Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 55,435 total views

Mga Kapanalig, may misteryong sinusubukang lutasin ang ating mga senador habang dinidinig nila ang isyu ng mga Philippine Offshore Gaming Operators (o POGO) sa Pilipinas, partikular na sa probinsya ng Tarlac. 

Iniuugnay kasi sa mga ito ang alkalde ng bayan ng Bamban, Tarlac na si Mayor Alice Leal Guo. Nasa kanyang bayan kasi ang tatlong POGO na nagsasagawa diumano ng paniniktik o surveillance activities, kasama ang pag-hack sa mga government websites. Nangangamba si Senate Deputy Minority Leader Risa Hontiveros na ginagamit ang mga POGO upang tiktikan ng mga dayuhan ang ating bansa, at malaking banta ito sa ating seguridad. 

Dumadagdag sa pangambang ito ang mga ugong-ugong na hindi tunay na Pilipino si Mayor Guo. Sa kanyang birth certificate, Pilipino raw ang kanyang tatay. Sa mga dokumento sa kanilang negosyo, Chinese naman. Ayon sa alkalde, half-Filipino at half-Chinese ang kanyang ama.

Hindi rin niya masagot ang tanong kung saan siya ipinanganak. Ipinagtataka rin ang petsa ng registration ng kanyang pagsilang. Ipinanganak siya noong 1986 pero umabot ng 17 taon bago siya ikinuha ng birth certificate. 

Tungkol naman sa kanyang pag-aaral, ipinaliwanag ng alkalde na nag-homeschool siya. Hindi siya pumasok sa paaralan kaya wala siyang school records. Hindi rin daw siya nagkolehiyo. Gayunman, hindi maalala ni Mayor Guo kung sino ang kanyang homeschool provider. 

Sa pagsasaliksik daw na ginawa ng opisina ni Senador Hontiveros, mismong mga taga-Bamban ang nagsabing bigla na lang daw lumutang ang pangalan ni Mayor Guo noong nakaraang eleksyon. Sa kabila nito, nakakuha siya ng mahigit 16,000 na boto at naging unang babaeng mayor ng Bamban. 

Hindi kaya ito ang mas nakababahala? Nanalo ang isang kandidato kahit hindi siya lubos na kilala ng mga botante sa isang maliit na bayan. Nakuha niya ang boto—at tiwala—ng mga tagaroon kahit walang mga public records na nagpapatunay ng kanyang pagiging mamamayan ng Pilipinas. 

O baka nanalo siya dahil iniugnay ng mga tao sa kanya ang sa tingin nila ay pag-unlad ng Bamban. Salamat sa mga POGO roon. Sinasabi ring nakatulong sa positibo niyang imahe ang pamimigay ni Mayor Guo bago tumakbo sa pulitika ng cake sa mga senior citizen at ng bulaklak para makiramay sa mga namatayan. Saan man nanggaling ang perang ginamit niya para simulan ang mga negosyong ito at mamigay sa mga tao, baka pinipili pala talaga ng mga botante ang “mabait”, “mapagmalasakit”, at “may magandang-loob” kahit “bagong sulpot” sa kanilang lugar ang isang kandidato.

Sa isang banda, hindi natin masisisi ang mga taga-Bamban kung naging mas matimbang para sa kanila ang mga ganitong ginawa ni Mayor Guo. Baka ngayon lang nila iyon naranasan. Sa kabilang banda, sinasalamin nito ang pananaw ng mga tao sa pulitika, na makikita naman sa kung paano bumuboto ang mga botante. Talo ng personalidad ang pagkakaroon ng malinaw na programa. Talo ng magandang imahe ang pagkakaroon ng integridad. Talo ng pagiging sikat ang pagkakaroon ng malinis na hangarin.

Mga hamon ito sa pulitika at hindi madaling harapin ang mga ito, lalo na kung gusto nating makamit ang sinabi ni Pope Francis na “a better kind of politics.” Ang ganitong pulitika raw ay tunay na naglilingkod para sa kabutihang panlahat o common good. Hindi ito makakamit kung ang interes at imahe ng pulitko ang nangingibabaw sa pulitika, at mas malala pa kung may kasama itong panloloko at panlilinlang. “Walang pamahalaang hindi mula sa Diyos,” wika nga sa Roma 13:1, kaya hindi dapat ito hayaang gamitin sa maling paraan.

Mga Kapanalig, hindi malayong nangyayari sa ibang panig ng bansa ang nangyayari sa Bamban, Tarlac. Sa inyong bayan, paano kayo bumoto? Tingnan ang mga nakaupo ngayon sa puwesto.

Sumainyo ang Katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

‘Buwis-buhay’ para sa mga PWD

 12,459 total views

 12,459 total views Mga Kapanalig, nag-viral ang PWD ramp sa isang istasyon ng EDSA Busway sa Quezon City. Sa inauguration na ginawa ng Department of Transportation at Metropolitan Manila Development Authority (o MMDA), maraming nakapansing tila masyadong matarik at madulas ang bagong rampa  para mga persons with disability (o PWD). Batay sa Batas Pambansa (o BP)

Read More »

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 19,940 total views

 19,940 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »

Green Transport

 33,080 total views

 33,080 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 39,053 total views

 39,053 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 44,807 total views

 44,807 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

‘Buwis-buhay’ para sa mga PWD

 12,460 total views

 12,460 total views Mga Kapanalig, nag-viral ang PWD ramp sa isang istasyon ng EDSA Busway sa Quezon City. Sa inauguration na ginawa ng Department of Transportation at Metropolitan Manila Development Authority (o MMDA), maraming nakapansing tila masyadong matarik at madulas ang bagong rampa  para mga persons with disability (o PWD). Batay sa Batas Pambansa (o BP)

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 19,941 total views

 19,941 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Green Transport

 33,081 total views

 33,081 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inclusive Education

 39,054 total views

 39,054 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sports at Kabataan

 44,808 total views

 44,808 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 41,014 total views

 41,014 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 42,098 total views

 42,098 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 37,479 total views

 37,479 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 49,483 total views

 49,483 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 57,525 total views

 57,525 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 49,082 total views

 49,082 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 47,507 total views

 47,507 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 49,293 total views

 49,293 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 46,218 total views

 46,218 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 60,532 total views

 60,532 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top