Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 4,217 total views

Homily for the 23rd Sunday in Ordinary Time, 08 September 2024, Mark 7:31-37

Isang kasabihan sa Bibliya, ang chapter 3 ng Ecclesiastes ang pagkukuhanan natin ng inspirasyon para sa ating pagninilay sa ebanghelyo ngayon. “May tamang panahon para sa lahat ng bagay, panahon para sa bawat gawain sa mundong ibabaw…May panahon daw para magsalita, at panahon para tumahimik.”

Marami tayong mga salitang Tagalog na hiram sa Ingles. Tulad halimbawa ng salitang “tayming, tumayming”. Sa Ingles kasi, iba ang ibig sabihin ng “time” sa “timing”. Ang “time” ay ang eksaktong panahon o iskedyul para sa gawain—oras, petsa ng araw, buwan at taon. Ang “timing” ay ang pagtatakda sa mga ito—kung kailan ba napapanahon, kailan ba ito dapat gawin. Hindi ka magtatakda ng garden wedding reception sa panahon ng tag-ulan, di ba? Hindi bagay ang magsayawan ng disco sa gitna ng burol sa patay, di ba? Common sense lang madalas ang gumagabay sa pagdedesisyon natin kung ang isang bagay ay napapanahon o hindi—hindi mo itatakda ang isang gawain kung sa pakiramdam mo ay hindi pa ito napapanahon.

Pagnilayan natin ang dalawang tanong: kailan ba napapanahon para magsalita, at kailan napapanahon para manahimik?

Simulan natin sa una, ang panahon para magsalita. Maraming dahilan kung bakit tumatahimik ang tao. Kahit totoong kailangan natin ang pananahimik para mapayapa, makapagdasal, o makapag-isip-isip, minsan meron ding negative meanings ang pananahimik. Minsan mananahimik ang tao dahil natatakot siya, o nagtatampo. May kakilala ako—nagpapanic na daw siya kapag hindi na siya iniimik ng asawa niya. May ibig sabihin.

Sa mga malakihang proyektong katulad ng mga reclamation projects na kasalukuyang ginagawa sa Manila Bay—sino ba ang kinunsulta bago inapprove ang mga project? Tinanong ba ang mga mangingisda at magtatahong? Kaninong boses lang ang pinakinggan? Tinanong ba ang mga residente ng mga coastal cities na ngayon ay binabaha? Ang kawalan ng tinig kung minsan ay katumbas ng kawalan ng kapangyarihan o karapatan lalo na ng mga mahihirap—na magpahayag ng saloobin.

May mga taong hindi masabi ang ibig nilang sabihin sa gitna ng maraming tao. Kaya siguro isinantabi ni Hesus ang bingi’t pipi at hinarap niya ito nang sarilinan. Minsan nga napakalalim ng sugat at kahit sa sarilinan hindi mabuksan ang bibig ng taong may pingdaraanan. Ang hirap tulungan ng taong ayaw magbukas dahil nga nawalan na ng tiwala sa kapwa, di ba? Ano ang magagawa mo kung kahit alam mong hindi totoo, kahit kitang-kita mo sa mata ng kaibigan mo na nagdurusa siya, nagkukunwari pa rin siyang ok lang siya, kahit alam mong hindi. Na wala naman daw problema.
Madalas mangyari ang ganyan lalo na sa mga nakakaranas ng pang-aabuso o pangmamaltrato. At ikaw na ibig tumulong, parang ibig mong maghinagpis dahil helpless ka, parang wala kang magawa. Kaya siguro sinasabi sa ebanghelyo na napaungol si Hesus nang haplusin niya ang tenga at bibig ng taong matagal nang bingi at pipi. May mga sitwasyon na hindi madaling papagsalitain ang taong napipi dahil sa trauma. Ito ang nasabi minsan ng isang tao matapos na gawin niya ang lahat ng paraan para makumbinsi ang kaibigan niyang rape victim na magsalita. Ang kaibigan daw niyang dating masigla ay biglang naging parang tulala. Naiiyak daw siya na hindi na niya makausap na mabuti ang best friend niya. Parang nagsara na ito nang husto. Para gusto niyang isigaw: “Ano ang ginawa nila sa iyo?” Kaya siguro paungol na sinabi ni Hesus, “Mabuksan ka!”

Dumako naman tayo ngayon sa pangalawa: ang panahon para sa pananahimik.

Sa dulo ng kuwento sa ebanghelyo matapos papagsalitain ni Hesus ang dating pipi, binilinan naman daw niya ang mga tao na huwag na ipagsabi sa iba ang nangyari. In short, pinatatahimik sila. Pero kung kailan pinatatahimik ay lalo naman silang nag-ingay.

Sa buhay natin hindi naman talaga kailangang ipagsabi ang lahat kahit pa totoo, di ba? Kahit totoong may alitan sa pamilya ng isang kilalang Olympic gymnast, kailangan ba talagang ipost iyan sa social media at ipaalam sa publiko? Paano mo pagkatiwalaan ang mga taong walang pakundangan sa mga usaping “confidential”? Kaya nga siguro isinabatas ang tungkol sa “data privacy” ay para mapanagot ang mga walang paggalang sa privacy ng kapwa tao nila. Ang pagsasapubliko sa mga bagay na sensitibo ang madalas makasira sa mabuting pagsasamahan. Kung kelan yata sinasabing “atin-atin lang”, noon mas mabilis ang pagpapakalat ng tsismis at intriga.

Noong bumalik ang mga alagad galing sa misyon, excited silang magkuwento kaagad. Pero pinatahimik muna sila ng Panginoon. Pinapunta sa ilang na lugar. Madalas gawin ito ni Hesus, siya mismo. Nananahimik, bago magturo. Kung ibig natin maging makahulugan ang sasabihin natin, importanteng makinig muna, manahimik at mag-isip-isip bago magsalita. Masarap pakinggan ang mga taong may kuwenta ang ikinukuwento. Walang kuwenta ang kuwento kung walang punto o saysay, basta lang salaysay.

Sa araw na ito ng paggunita ng sa kaarawan ng Mahal na Birhen, si Maria ang gawin nating huwaran ng taong mahusay sa pakiramdaman—kung kailan ba napapanahon para tumahimik upang maunawaan ang kalooban ng Diyos at panahon para umawit ng Magnificat, at panahon upang ipahayag sa madla ang kagandahang-loob ng Diyos.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Hindi sapat ang kasikatan

 2,736 total views

 2,736 total views Mga Kapanalig, ngayong araw, ika-8 ng Oktubre, ang huling araw ng filing of certificate of candidacy (o COC) ng mga tatakbo sa halalan sa susunod na taon. Nagsimula ang pagtanggap ng COMELEC ng mga COC noong unang araw ng buwang ito. May napupusuan na ba kayo sa mga nais maging senador? Sa mga

Read More »

Deserve ng ating mga teachers

 10,051 total views

 10,051 total views Mga Kapanalig, bago matapos ang National Teacher’s Month noong Sabado, ika-5 ng Oktubre, na kasabay din ng World Teachers’ Day, may regalong ibinigay ang Department of Education (o DepEd) sa ating mga pampublikong guro. Sa bisa ng DepEd Order No. 13, maaari nang bigyan ang mga public school teachers ng hanggang 30 vacation

Read More »

Makinig bago mag-react

 60,375 total views

 60,375 total views Mga Kapanalig, nag-trending sa social media noong nakaraang linggo ang isang video kung saan makikitang nagkainitan sina Senador Alan Peter Cayetano at Senador Juan Miguel Zubiri habang naka-break ang sesyon nila. Makikita sa video ang kanilang sagutan at murahan, na muntikan nang umabot sa pisikalan. Ang kanilang pag-aaway ay kaugnay ng sampung Embo

Read More »

Protektahan ang mga mandaragat

 69,851 total views

 69,851 total views Mga Kapanalig, ayon sa Mga Awit 107:23-24, “Mayroong naglayag na lulan ng barko sa hangad maglakbay, ang tanging layunin kaya naglalayag, upang mangalakal. Nasaksihan nila ang kapangyarihan ni Yahweh, ang kahanga-hangang ginawa ni Yahweh na hindi maarok..” Ang salmong nabanggit ay malapít sa mga seafarers at masasabing mapalad sila dahil nakikita nila ang

Read More »

Interesado pa ba ang bise-presidente?

 69,267 total views

 69,267 total views Mga Kapanalig, dahil sa hindi pagsipot ni Vice President Sara Duterte sa deliberasyon ng inihahaing badyet ng kanyang opisina, mukhang hindi na raw interesado ang pangalawang pangulo sa kanyang trabaho. Dahil dito, baka pwede niyang ikonsiderang bumaba na lang sa puwesto. Iyan ang opinyon ni House Deputy Speaker at kinatawan ng ikalawang distrito

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

“IGLESIA SIN FRONTERAS”

 1,218 total views

 1,218 total views (CHURCH WITHOUT BORDERS/ BOUNDARIES) Homily for the 26th Sun in Ordinary Time (B), 29 September 2024, Mark 9:38-43, 45, 47-48 In today’s Gospel, Jesus is telling us something that we may find disturbing. Perhaps as disturbing as the words Pope Francis said when he visited Singapore recently, about other religions as “paths to

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

ANG PAG-IISIP NG DIYOS

 3,348 total views

 3,348 total views Homily for 24th Sun in Ordinary Time, 15 September 2024, Mk 8:27-35 Napagsabihan si Pedro sa ebanghelyo ngayon. Hindi daw ayon sa pag-iisip ng Diyos ang pag-iisip niya kundi ayon sa pag-iisip ng tao. Kung ako si Pedro baka nakasagot ako ng ganito: “with all due respect, Lord, paano akong mag-iisip na katulad

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

ANG KRUS NA SALAMIN

 3,348 total views

 3,348 total views Homiliya para sa Novena ng Santa Cruz, Ika-13 ng Setyembre 2024, Lk 6:39-42 Ewan kung narinig na ninyo ang kuwento tungkol sa isang taong mayaman ngunit makasarili. Dahil guwapo siya, matipuno at malusog ang katawan bukod sa successful sa career, mahilig daw siyang tumingin sa salamin para hangaan ang sarili. Minsan isang gabi,

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

LAW OF MOTION

 3,349 total views

 3,349 total views Homiliya para sa Huwebes sa Ika-23 Linggo ng Karaniwang Panahon, 12 Setyembre 2024, Lukas 6:27-38 Ang ebanghelyo natin ngayon ang siya na yatang pinakamahirap na doktrina ng pananampalatayang Kristiyano: MAHALIN ANG KAAWAY. Ito ang tunay na dahilan kung bakit nasasabi natin na MAS RADIKAL ANG MAGMAHAL. Mahirap kasing totohanin. Mas madali ang gumanti,

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

OPIUM OF THE PEOPLE

 3,345 total views

 3,345 total views Homily for Wed of the 23rd Wk in OT, 11Sept 2024, Lk 6:20-26 “It’s ok to suffer poverty and humiliation now. Anyway you will enjoy plenty and satisfaction in the hereafter…” Some Christians hold on to this kind of doctrine about a heavenly reward awaiting those who have suffered hell on earth. Is

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PANININDIGAN

 6,419 total views

 6,419 total views Homiliya para sa Ika-21 Linggo ng Karaniwang Panahon, 25 Agosto 2024, Juan 6: 60-69 Sa Misang ito ng ating Paggunita kay Santa Clara ng Assisi pagninilayan ang pagiging huwaran niya sa SAMA-SAMANG PAGLALAKBAY TUNGO SA KAGANAPAN NG BUHAY. Isa siya sa mga unang nagpahayag ng suporta kay Saint Francis nang talikuran nito ang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAKITA KITA

 6,452 total views

 6,452 total views Homiliya para sa Kapistahan ni San Bartolome, 24 Agosto 2024, Jn 1:45–51 “Bago ka tinawag ni Felipe NAKITA KITA sa ilalim ng puno ng igos.” Iyun lang ang sinabi ni Hesus. Hanggang ngayon hinuhulaan pa ng mga Bible scholars kung bakit napakatindi ng epekto ng sinabing iyon ni Hesus kay Nataniel o Bartolome.

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

DAMAY-DAMAY

 7,806 total views

 7,806 total views Homily for the Feast of the Queenship of Mary, 22 August 2024, Lk 1,26-38 Isa sa paborito kong kanta sa blockbuster comedy film “Sister Act” ni Whoopi Goldberg ay ang “Hail Holy Queen Enthroned Above”. Hindi alam ng marami na ang kantang iyon ay isa sa pinakamatandang panalangin tungkol kay Mama Mary. Kilala

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BAON SA BIYAHE

 8,903 total views

 8,903 total views Homily for the 20th Sunday in Ordinary Time, 18 August 2024, John 6: 51-58 Sa ating mga Katoliko, ang huling basbas sa mga malapit nang pumanaw ay hindi lamang sinasamahan ng kumpisal at pagpapahid ng langis. Kapag kaya pa ng maysakit, binibigyan siya ng komunyon at ang tawag dito sa wikang Latin ay

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MALASAKIT

 13,120 total views

 13,120 total views Homiliya sa Pyestang San Roque, 16 Agosto 2924, Mateo 25: 31-40 Isang art work ang tumawag-pansin sa akin minsan. Gawa ito sa brass o tanso, hugis-taong nakaupo sa isang park bench, dinadaan-daanan ng mga tao. Minsan tinatabihan siya ng mga gustong magselfie kasama siya. Malungkot ang dating ng sculpture na ito—anyo ng isang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PAGKAIN NG BUHAY

 8,839 total views

 8,839 total views Homily for the 19th Sunday in Ordinary Time, 11 August 2024, John 6:41-51 Kung minsan, may mga taong ayaw kumain, hindi dahil hindi sila nagugutom o wala silang ganang kumain kundi dahil wala na silang ganang mabuhay. Ganito ang sitwasyon ng propeta sa ating unang pagbasa ngayon. Nawalan na ng ganang mabuhay si

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

HANAPBUHAY

 10,209 total views

 10,209 total views Homiliya para sa ika-18 Linggo ng Karaniwang Panahon, 4 Agosto 2024, Juan 6:24-35 Sa Tagalog, “hanapbuhay” ang tawag natin sa trabahong pinagkakakitaan ng pera. Pero kung pera pala ang hinahanap, bakit hindi na lang tinawag na “hanap-pera” ang trabaho? Narinig ko ang sagot sa isang kargador sa palengke. Kaya daw hanapbuhay ang tawag

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MISSIONARY

 10,470 total views

 10,470 total views Homily for the Ordination of Hien Van Do, MJ and Dao Minh Pham MJ to the Presbyteral Ministry, 03 August 2024, Jn 15:9-17 87 MJ is your nomenclature for your identity as consecrated persons. Missionaries of Jesus. Let me share some thoughts on what, basically it means to be Missionaries of Jesus. It

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAKATATANDA

 19,163 total views

 19,163 total views Homiliya para sa World Day for Grandparents, 27 Hulyo 2024, Ika-17 Linggo ng Karaniwang Panahon, Juan 6:1-15 Ipinagdiriwang natin ngayon ang World Day for Grandparents and the Elderly. Ano sa Tagalog ang ELDERLY? NAKATATANDA. Kaya nagtataka ako kung bakit ina-associate ang pagiging matanda sa pagiging ulyanin o makakalimutin, gayong eksaktong kabaligtaran ang ibig

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

RICH SOIL

 10,758 total views

 10,758 total views Homily for the feast of Sts. Joachim and Anne, 26 July 2024, Mt 13:18-23 An elderly couple like Abraham and Sarah, that’s the kind of image that Christian tradition gives us of Joachim and Anne. They were a couple already resigned to their infertility, but were eventually blessed with a child in their

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top