10,703 total views
Tiniyak ng Father Anton CT Pascual, pangulo ng Radio Veritas na palalakasin pa ng himpilan ang pagpapalaganap ng katotohanan sa lipunan.
Ito ang mensahe ng Pari sa pagbabasbas sa itinatayong transmission site ng Radio Veritas sa Barangay Longos, Meycuayan Bulacan na dinaluhan ng mga opisyal ng lokal na pamahalaan, mga Pari at kawani ng Archdiocese of Manila at Broadcast World Philippines.
Ayon kay Fr.Pascual, sa pamamagitan ng bagong transmitter ay lalong mapaigting at mapalawak ang pagpapalagap ng new evangelization ng Radyo ng Simbahan.
“Alam naman po natin tayo po ay lumipat ng antenna dito sapagkat sa Barangay Taliptip ay ginagawa po yung international airport, kaya tayo po ay lumipat dito sa Barangay Longos, upang itayo ang ating transmitters, upang ipagpatuloy ang ating evangelization program ang pagpapalaganap ng katotohanan, pag-ibig ng Diyos, pagliligtas ng Panginoong Hesukristo sa pamamagitan ng radyo at social media,” pahayag ni Fr.Pascual
Labis naman ang kagalakan ni Father Roy Bellen, Vice-president for Operations ng Radio Veritas sa blessing ng bagong transmitter site na inaasahang matatapos sa Setyembre ngayong taon.
Naniniwala si Fr.Bellen na maihahatid ng Radio Veritas sa mas maraming mamamayan sa bansa at ibayong dagat ang mensahe ng katotohonan, mensahe ng pag-asa at inspirasyon.
“Siguro po, alam naman niyo, hindi po madali ang buhay at panahon po gayung may mga pagsubok po siya pero patuloy po tayo sa kabila ng mga economic, yung atin pong mga pagsubok sa pulitika, even po yun pong bagyo, yung some say ecological challenge ang lahat po ng ito ay bahagi po ng ating buhay, pero amidst it all sa kabila po ng lahat, tayo po ay naghihiling sa ating paggawa, pagtupad ng atin pong misyon, ipaahayag ang katotohanan, ang mabuting balita, maghatid po ng pag-asa at ng inspirasyon, kaya po samahan niyo po kami palagi, tayo po ay mag-pray pareho,” ayon naman sa panayam ng Radio Veritas kay Fr.Bellen.