Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 85,481 total views

Mga Kapanalig, tumaas siguro ang kilay ninyo nang marinig ang sinabi ng National Economic and Development Authority (o NEDA) na ang isang Pilipinong may ₱64 para ipambili ng pagkain sa isang araw ay hindi maituturing na food poor.

Take note, pang-isang araw na ang ₱64. Ibig sabihin, kung tatlong beses kumakain ang isang Pilipino sa isang araw, sapat na ang ₱21 kada kain. Paliwanag pa ng NEDA, isinaalang-alang na sa halagang ito ang inflation o ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin, kabilang ang pagkain.

Sa mata ng gobyerno, food poor ang mga indibidwal o pamilyang ang halagang inilalaan para sa pagkain ay mas mababa sa itinakdang food poverty threshold. Kumplikadong konsepto at hindi madaling maipaliwanag ang pagkuwenta ng food poverty threshold. Tiyak naman tayong marurunong ang mga naglalabas ng ganitong mga datos na ginagamit na batayan ng pamahalaan para sa mga patakaran at programa nito.

Pero napakalayo naman yata sa katotohanan ng mga datos tungkol sa food poverty. Sa totoo lang, anong mabibiling agahan, tanghalian, o hapunan ng ₱21? Kung meron mang mabili, siguradong walang sustansya o hindi nakabubusog ang mga ito. Dito sa kalungsuran kung saan lahat ay binibili natin, katawa-tawa ang halagang ito.

Maraming datos ang pamahalaan na kailangang suriin dahil maaaring hindi ipinipinta ng mga ito ang tunay na nangyayari sa ating bansa at ang totoong kalagayan ng taumbayan, lalo na ng mahihirap.

Gawin nating halimbawa ang employment rate. Sa kanyang ikatlong SONA, ipinagmalaki ni Pangulong BBM na ang bahagdan ng mga Pilipinong may trabaho ay nasa halos 96%. Ibig sabihin, sa isandaang Pilipinong maaari nang magtrabaho, apat lamang ang walang trabaho.

Pero alam ba ninyo kung paano binibilang ng gobyerno ang mga may trabaho o employed?

Ganito ang definition ng Philippine Statistics Authority (o PSA) sa salitang “employed”. Employed ang isang tao kung siya ay may trabaho o may sariling kabuhayan. Ang mga “persons at work” ay ang mga taong may ginawang trabaho, kahit man lang sa loob ng isang oras, noong isinagawa ang pangangalap ng datos. Itinuturing ding employed ang mga inaasahang magre-report na sa kanilang trabaho o magsisimula na ng kanilang negosyo o kabuhayan sa loob ng dalawang linggo pagkatapos silang ma-interview.

Kung ganito ang mga batayan para sabihing may trabaho ang isang tao, lalabas na mataas talaga ang ating employment rate. Hindi pa nga natin pinag-uusapan dito ang kalidad ng kanilang trabaho—kung nakabubuhay ba ng pamilya ang kanilang suweldo o kung nabibigyan ba sila ng panahon para makapagpahinga.

Gaya ng sinabi natin kanina, batayan ang mga datos na kinakalap ng gobyerno para sa mga patakaran at programang ipatutupad nito—mula sa ayudang ibibigay sa mga kapos sa buhay hanggang sa suweldong ibibigay sa mga manggagawa. Pero maaari ding gamitin ang mga datos na ito para palabasing hindi ganoon kalaki at kalala ang ating mga problema, gaya ng kahirapan, kagutuman, at kawalan ng trabaho. Kaya napakahalagang nauunawaan natin ang mga datos na isinasapubliko ng pamahalaan, at kung maaari, klaruhin ang batayan ng mga ito, lalo na kung malayo ang mga ito sa tunay na nararanasan ng mga tao.

Mga Kapanalig, sa Mga Gawa 4:20, sinabi nina San Pedro at San Juan: “Hindi maaaring ‘di namin ipahayag ang aming nakita at narinig.” Ganito rin ang tungkulin ng mga namumuno sa ating bayan—ang ipahayag ang totoo. Ang tanong na lang, ang ipinahahayag ba nila ay mula sa kanilang nakikita at naririnig? Gaya naman ng paalala ni Pope Francis sa Catholic social teaching na Fratelli Tutti, kailangan nating matutunan kung paano ilantad ang iba’t ibang paraan kung saan ang katotohanan ay minamanipula, binabaluktot, at ikinukubli.

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Tunnel of friendship

 35,622 total views

 35,622 total views Mga Kapanalig, natapos noong Biyernes ang labindalawang araw na pagbisita ni Pope Francis sa apat nating karatig-bansa: Indonesia, Papua New Guinea, Timor-Leste, at Singapore. Naging makasaysayan ang pagbisita ng Santo Papa sa Indonesia. Ito kasi ang may pinakamalaking populasyon ng mga Muslim sa buong mundo, habang tatlong porsyento lamang ng populasyon nito ang

Read More »

Teenage pregnancy

 86,185 total views

 86,185 total views Ang teenage pregnancy o maagang pagbubuntis ay isa sa mga seryosong isyung kinakaharap ng Pilipinas ngayon. Taon-taon, dumarami ang mga kabataang babae, edad 10 hanggang 19, na maagang nagiging ina. Ang kalagayang ito ay may malalim na implikasyon sa kanilang personal na buhay, pati na rin sa kalagayan ng bansa sa kabuuan. Nakaka-alarma,

Read More »

THE DIVINE IN US

 32,910 total views

 32,910 total views Gospel Reading for September 12, 2024 – Luke 6: 27-38 THE DIVINE IN US Jesus said to his disciples: “To you who hear I say, love your enemies, do good to those who hate you, bless those who curse you, pray for those who mistreat you. To the person who strikes you on

Read More »

Magnanakaw ng dignidad ang traffic

 91,364 total views

 91,364 total views Kapanalig, isa sa mga hamon sa mental health ng maraming Pilipino ngayon ay ang kahirapan sa pagko-commute tungo sa trabaho at paaralan. Marami na nga sa ating mga kababayan ang nagsasabi na ang pagco-commute dito sa ating bayan ay dehumanizing na. Sa dami ng Pilipinong apektado sa pang-araw-araw na traffic sa ating bayan,

Read More »

Iba’t ibang paraan ng pabahay

 71,559 total views

 71,559 total views Mga Kapanalig, sa isang pahayag noong 1988 ng Pontifical Commission Justice and Peace, may ganitong paalala ang ating Simbahan: “Any person or family that, without any direct fault on his or her own, does not have suitable housing is the victim of an injustice.” Totoo pa rin ito hanggang ngayon. Marami pa ring

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tunnel of friendship

 35,623 total views

 35,623 total views Mga Kapanalig, natapos noong Biyernes ang labindalawang araw na pagbisita ni Pope Francis sa apat nating karatig-bansa: Indonesia, Papua New Guinea, Timor-Leste, at Singapore. Naging makasaysayan ang pagbisita ng Santo Papa sa Indonesia. Ito kasi ang may pinakamalaking populasyon ng mga Muslim sa buong mundo, habang tatlong porsyento lamang ng populasyon nito ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Teenage pregnancy

 86,186 total views

 86,186 total views Ang teenage pregnancy o maagang pagbubuntis ay isa sa mga seryosong isyung kinakaharap ng Pilipinas ngayon. Taon-taon, dumarami ang mga kabataang babae, edad 10 hanggang 19, na maagang nagiging ina. Ang kalagayang ito ay may malalim na implikasyon sa kanilang personal na buhay, pati na rin sa kalagayan ng bansa sa kabuuan. Nakaka-alarma,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Magnanakaw ng dignidad ang traffic

 91,365 total views

 91,365 total views Kapanalig, isa sa mga hamon sa mental health ng maraming Pilipino ngayon ay ang kahirapan sa pagko-commute tungo sa trabaho at paaralan. Marami na nga sa ating mga kababayan ang nagsasabi na ang pagco-commute dito sa ating bayan ay dehumanizing na. Sa dami ng Pilipinong apektado sa pang-araw-araw na traffic sa ating bayan,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Iba’t ibang paraan ng pabahay

 71,560 total views

 71,560 total views Mga Kapanalig, sa isang pahayag noong 1988 ng Pontifical Commission Justice and Peace, may ganitong paalala ang ating Simbahan: “Any person or family that, without any direct fault on his or her own, does not have suitable housing is the victim of an injustice.” Totoo pa rin ito hanggang ngayon. Marami pa ring

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Dugo sa kamay ng mga pulis

 45,969 total views

 45,969 total views Mga Kapanalig, may pagkakataon pa raw si PNP Lieutenant Coronel Jovie Espenido na bigyang-katarungan ang mga biktima ng madugong giyera kontra droga ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Iyan ang paniniwala ni Fr Flavie Villanueva, SVD, kung isisiwalat ng kontrobersyal na pulis ang lahat ng maling ginawa niya bilang pagsunod sa kagustuhan

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

“Same pattern” kapag may kalamidad

 54,650 total views

 54,650 total views Mga Kapanalig, ulan at baha ang sumalubong sa atin sa pagpasok ng buwan ng Setyembre. Habang isinusulat natin ang editoryal na ito, labinlimang kababayan natin ang iniwang patay ng Bagyong Enteng. Marami sa kanila ay namatay sa landslide o nalunod sa rumaragasang baha. Hindi bababà sa 20 ang patuloy pa ring hinahanap. Tinahak

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Moral conscience

 69,412 total views

 69,412 total views Kapanalig, sa nararanasan at nasasaksihan nating pangyayari sa ating kapwa, sa komunidad, satrabaho, sa pamamalakad ng gobyerno…umiiral pa ba ang “moral conscience”? Sa ginagawang “budget watch” o corruption free Philippines advocacy ng Radio Veritas ay napatunayan na ang salitang “moral conscience” sa mga kawani, opisyal ng pamahalaan at mga halal na representante nating

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagpa-parking/budget insertions

 76,527 total views

 76,527 total views Kapanalig, sa “laymans term” ang pagpa-parking ay pag-iiwan ng sasakyan pansamantala sa isang parking space o tinatawag sa mga mall at business establishments na pay parking area. Ang pagpa-parking ay natutunan na rin ng mga mambabatas mula sa Mababang Kapulungan ng Kongreso at Mataas na Kapulungan ng Kongreso (Senado). Sa ating mga ordinaryong

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Season of Creation

 50,657 total views

 50,657 total views Nakakalungkot, ginugunita ng buong Santa Iglesia ang “Season of Creation” o panahon ng paglikha mula a-uno ng Setyembre, kasabay ng “World Day of Prayer of Creation” na magtatapos sa ika-13 ng Oktubre 2024, araw ng National Indigenous Peoples’ Sunday. Kamakailan lang, nasaksihan at naranasan ng milyong Pilipino ang matinding epekto ng pagsasawalang bahala

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bulag na tagasunod

 50,429 total views

 50,429 total views Mga Kapanalig, gaya sa larong tagu-taguan, ilang buwan nang “tayâ” ang ating kapulisang hindi mahanap-hanap si Pastor Apollo Quiboloy ng grupong Kingdom of Jesus Christ (o KOJC). Hinihinalang nagtatago siya sa compound ng grupo sa Davao. Mahigit isang linggo na ang nakalipas mula noong ibinalita ng Philippine National Police (o PNP) na, gamit

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Huwag kalimutan ang mga desaparecidos

 50,130 total views

 50,130 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Setyembre ay Philippine Film Industry Month. Sinimulan ito noong 2021 upang pangalagaan at pagyamanin ang kultura ng pelikulang Pilipino batay sa prinsipyo ng pagkakaisa sa pagkakaiba-iba o “unity in diversity”. Pinahahalagahan din ang pagkakaroon ng malayang artistic and intellectual expression. Ngunit taliwas sa pagdiriwang na ito ang tila

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipaliwanag ang OVP budget

 42,464 total views

 42,464 total views Mga Kapanalig, nag-trending noong isang linggo sa social media ang panawagang bigyan ng zero budget ang Office of the Vice President. Ito ay matapos ang mainit na pagdinig ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa budget ng OVP para sa susunod na taon.  Sa pagdinig, panay ang pag-iwas ni Vice President Sara Duterte sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nang binawi ang palakpakan

 82,044 total views

 82,044 total views Mga Kapanalig, humupa na ang palakpakan ng mga pulitiko sa war on drugs ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Dahil dito, nalulungkot si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa, isa sa numero unong tagasuporta ng dating pangulo. Sa ilalim ng kanyang pamumuno bilang hepe ng Philippine National Police (o PNP), ipinatupad ng nakaraang administrasyon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paalala sa mga mister

 89,598 total views

 89,598 total views Mga Kapanalig, madalas gamitin ang Efeso 5:22-24 para pangatwiranan ang pagpapasailalim ng mga babae sa kanilang asawa. Ganito ang mababasa natin: “Mga babae, pasakop kayo sa sarili ninyong asawa tulad ng pagpapasakop ninyo sa Panginoon. Sapagkat ang lalaki ang ulo ng kanyang asawa, tulad ni Kristo na siyang ulo ng iglesya… Kung paanong

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hamon ng mga Baybaying Komunidad

 93,973 total views

 93,973 total views Bilang arkipelago, tayo ay napapaligiran ng mga katubigan. Ang ating mga dalampasigan ay hindi lamang nagtataglay ng likas na kagandahan, nagsisilbi ring silang pangunahing kabuhayan ng maraming komunidad. Ang mga baybaying komunidad ay umaasa sa karagatan para sa kanilang ikinabubuhay, mula sa pangingisda, pag-aalaga ng mga yamang-dagat, hanggang sa turismo. Subalit, ang kanilang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top