Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 96,011 total reads

Maliit man ang kabuhayan, ito naman ang pinanggagalingan ng yaman ng maraming pamilyang Pilipino. Ang small business, kapanalig, ay karaniwang source of livelihood na natin. Minsan ito na ang main source of income, minsan, side gig lamang ito para may pandagdag pang-gastos.

Ang kasabihan na ang maliit ay nakakapuwing ay totoo pagdating sa negosyo sa Pilipinas. Ito ay dahil sa mahigit isang milyong business establishments sa bayan, 99.59% ay mga micro, small, at medium enterprises. Sila na halos ang buong merkado ng bayan. Sila na rin ang pangunahing employer ng bansa. Dahil sa laki ng kanilang ambag, di ba’t marapat lamang na bigyan sila ng ibayong suporta?

Kapanalig, isa sa mga pinaka-kailangang suporta ng mga small businesses ngayon ang availability ng loans na maliit lamang ang interes. Maraming pautang sa ating bayan kapanalig. Sa ngayon nga, maraming negosyante sa bumbay o 5/6 kumakapit pag gipit. Madali man silang makakuha ng pera sa ganitong mga sources, nahihirapan naman sila magbayad. Ang laki kasi ng interes, kahit barya barya lamang ang babayaran mo kada araw.

Kapag sa mga pormal na ahensya naman sila pupunta para sa credit o financing, matagal na, mataas pa rin ang interes. Nakapagtataka nga bakit hindi mabilis ang loan para sa mga small businesses, gayon alam naman ng lahat na pinapaikot lamang ang pera sa ganitong negosyo, at sa mga araw na walang pampa-ikot, close shop ka, at walang kita. Kapag pupunta ka sa bangko o sa gobyerno, matagal ang proseso. Gagastos ka na sa pamasahe at loan fees, hindi mo pa rin mabubuksan ang negosyo dahil hindi agad mahahawakan ang inutang.

Maliban sa financing, isa ring magandang suporta para small businesses ay digitization. Malaking tulong ito para sa pag monitor ng stocks, pasweldo ng tao, at para din sa promotion upang lumaki pa ang merkado. Maganda rin ito dahil pag digitized sila, mas madali nilang mamomonitor ang pasok at labas ng kita.

Kailangan din na mabigyan natin ng mga training programs ang mga MSMEs para mas maayos pa nilang mapatakbo ang kanilang negosyo. Maaaring masimulan ito sa financial literacy training sessions upang masuportahan ng kaalaman ang kanilang mga business goals, at matuto silang mag impok at maghanda para sa krisis, pag-utang, at pati na rin retirement.

Isa pang mahalagang tulong sa mga maliliit na negosyo, kapanalig, ay pwesto. Ang dami nais magnegosyo pero hindi magawa dahil walang pwestong malapit sa kanilang merkado. Kung ang mga local governments ay maglalaan ng mga abot-kayang pwesto para sa mga small businesses gaya ng mga appliance repair, pagtitinda ng iba ibang items, makakatulong ka na sa negosyante, mapapalapit mo pa ang serbisyo sa mamamayan.

Ang mga MSME ng bayan ay ang working class – na siyang nagtataguyod ng ating bayan. Sabi nga sa Rerum Novarum, bahagi ng panlipunang turo ng Simbahan, sila ang nagpapayaman ng ating bayan. Makatarungan lamang na atin silang suportahan upang makinabang din sila sa yamang kanilang inaalay sa ating bayan.

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 28,153 total reads

 28,153 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 114,566 total reads

 114,566 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 161,305 total reads

 161,305 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 209,177 total reads

 209,177 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 311,743 total reads

 311,743 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

MADALDAL KULANG SA GAWA

 28,154 total reads

 28,154 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 114,567 total reads

 114,567 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 161,306 total reads

 161,306 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 209,178 total reads

 209,178 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »
Scroll to Top