Climate Change at Katiyakan sa Pagkain

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 685 total reads

Kapanalig, hindi kapalaran o parusa ang paghagupit ng mas malalakas na bagyo ngayon, o ng malawakang pagbaha dahil sa mas malaking volume ng ulan, o kaya ang mga matitinding tagtuyot. Mas extreme na ang mga weather events na ito dahil sa climate change. At tuwing mangyayari ito, ang laki ng epekto nito sa ating agricultural sector, na ating pangunahing pinagkukunan ng ating makakain.

Kailangan makita ng mas maraming mga Filipino ang ugnayan ng climate change at ng katiyakan sa pagkain sa ating bayan. Kapag naunawaan natin ito, siguro, mas mamahalin natin ang ating kalikasan, ang ating mundo. Kapag tunay nating maiitindihan ito, baka magbago din ang ating kilos ukol sa climate change, mula sa reaction, magiging prevention na at mitigation.

Ang climate change kapanalig, ay nagpapataas ng temperature ng mundo, nagpapadami ng ulan, at nagpapataas ng sea levels. Kung hirap na tayo sa mga epekto nito ngayon, mas magiging malala pa ito sa darating na panahon. Ayon nga sa isang report ng World Food Programme, mas dadami at dadalas pa ang pag-ulan sa maraming lugar sa Pilipinas mula 2022 hanggang 2050. At dahil dito, ang ating mga taniman ng bigas at gulay ay lubhang maapektuhan.

Ang mga pagbabagong ito ay may mga chain reaction na maaring makabawas sa ating food supply. Mas malaking problema ito dahil sa ngayon, export-oriented na nga ang bansa natin. At kapag nagkaroon ulit ng mobility restrictions, saan na tayo kukuha ng pagkain?

Tinatayang pagdating ng 2050, patuloy na tataas ang temperatura sa ating bansa. Kapag lumampas ng 30 degrees Celsius sa mga lugar na nagpo-produce ng bigas at taunang pananim, maaring mas madalas na ang mga plant diseases.

Kaya’t ngayon pa lamang sana ay makapaghanda na ang ating lipunan upang maiwasan natin ang pangyayari ito sa pamamagitan ng mga prevention, mitigation, at adaptation measures na tutugon sa mga epekto ng climate change sa ating agricultural sector. Kailangan magawa natin ito bago mahuli ang lahat. Umaabot na sa P463 billion ang pinsala ng mga extreme weather events sa ating bansa sa nagdaang dekada.

Kaya nga’t ang Simbahan ay lagi sa ating nagpapa-alala ukol sa mga epekto ng climate change. Dinggin sana nating ang sinabi ni Pope Francis sa kanyang mensahe noong Celebration of the World Day of Prayer for the Care of Creation 2022: “The poor feel even more gravely the impact of the drought, flooding, hurricanes, and heat waves that are becoming ever more intense and frequent… The present state of decay of our common home merits the same attention as other global challenges such as grave health crises and wars.” Ang ating obligasyon bilang protektor ng ating kalikasan ay hindi opsyonal, kapanalig. Ito ay kabahagi ng ating pagkatao at ng ating pananalig.

Sumainyo ang Katotohanan.

Baby Bishop course sa Vatican, nagsimula na

 28,717 total reads

 28,717 total reads Ibinahagi ni Radio Veritas Vatican Correspondent Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston, Rector ng Pontificio Collegio Filipino sa Roma ang pagsisimula ng formation course

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 178,245 total reads

 178,245 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 212,920 total reads

 212,920 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 228,820 total reads

 228,820 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 265,306 total reads

 265,306 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 273,171 total reads

 273,171 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kahirapan sa bansa

 178,246 total reads

 178,246 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 212,921 total reads

 212,921 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 228,821 total reads

 228,821 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 265,307 total reads

 265,307 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »
Scroll to Top