Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 84,953 total reads

Kapanalig, sang-ayon po ba kayo na isa ito sa character traits nating mga tao. Ang mali ay pilit ginagawang tama, laganap ito sa alin mang ahensiya ng pamahalaan, local government units, sa pribadong sektor, sa lansangan, sa pamayanan, negosyo maging sa loob ng tahanan.

Ang nakakalungkot, madalas itong ginagawa sa executive branch tulad ng budget insertions, re-alignments ng public punds, pork barrel na ginawang line budgeting,sa judiciary may palusot din at ang latest na pinaka-lantaran sa legislative branch of government. Ang mga mambabatas na dapat gumagawa ng batas ang unang lumalabag sa batas.

Tulad ng panukalang divorce…Nakasaad sa 1987 Philippine Constitution o Saligang Batas ng Pilipinas, Article XV(The Family) Section 1. The State recognizes the Filipino family as the foundation of the nation. Accordingly, it shall strengthen its solidarity and actively promote its total development.

Section 2. Marriage, as an inviolable social institution, is the foundation of the family and shall be protected by the State.

Sa madaling salita, anumang divorce law ay labag sa Saligang Batas hangga’t hindi naamyendahan ang Article 15, Section 1 at 2 ng 1987 constitution at The Family Code of the Philippines Chapter 3 Section 39 amended by Republic Act (RA)8533.

Sa kabila ng katotohanang labag sa Saligang Batas ang divorce… nangibabaw pa rin ang hangaring makalusot, madaan sa teknikalidad, walang makapansin at walang kokontra.

Nakalusot na sana… Ang Absolute divorce bill ni Albay Representative Edcel Lagman, inaprubahan ito sa third at final reading sa Mababang Kapulungan ng Kongreso sa botong 126 Yes, 109 no votes at 20-abstentions noong ika-22 ng Mayo 2024. Sa nasabing botohan, hindi naipasa ang panukalang batas dahil hindi umabot sa majority ang YES votes.

Gayunman, kinabukasan May 23, 2024 lumabas sa record ng House of the Representative Secretary General na nabago ang bilang at naging 133 ang YES votes, 109 no votes at 20- abstention para ideklarang pasado ang divorce bill sa ikatlo at huling pagbasa. Agad na pinansin ni dating Senate President Vicente Tito Sotto ang dagdag bawas sa botohan kaya napurnada ang pag-transmit ng panukalang batas sa Senado.

Kapanalig, ang kontrobersiya sa botohan ay isang panlilinlang sa mamamayang Pilipino. Huwag nating hayaang mawala ang ating digdinad bilang Pilipino at pagiging tao.

Sa kasalukuyan, ang Pilipinas at Vatican na lamang ang mga bansang walang diborsyo.

Sa kanyang pastoral exhortation na “Amoris Laetitia”, pinanindigan ni Pope Francis na labag sa church law ang divorce kung saan ang mga mag-asawang nag-divorce at nag-asawang muli ng walang catholic annulment ay nagkasala ng adultery at hindi maaring tumanggap ng communion.

Patuloy naman ang panawagan ng kalipunan ng mga Obispo ng Pilipinas sa mga mambabatas at pamahalaan na lalong patatagin ang pamilyang Pilipino sa halip na sirian. Nanindigan ang simbahan na hindi diborsyo ang tugon sa suliranin ng mga mag-asawa.

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 60,676 total reads

 60,676 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 139,699 total reads

 139,699 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 173,144 total reads

 173,144 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 208,442 total reads

 208,442 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 432,519 total reads

 432,519 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

WALANG KAHIHIYAN

 60,677 total reads

 60,677 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 139,700 total reads

 139,700 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 173,145 total reads

 173,145 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 208,443 total reads

 208,443 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »
Scroll to Top