5,212 total views
Nagpahayag ng suporta ang Commission on Human Rights sa bagong programa ng Department of Agriculture (DA) at Bureau of Corrections (BuCor) para sa mga Persons Deprived of Liberty (PDL) o mga bilanggo.
Suportado ng C-H-R ang Reformation Initiative for Sustainable Environment for Food Security (RISE) project na magbibigay ng pagkakataon sa mga bilanggo na makatulong at makapag-ambag sa mga gawaing agrikultural para matiyak ang seguridad ng pagkain sa bansa.
Itinuring ng komisyon na isang magandang pagkakataon ang naturang proyekto upang matuto ng mga bagong kaalaman ang mga bilanggo partikular na sa larangan ng argikultura.
“CHR welcomes this collaboration between the two government bodies, which implements a positive and holistic approach on rehabilitation by offering valuable prospects for PDLs. The RISE project offers them the opportunity to acquire new skills, to use their potential to contribute to the country’s agricultural and food future, and in the long term to reintegrate more easily into our society.” ang bahagi ng paghayag ng CHR.
Umaasa naman ang CHR na kasabay ng nasabing programa ay matutukan at mabigyan din ng pansin ang nutrisyon ng mga bilanggo sa buong bansa.
Nakapaloob sa Reformation Initiative for Sustainable Environment for Food Security (RISE) ng Department of Agriculture at Bureau of Corrections (BuCor) ang paggamit sa mga bakanteng lupa ng piitan bilang agricultural zones na mapagtaniman ng mga produktong pang-agrikultura.
Nasasaad sa panlipunang katuruan ng Simbahan na ang bilangguan ay dapat na magsilbing pansamantalang tuluyan ng mga naligaw ng landas sa lipunan at nararapat na maging daan sa muling pagbabalik ng kabutihan sa puso at isip ng mga nagkasala