Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 3,582 total views

Homiliya para sa Kapistahan ng Panginoong Hesukristo bilang Paring Pang-magpakailanman, 23 Mayo 2024, Mk 14:22-25

SACERDOTE: Ito ang tawag sa mga sinaunang pari. Mula ito sa salitang Latin na SACERDOS , ibig sabihin—sagradong regalo o banal na handog. Siguro dahil ang papel ng mga pari sa templo ay ang mag-alay sa Diyos ng mga handog na sakripisyo alang-alang sa bayan. Trabaho nila ang alagaan ang relasyon ng Diyos sa Israel, na tinatawag nilang Tipanan o kasunduan (covenant). Sila ang nagsisilbing tagapagkasundo; nag-aalay sila ng sakripisyo para ipakipagkasundong muli sa Diyos ang mga pasaway, o ang mga nawalay sa Diyos dahil sa pagkakasala, o dahil sa kanilang paglabag sa tipanan.

Sa katagalan ng panahon, unti-unting parang nawalan ng kahulugan ang pag-aalay ng bayang Israel ng mga handog sa Diyos. Maraming beses ngang binatikos ito ng mga propeta sa lumang tipan, tulad nina Isaias, Micaias, Amos, Jeremias, atbp. Sa Salmo 51:18-19, ganito rin ang sinasabi ng awtor: “Hindi mo ikinatutuwa ang aming mga sakripisyo, ang aming mga susunuging handog hindi mo ikinaliligayang tanggapin. Ang sakripisyong hinihingi mo ay isang kaloobang wagas na nagsisi, isang pusong dalisay at pakumbaba, ito O Diyos ang hinahanap mo.”

Kaya pala parang naging negatibo na ang kahulugan ng pagkapari at pag-aalay ng sakripisyo sa Bagong Tipan, lalo na sa mga ebanghelyo. Hindi ba sa ikinuwento ni Hesus na Parable of the Good Samaritan, ang ginawa niyang bida ay hindi iyung pari at Levita na naglilingkod sa templo? Sila pa nga ang ginawa niyang halimbawa ng kawalan ng malasakit. Kaya hindi ako nagtataka na sa bandang huli, mga saserdote ng templo ang nakabangga ni Hesus at naging kaaway niyang mortal. Di ba minsan, pinagtataboy ni Hesus ang mga namimili at nagbebenta ng mga hayop at kalapati sa may patio ng templo? Sa galit ng mga pari, minabuti nilang ipapako sa krus ang Nazarenong nanggugulo.

Parang inulit ni Hesus ang mensahe ng mga sinaunang propeta: kung inaakala ninyong sapat na ang mga sakripisyong sinusunog ninyo para pagtakpan ang inyong mga kasalanan, nagkakamali kayo.
Sa unang pagbasang narinig natin mula sa sulat sa mga Hebreo doon lang matatagpuan ang isang positibong kahulugan ng pagkapari at doon lang iniuugnay ito kay Kristo. Sabi ng manunulat, nawalan daw ng saysay ang paghahandog-sakripisyo ng lumang pagkapari dahil kailangan itong ulit-ulitin, sapagkat paulit-ulit ding nagkakasala ang tao at hindi sapat na kabayaran ang dugo ng mga hayop na kanilang isinasakripisyo. Sa ginagawang pagkatay at pagpapadugo ng mga pari ng templo, hindi naman nasasaktan ang taong nagkasala o ang paring nag-aalay. Isa lang ang nasasaktan: ang korderong isinasakripisyo.

Ito babaguhin ng pagkapari ni Kristo. Siya ang nag-aalay ng sakripisyo, pero wala siyang ibang iaalay na sakripisyong kundi ang sarili niya, buhay niya, katawan at dugo niya. Sabi ng sulat sa mga Hebreo, siya lamang, at wala nang iba, ang tunay at natatanging pari. Hindi niya sasabihin sa taong nagkasala, ipag-aalay kita ng tupa o kordero. Sa halip, ang sasabihin niya ay, ako ang pari, ngunit ako rin ang kordero, ako ang tagapag-alay ngunit ako rin ang handog na iaalay; wala akong ibang alay na ihahandog kundi sariling buhay ko. Ito ang ibig sabihin ng pagkapari ni Kristo. At lahat tayo, hindi lang kaming mga inordinan ang tinawag para makibahagi sa pagkapari ni Kristo, kundi lahat tayo.

Kaya tayo nagmimisa, para matutunan nating mag-alay nang tama. Noon pa mang unang panahon, pinoproblema na ng tao ang maiaalay niya sa Diyos, kung ano ba ang dapat niyang ihandog na ikatutuwa ng Diyos. Akala nila sapat na iyong IKAPU, o mga gulay at karne, o salapi na inihuhulog sa kahon. Kailan tayo tunay nakikiisa sa pagkapari ni Kristo? Kapag ang natututuhan nating ialay ay hindi salapi, hindi ikapu, hindi mga hayop at gulay, hindi ari-arian, kundi SARILING BUHAY, BUONG BUHAY NATIN.

Naipahayag na rin iyon sa isang orakulong binigkas ni propeta Mikaias bilang sagot sa tanong ng mga sumasamba sa templo: “Ano ang maiaaalay ko sa Diyos sa aking pagsamba? Anong klaseng handog ang ikatutuwa niya? “ At ang sagot ay, “Matagal nang ipinaalam sa iyo o tao kung ano ang mabuti, kung ano ang hinihingi ng Diyos sa iyo: ‘Ang maging makatarungan, ang pumanig sa kabutihan, at lumakad nang may kababaang loob na kapiling ang Diyos.”

 

[smartslider3 slider="20"]

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 136,597 total views

 136,597 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 144,372 total views

 144,372 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 152,552 total views

 152,552 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 167,169 total views

 167,169 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 171,112 total views

 171,112 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »

Related Story

Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

“HUDYO” AT “ROMANO”

 2,424 total views

 2,424 total views Homiliya para sa Huwebes sa Panlimang Linggo ng Kuwaresma, 10 Abril 2025, Jn 8:51-59 Sa kadahilanang hindi sinasadya, alam n’yo ba na naging

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

PAGSAMBANG NAGPAPALAYA

 2,426 total views

 2,426 total views Homiliya para sa Miyerkules ng Ika-5 Linggo ng Kuwaresma 9 Abril 2025 | Dn 2:14–20, 91–92, 95; Jn 8:31–42 Sapat na sana para

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

IPAMUKHA

 2,593 total views

 2,593 total views Homiliya para sa Martes sa Panlimang Linggo ng Kuwaresma, Bilang 21:4-9; Juan 8:21-30 Mula sa krus, isa daw sa mga huling salita na

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

AT YUMUKO SIYA

 3,139 total views

 3,139 total views Homiliya para sa Ikalimang Linggo ng Kuwaresma, Ika-6 ng Abril 2025, Juan 8:1-11 Dalawang beses daw yumuko si Hesus. Una, nang iharap ang

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

PAKIUSAP

 3,789 total views

 3,789 total views Homiliya Para sa Huwebes sa Pang-Apat na Linggo ng Kuwaresma, 3 Abril 2025, Eksodo 32:7-14; Juan 5:31-37 Kung masakdal sa Korte ang isang

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

THE FATHER WHO GOES OUT

 10,974 total views

 10,974 total views A Laetare Sunday Reflection on the Parable of the Prodigal Son (longer version)   Introduction: Rejoice, Return Home! Laetare Sunday – the Fourth

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

AS YOURSELF

 5,682 total views

 5,682 total views Homily for Fri of the 3rd Wk of Lent, 28 Mar 2025, Mk 12:28-34 Love your neighbor AS YOURSELF. We often misread this

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

MATINIK

 9,435 total views

 9,435 total views Homiliya para sa Unang Linggo ng Kuwaresma, 9 Marso 2025, Lk 4:1-13 Pumasok na tayo sa panahon ng kuwaresma noong nakaraang Miyerkoles ng

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

PAGLULUKSA AT PAG-AAYUNO

 8,566 total views

 8,566 total views Homiliya para sa Biyernes matapos ang Miyerkoles ng Abo, 7 Marso 20245, Mt 9:14-15 “Pwede bang MAGLUKSA ang mga bisita sa kasalan habang

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

PAKITANG-DIYOS

 8,402 total views

 8,402 total views Homiliya para sa Miyerkoles ng Abo, 5 Marso 2025, Mt. 6:1-6, 16-18. Para hindi tayo maligaw tungkol sa sinasabi ni Hesus sa binasa

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

WATCH YOUR WORDS

 9,815 total views

 9,815 total views Homily for the 8th Sunday in OT, 2 Mar 2025, Lk 6:39-42 I woke up this morning wondering why the sound track of

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

PUTULIN?

 11,811 total views

 11,811 total views Homiliya para sa Huwebes sa Ikapitong Linggo ng Karaniwang Panahon, 27 Pebrero 2025, Mk 9:41-50 Ang pinaka-susi para maintindihan ang ipinupunto ng ating

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

PAGPAPAKITA NG MGA BANAL

 9,050 total views

 9,050 total views Homiliya para sa Pyesta ng Birhen ng Kapayapaan Mission Station, Letre, Malabon city, Pebrero 25, 2025, Roma 8:28-30; Lucas 1, 26-38 Sana merong

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

IRONY

 10,375 total views

 10,375 total views Homily for Friday of the 6th Wk in OT, 21 Feb 2025, Gen 11:1-9 & Mk 8:34-9:1 “What profit is there to gain

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top