4,563 total views
Paiigtingin ng Rural Missionaries of the Philippines (RMP) ang misyong paglingap sa pangangailangan ng mga mahihirap lalo sa mga liblib na lugar ng bansa.
Ito ang opisyal na pahayag ng organisasyon kasunod ng pagbasura ng Quezon City Metropolitan Trial Court sa kasong perjury na isinampa ni dating National Security Adviser Hermogenes Esperon laban sa sampung human rights defenders na kinabibilangan ni Sister Elenita Belardo, National Director ng Rural Missionaries of the Philippines (RMP) noong 2019.
Nagpaabot naman ng pasasalamat ang RMP sa makatarungang desisyon ni Judge Aimee Marie B. Alcera sa kaso at pagkilala sa malinis na intensyon sa kanilang misyon bilang lingkod ng Simbahan at tagapagsulong ng karapatang pantao.
“The Rural Missionaries of the Philippines affirm our commitment to service in “GOOD FAITH,” as Quezon City Court dismisses perjury charges against Sr. Elenita (Elen) Belardo, RGS. On Monday, January 9, 2023, the Rural Missionaries of the Philippines rejoiced as Judge Aimee Marie B. Alcera acquitted Sr. Elenita (Elen) Belardo and nine others of perjury charges levied by former National Security Adviser Hermogenes Esperon. We thank Judge Alcera for her wise judgment in determining that Sr. Elen had acted in good faith and in accordance with her understanding of the truth as the National Director of the Rural Missionaries of the Philippines in 2019.” opisyal na pahayag ng RMP.
Ayon sa RMP, ang desisyon ng korte sa nasabing kaso ay isang panibagong inspirasyon upang higit pang pag-ibayuhin ng organisasyon ang mahigit sa 53-taong misyong paglingap sa pangangailangan ng iba’t ibang mga mahihirap na sektor.
Nagpaabot rin ng pasasalamat ang R-M-P sa lahat ng nanalangin at tumindig para sa kanilang misyon bilang mga katuwang ng Simbahan sa pagpapalaganap ng Mabuting Balita ng Panginoon sa pamamagitan ng pagkakawanggawa at pagsasabuhay sa misyon na ibahagi si Hesus sa bawat isa.