang pagbisita ng Santo Papa sa Indonesia. Ito kasi ang may pinakamalaking populasyon ng mga Muslim sa buong mundo, habang tatlong porsyento lamang ng populasyon nito ang

Read More »

Teenage pregnancy

 88,650 total views

 88,650 total views Ang teenage pregnancy o maagang pagbubuntis ay isa sa mga seryosong isyung kinakaharap ng Pilipinas ngayon. Taon-taon, dumarami ang mga kabataang babae, edad 10 hanggang 19, na maagang nagiging ina. Ang kalagayang ito ay may malalim na implikasyon sa kanilang personal na buhay, pati na rin sa kalagayan ng bansa sa kabuuan. Nakaka-alarma,

Read More »

THE DIVINE IN US

 35,241 total views

 35,241 total views Gospel Reading for September 12, 2024 – Luke 6: 27-38 THE DIVINE IN US Jesus said to his disciples: “To you who hear I say, love your enemies, do good to those who hate you, bless those who curse you, pray for those who mistreat you. To the person who strikes you on

Read More »

Magnanakaw ng dignidad ang traffic

 93,829 total views

 93,829 total views Kapanalig, isa sa mga hamon sa mental health ng maraming Pilipino ngayon ay ang kahirapan sa pagko-commute tungo sa trabaho at paaralan. Marami na nga sa ating mga kababayan ang nagsasabi na ang pagco-commute dito sa ating bayan ay dehumanizing na. Sa dami ng Pilipinong apektado sa pang-araw-araw na traffic sa ating bayan,

Read More »

Iba’t ibang paraan ng pabahay

 74,024 total views

 74,024 total views Mga Kapanalig, sa isang pahayag noong 1988 ng Pontifical Commission Justice and Peace, may ganitong paalala ang ating Simbahan: “Any person or family that, without any direct fault on his or her own, does not have suitable housing is the victim of an injustice.” Totoo pa rin ito hanggang ngayon. Marami pa ring

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

ANG PAG-IISIP NG DIYOS

 756 total views

 756 total views Homily for 24th Sun in Ordinary Time, 15 September 2024, Mk 8:27-35 Napagsabihan si Pedro sa ebanghelyo ngayon. Hindi daw ayon sa pag-iisip ng Diyos ang pag-iisip niya kundi ayon sa pag-iisip ng tao. Kung ako si Pedro baka nakasagot ako ng ganito: “with all due respect, Lord, paano akong mag-iisip na katulad

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

ANG KRUS NA SALAMIN

 756 total views

 756 total views Homiliya para sa Novena ng Santa Cruz, Ika-13 ng Setyembre 2024, Lk 6:39-42 Ewan kung narinig na ninyo ang kuwento tungkol sa isang taong mayaman ngunit makasarili. Dahil guwapo siya, matipuno at malusog ang katawan bukod sa successful sa career, mahilig daw siyang tumingin sa salamin para hangaan ang sarili. Minsan isang gabi,

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

LAW OF MOTION

 757 total views

 757 total views Homiliya para sa Huwebes sa Ika-23 Linggo ng Karaniwang Panahon, 12 Setyembre 2024, Lukas 6:27-38 Ang ebanghelyo natin ngayon ang siya na yatang pinakamahirap na doktrina ng pananampalatayang Kristiyano: MAHALIN ANG KAAWAY. Ito ang tunay na dahilan kung bakit nasasabi natin na MAS RADIKAL ANG MAGMAHAL. Mahirap kasing totohanin. Mas madali ang gumanti,

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

OPIUM OF THE PEOPLE

 753 total views

 753 total views Homily for Wed of the 23rd Wk in OT, 11Sept 2024, Lk 6:20-26 “It’s ok to suffer poverty and humiliation now. Anyway you will enjoy plenty and satisfaction in the hereafter…” Some Christians hold on to this kind of doctrine about a heavenly reward awaiting those who have suffered hell on earth. Is

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAPAPANAHON

 1,625 total views

 1,625 total views Homily for the 23rd Sunday in Ordinary Time, 08 September 2024, Mark 7:31-37 Isang kasabihan sa Bibliya, ang chapter 3 ng Ecclesiastes ang pagkukuhanan natin ng inspirasyon para sa ating pagninilay sa ebanghelyo ngayon. “May tamang panahon para sa lahat ng bagay, panahon para sa bawat gawain sa mundong ibabaw…May panahon daw para

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAKITA KITA

 3,861 total views

 3,861 total views Homiliya para sa Kapistahan ni San Bartolome, 24 Agosto 2024, Jn 1:45–51 “Bago ka tinawag ni Felipe NAKITA KITA sa ilalim ng puno ng igos.” Iyun lang ang sinabi ni Hesus. Hanggang ngayon hinuhulaan pa ng mga Bible scholars kung bakit napakatindi ng epekto ng sinabing iyon ni Hesus kay Nataniel o Bartolome.

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

DAMAY-DAMAY

 5,214 total views

 5,214 total views Homily for the Feast of the Queenship of Mary, 22 August 2024, Lk 1,26-38 Isa sa paborito kong kanta sa blockbuster comedy film “Sister Act” ni Whoopi Goldberg ay ang “Hail Holy Queen Enthroned Above”. Hindi alam ng marami na ang kantang iyon ay isa sa pinakamatandang panalangin tungkol kay Mama Mary. Kilala

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BAON SA BIYAHE

 6,311 total views

 6,311 total views Homily for the 20th Sunday in Ordinary Time, 18 August 2024, John 6: 51-58 Sa ating mga Katoliko, ang huling basbas sa mga malapit nang pumanaw ay hindi lamang sinasamahan ng kumpisal at pagpapahid ng langis. Kapag kaya pa ng maysakit, binibigyan siya ng komunyon at ang tawag dito sa wikang Latin ay

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MALASAKIT

 10,533 total views

 10,533 total views Homiliya sa Pyestang San Roque, 16 Agosto 2924, Mateo 25: 31-40 Isang art work ang tumawag-pansin sa akin minsan. Gawa ito sa brass o tanso, hugis-taong nakaupo sa isang park bench, dinadaan-daanan ng mga tao. Minsan tinatabihan siya ng mga gustong magselfie kasama siya. Malungkot ang dating ng sculpture na ito—anyo ng isang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PAGKAIN NG BUHAY

 6,256 total views

 6,256 total views Homily for the 19th Sunday in Ordinary Time, 11 August 2024, John 6:41-51 Kung minsan, may mga taong ayaw kumain, hindi dahil hindi sila nagugutom o wala silang ganang kumain kundi dahil wala na silang ganang mabuhay. Ganito ang sitwasyon ng propeta sa ating unang pagbasa ngayon. Nawalan na ng ganang mabuhay si

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

HANAPBUHAY

 7,626 total views

 7,626 total views Homiliya para sa ika-18 Linggo ng Karaniwang Panahon, 4 Agosto 2024, Juan 6:24-35 Sa Tagalog, “hanapbuhay” ang tawag natin sa trabahong pinagkakakitaan ng pera. Pero kung pera pala ang hinahanap, bakit hindi na lang tinawag na “hanap-pera” ang trabaho? Narinig ko ang sagot sa isang kargador sa palengke. Kaya daw hanapbuhay ang tawag

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MISSIONARY

 7,887 total views

 7,887 total views Homily for the Ordination of Hien Van Do, MJ and Dao Minh Pham MJ to the Presbyteral Ministry, 03 August 2024, Jn 15:9-17 87 MJ is your nomenclature for your identity as consecrated persons. Missionaries of Jesus. Let me share some thoughts on what, basically it means to be Missionaries of Jesus. It

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAKATATANDA

 16,580 total views

 16,580 total views Homiliya para sa World Day for Grandparents, 27 Hulyo 2024, Ika-17 Linggo ng Karaniwang Panahon, Juan 6:1-15 Ipinagdiriwang natin ngayon ang World Day for Grandparents and the Elderly. Ano sa Tagalog ang ELDERLY? NAKATATANDA. Kaya nagtataka ako kung bakit ina-associate ang pagiging matanda sa pagiging ulyanin o makakalimutin, gayong eksaktong kabaligtaran ang ibig

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

RICH SOIL

 9,291 total views

 9,291 total views Homily for the feast of Sts. Joachim and Anne, 26 July 2024, Mt 13:18-23 An elderly couple like Abraham and Sarah, that’s the kind of image that Christian tradition gives us of Joachim and Anne. They were a couple already resigned to their infertility, but were eventually blessed with a child in their

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

ANG PEREGRINO

 8,733 total views

 8,733 total views Homiliya para sa Kapistahan ni Santiago Mayor, 25 Hulyo 2024, Mt. 20:20-28 Pyesta ngayon sa aking hometown sa Betis, Guagua Pampanga, dahil patron ng aming parokya doon si Santiago Mayor. Dalawa ang larawan ni Santiago Apostol ang ipinuprusisyon doon sa amin sa Betis: ang Santiagong sundalo, may dalang espada, nakasakay sa kabayong puti

Read More »

Latest Blogs

Rev. Fr. Nicanor Lalog II