Maging kalinga ng kapwa, hamon ni Cardinal Tagle

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 15,141 total reads

Maging daan ng aliw, pagdamay at kalinga ni Hesus at ng Mahal na Birheng Maria sa kapwa.

Ito ang hamon ni Dicastery for Evangelization Pro Prefect Cardinal Luis Antonio Tagle sa mamamayan sa misang pinangunahan sa Mary Comforter of the Afflicted Parish (MCAP) sa Maricaban, Pasay City sa pagdiriwang ng Dakilang Kapistahan ni Maria Mapang-aliw sa mga Nagdadalamhati nitong August 25.

Batid ng cardinal ang iba’t ibang uri at sanhi ng dalamhati na kinakaharap ng bawat isa sa pakikipamuhay araw-araw subalit paalala nitong si Hesus ay nakikilakbay at nakikiisa sa mga pighating dinaranas kaya’t dapat hindi mangangamba ang sinuman.

“Ang Panginoong Hesukristo na naging tao at kasama ng kanyang pagiging tao ang pagyakap sa ating mga dalamhati. Kung mayroon mang nakauunawa at magbibigay ng lakas sa atin sa ganyang pagkakataon si Hesus yan, kaya pumunta tayo kay Hesus dito sa Blessed Sacrament, buksan ninyo ang bibliya, mangungusap si Hesus,” bahagi ng mensahe ni Cardinal Tagle.

Paliwanag ng opisyal ng Vatican na labis ang paghihirap at dalamhating naranasan ni Hesus mula sa mga mang-uusig subalit buong puso at kababaang loob na niyakap ang pagpapakasakit at pagkamatay sa krus upang tubusin ang sangkatauhan mula sa kasalanan.

Hiniling din ni Cardinal Tagle sa mamamayan lalo na sa mga may kaanak na Overseas Filipino Workers na ipadama ang kalinga at pag-ibig ng Diyos sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan at pakikipag-usap.

“Kung mayroon kayong pamilya na mga Overseas Filipino Workers pakiusap ko po sainyo huwag lang naman yung kailan kayo magpadala ng remittance…kalimitan po ang mabigat bukod sa trabaho ay yung nag-iisa sila at kapag ang pinagtatrabahuhan at ang mga kasama kulang sa malasakit mas lumalalim ang sakit kaya ilapit din natin sila kay Hesus at pag inyo silang nakakausap paalalahanan ninyo na si Hesus ay laging kasama,” dagdag ng cardinal.

Binigyang diin ni Cardinal Tagle na tulad ni Maria na patuloy nanalig sa Diyos sa kabila ng mga pighating naranasan ng ipako sa krus ang kanyang Anak.

Hamon ng cardinal sa mamamayan na huwag mag-alinlangang lumapit kay Hesus lalo na sa mga pagkakataong nakararanas ng paghihirap sa mga hamong kinakaharap sa buhay gayundin ang pagpapadama ng malasakit sa kapwa.

“Kapag tayo naman ang nilapitan dumamay naman tayo sa kapwa at kahit hindi tayo nilalapitan kapag alam niyo na mayroong nagdadalamhati tulad ni Hesus magkusa naman na magbigay ng kalinga, ng pagdamay,” giit ni Cardinal Tagle.

Samantala labis naman ang pasasalamat ni MCAP Parish Priest Fr. Jeffrey Jamias kay Cardinal Tagle na nanguna sa Misa Mayor sa ika – 32 kapistahan ng parokya gayundin sa lahat ng nasasakupang sumuporta sa mga gawain ng simbahan lalo na sa isang buwang paghahanda.

Patuloy din ang apela ng pari sa mamamayan ng panalangin at suporta sa ‘Project Resurrexit’ o pagsasaayos sa buong simbahan ng MCAP para sa mas ligtas at maginhawang pagtitipon ng pamayanan ng Maricaban sa pagdiriwang ng mga gawaing pampastoral at pang-espiritwal.

Sa mga nais makibahagi maaring makipag-ugnayan sa tanggapan ng parokya sa (02) 8811-4381 o sa BPI Magallanes Branch account name: RCAM – Mary Comforter of the Afflicted Parish – Construction, Peso Account Number: 3531-0090-44 o sa Dollar Accouunt Number: 3534-0242-57.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 25,356 total reads

 25,356 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 76,686 total reads

 76,686 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 124,557 total reads

 124,557 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 228,505 total reads

 228,505 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 313,303 total reads

 313,303 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top