Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 12,231 total views

Homiliya para sa Bihilya sa Kapistahan ni “San Antonio de Padua,” Miyerkoles sa Ikasampung Linggo ng Karaniwang Panahon, 12 Hunyo 2024, Mat 5, 17-19

Salamat sa Marian pilgrimage ng Kaparian ng Kalookan, bukod sa dalaw namin sa lugar na pinangyarihan ng aparisyon ng Birhen sa Fatima, nakadalaw din kami sa bayan ng ating Mahal na Patron na kilala natin bilang San Antonio de Padua. Hindi pala siya taga-Padua sa Italia; taga-Lisbon pala siya, ang capital ng Portugal. Si Pope Francis nga mismo ang tumawag pansin tungkol sa tunay na nationality niya, at nagtama sa maling akala ng marami na siya ay Italiano; Portugues pala siya. Pero totoong doon sa Padua siya sumikat at nakilala nang husto dahil sa pangangaral niya kay Kristo, na napakatindi ng naging epekto sa mga nakarinig sa kanya.

“Patron saint of the Lost” ang turing sa kanya ng mga Katoliko. Sa Tagalog, maraming posibleng translation para sa LOST: pwedeng NAWAWALA, pwedeng NAGWAWALA, at pwede ring NAWAWALAN (lost things, lost people, and losers). At totoong marami daw natulungan si San Antonio sa mga taong nakaranas ng PAGKAWALA, PAGWAWALA, AT PAGKAWALAN.

Noong huling biyahe ko sa Amerika, pauwi na sana ako Pilipinas, sakay ng kotse ng bunso kong kapatid para ihatid sa airport ng Los Angeles nang maisip kong kapain ang suot kong jacket at mapansin na wala sa bulsa ang aking passport. Namutla ako at nagpanic kaagad. Napansin ng kapatid ko. “Passport mo?” tanong niya. Sabi ko, “Dito ko lang nilalagay sa bulsa ng jacket ko. Pero ngayon wala dito. Di kaya nahulog?” Napatingin siya sa akin. Sabi niya, “Isipin mong mabuti kung saan mo huling inilagay, baka na-misplace mo lang.” Pagdating sa parking ng airport binulatlat ko lahat, wala talaga. Pumunta ako sa booking desk at sinabing palipad sana ako sa flight na iyon pero lost ang passport ko. Advice nila: punta daw ako sa Consulate sa LA, ireport agad ang lost passport at humingi ng termporary travel document at ire-rebook nila ang ticket ko.

Siyempre, hindi ako nakasakay. Bumalik kami sa bahay, hanap nang hanap kung saan saan. Wala talaga. Dumating ang ate ko, siya naman ang tumulong para makapasok ng trabaho si bunso at makapunta kami sa Consulate. Habang daan, sa kotse, nagdasal ako sa Panginoon at humingi ng tulong kay San Antonio. Matapos makapagdasal, sabi ko kay ate, “Dito ko lang naman sa bulsa ng jacket kong pambiyahe laging nilalagay ang passport ko. Baka nahulog sa airport doon pa sa Orlando na pinanggalingan ko. Kasi nainitan ako bago pa ako sumakay doon, kaya hinubad ko muna ang jacket ko at isinuot ko lang ulit pagdating sa LA, noong sunduin mo ako.” Sabi ni ate, “Teka, Americana ang suot mo noong dumating ka, hindi jacket. Sabi ko pa nga, ang formal ng itsura mo.” Sabi ko, “A, oo nga. Kasi dumiretso na agad ako sa airport pagkatapos ng Conference at nasa lobby na ang bagahe ko, kaya mula sa Orlando, hindi jacket kundi Americana ang suot ko.” At noon lang bumalik ang sandaling nawala sa alaala ko: inilipat ko pala ang passport ko mula sa bulsa ng jacket at nilagay sa bulsa ng Americana na suot ko pagdating sa LA at isinabit sa coat closet sa bahay ni bunso, at nakalimutan kong isama sa inimpake ko, dahil ngayon jacket na ang suot ko.

Tawag agad ako sa bahay ng bunsong kapatid, nandun ang anak niya, “Hi Reece, would you kindly check if my black suit is inside your closet next to the entrance door, and if my passport is in its pocket?” Di niya binitawan ang cellphone, “Yes, Tito Ambo, your black suit is here. Yes, your passport is in its left pocket.” Ay salamat, San Antonio! Ano ang nawala na tinulungan niya akong matagpuan? Ang focus o composure ko. Inalis muna ang panic o pangamba para maibalik sa alaala ko ang naiwan na Americana. Hindi pala passport ang pananadaliang nawala kundi memory, alaala.

Madalas mangyari ang ganoon sa atin. Ganyan sa ating first reading. Parang nawala na sa alaala ng Israel ang kanilang Diyos na si Yahweh. Dahil sa takot nila sa hari na sunud-sunuran kay Reyna Jezebel na sumasamba sa Diyos-diyosan na si Baal. Dahil pinapatay ni Jezebel ang lahat ng propeta at wala nang natira kundi si Elias, at ang ipinalit ay mga bulaang propeta ni Baal. Kung ano-ano pang gimmick ang ginawa ng mga propeta ni Baal pero walang epekto; nahibang lang sila at lalong nawala sa sarili pero walang Diyos na tumanggap sa mga alay nila. Si Elias, tumahimik lang at nanalangin; sapat na iyon para sumiklab ang apoy mula sa langit at upang mawala rin ang pagkahibang ng bayang Israel at matagpuan nilang muli ang Diyos na tinalikuran nila.
Sa ebanghelyo, ito rin ang punto ni Hesus. Hindi daw siya dumating para pawalan ng bisa ang batas kundi para tuparin ito. Wala nang natira kundi letra ng batas na hindi na nagpapalaya; naging parang pabigat na lang ito sa buhay nila. Ang tunay na nawala na siyang mas importante ay ang DIWA NG BATAS. Ito rin sana ang maging panalangin natin para sa mga mambabatas ng ating bansa ngayong pinagtatalunan nila ang Absolute Divorce Bill. Madali lang naman ang gumawa ng batas, pero kapag diwa ang nakalimutan, kahit batas ay pwedeng maging sagabal o hadlang imbes na maging tulog para ikabubuti ng nakararami. Si San Antonio naman ay natuto lang sa tunay Panginoon na tumutulong sa mga nawawalan, humahanap sa mga nawawala, at umaalalay sa mga nagwawala.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Truth Vs Power

 33,473 total views

 33,473 total views Sinasabi sa mga opinyon Kapanalig, “truth” when one who says it is in power, out of it, even critic and evidence doesn’t matter. Noon, sa kabila ng kasinungalingan…anuman ang sasabihin ng dating Pangulo Rodrigo Roa Duterte ay katotohanan…hinahangaan natin siya na mga botanteng Pilipino…sinusunod natin anuman ang kanyang utos. Sinasabi nga ng News

Read More »

Heat Wave

 42,808 total views

 42,808 total views Kapanalig, ramdam mo na ba ang maalinsangang panahon? Pinagpapawisan ka na ba sa init ng panahon? Ang mainit na panahon na sanhi ng nagbabagong klima sa lahat ng panig ng mundo? Ang mainit na panahon na ating kagagawan dahil sa walang habas na pagsira sa kalikasan. Paulit-ulit na ipinapaalala sa ating mananampalataya ng

Read More »

Aangat ang kababaihan sa Bagong Pilipinas?

 54,918 total views

 54,918 total views Mga Kapanalig, “Babae sa Lahat ng Sektor, Aangat ang Bukas sa Bagong Pilipinas!”  Ito ang tema sa paggunita natin ng National Women’s Month sa taóng ito. Sinasalamin nito ang hangarin ng kasalukuyang administrasyon na matamasa ng kababaihan ang kanilang mga karapatan, na ang mga oportunidad na ibinibigay sa mga lalaki ay nakakamit din

Read More »

Plastik at eleksyon

 72,014 total views

 72,014 total views Mga Kapanalig, mala-fiesta na ba sa inyong lugar sa dami ng mga nakasabit na tarpaulins at posters ng mga kandidato? Asahan ninyong darami pa ang mga iyan pagsapit ng opisyal na simula ng kampanya para sa mga tumatakbo sa lokal na posisyon. Sa March 28 pa ito, pero wala pa nga ang araw

Read More »

Sasakay ka ba sa mga resulta ng surveys?

 93,041 total views

 93,041 total views Mga Kapanalig, nagsusulputang parang kabute, lalo na sa social media, ang iba’t ibang surveys na nagpapakita ng ranking ng mga kandidato sa paparating na eleksyon. Sinu-sino nga ba ang nangunguna? Sinu-sino ang malaki ang tsansang manalo kung gagawin ngayon ang halalan? Sinu-sino ang tila tagilid at kailangan pang magpakilala sa mga botante? Bahagi

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

MATINIK

 3,042 total views

 3,042 total views Homiliya para sa Unang Linggo ng Kuwaresma, 9 Marso 2025, Lk 4:1-13 Pumasok na tayo sa panahon ng kuwaresma noong nakaraang Miyerkoles ng Abo. Kaya kuwaresma dahil kuwarenta. Pagkakataon ito para sa apatnapung araw mga pagsasanay na espiritwal. Sa unang araw pa lang, noong Miyerkoles ng Abo, tatlong spiritual exercises na agad ang

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

PAGLULUKSA AT PAG-AAYUNO

 2,173 total views

 2,173 total views Homiliya para sa Biyernes matapos ang Miyerkoles ng Abo, 7 Marso 20245, Mt 9:14-15 “Pwede bang MAGLUKSA ang mga bisita sa kasalan habang kapiling nila ang lalaking ikinakasal? Pagdating ng panahon na mawala sa piling nila ang ikinakasal, noon sila mag-aayuno.” Bakit kaya ikinukumpara ni Hesus ang pag-aayuno sa pagluluksa sa ating ebanghelyo?

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

PAKITANG-DIYOS

 2,014 total views

 2,014 total views Homiliya para sa Miyerkoles ng Abo, 5 Marso 2025, Mt. 6:1-6, 16-18. Para hindi tayo maligaw tungkol sa sinasabi ni Hesus sa binasa nating ebanghelyo, linawin muna natin kung ano ang hindi niya sinasabi. Hindi niya sinasabi na masama ang gumawa ng kabutihan sa nakikita ng mga tao. Di ba siya nga mismo

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

WATCH YOUR WORDS

 3,427 total views

 3,427 total views Homily for the 8th Sunday in OT, 2 Mar 2025, Lk 6:39-42 I woke up this morning wondering why the sound track of Starwars was playing in my mind. And in my coffee with Jesus early this morning, the face of my old Jesuit spiritual director, Fr. Hernando Maceda, flashed in my imagination,

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

PUTULIN?

 5,424 total views

 5,424 total views Homiliya para sa Huwebes sa Ikapitong Linggo ng Karaniwang Panahon, 27 Pebrero 2025, Mk 9:41-50 Ang pinaka-susi para maintindihan ang ipinupunto ng ating pagbasa ay ang linyang: “Kayo ay KAY KRISTO.” May gantimpala daw sa sinumang magmagandang-loob sa atin dahil tayo ay KAY KRISTO. Ibig sabihin, bilang alagad, ang buhay natin ay bahagi

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

PAGPAPAKITA NG MGA BANAL

 2,664 total views

 2,664 total views Homiliya para sa Pyesta ng Birhen ng Kapayapaan Mission Station, Letre, Malabon city, Pebrero 25, 2025, Roma 8:28-30; Lucas 1, 26-38 Sana merong makapagkuwento kung bakit ang Kapilyang ito ay ipinangalan sa Mahal na Birhen ng Kapayapaan, na mas kilala bilang ang “Birhen ng EDSA” at ipinagdiriwang bilang paggunita sa araw mismo ng

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

IRONY

 3,989 total views

 3,989 total views Homily for Friday of the 6th Wk in OT, 21 Feb 2025, Gen 11:1-9 & Mk 8:34-9:1 “What profit is there to gain the whole world and forfeit your life?” There is a word in English that describes a question like this: IRONY. You went after something that you thought was profitable, and

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

COVENANT WITH NOAH

 4,187 total views

 4,187 total views Homily for Thur of the 6th Wk in OT, 20 Feb 2025, Mk 8:27-33 “You are thinking not as God does, but as human beings do.” This is what Jesus said to Peter. Another way of saying that is: “Your thinking is not in accordance with God’s will.” Let us relate this now

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

GULONG NG PALAD

 4,899 total views

 4,899 total views 16 Pebrero 2025, Pang-anim na Linggo ng Karaniwang Panahon, Lucas 6:17, 20-26 (See English version below, after the Original Tagalog text.) Isa sa mga naunang telenobela series na ipinalabas sa telebisyon sa Pilipinas ay pinamagatang “Gulong ng Palad,” na sa Ingles ay “Wheel of Fortune.” Noong panahong iyon, mga bata pa lang sina

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

OPEN OUR HEARTS

 5,182 total views

 5,182 total views Homily for February 14, 2025, Mk 7:31-37 EPHPHATA! BE OPENED! This is the cry of Jesus that opened the closed mouth and ears of the deaf and mute man. It’s a beautiful metaphor for the work of evangelization. It also encapsulates our participation in the mission of our Lord Jesus Christ, the mission

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

POWER

 8,200 total views

 8,200 total views Homily for Tues of the 4th Wk in OT, 4 Feb 2025, Mk 5:21-43 The Gospel tells us Jesus felt power come out of him as soon as the woman with hemorrhage touched him and got healed. Let’s reflect today on POWER and what Mark is telling us about it in this double

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

SLOWLY BUT SURELY

 6,606 total views

 6,606 total views Homily for Friday of the 3rd Week in OT, 31 January 2025, Mk 4:26-34 There is a scene in the old movie on the life of St Francis entitled “Brother Sun, Sister Moon” where Francis starts rebuilding the ruined Church of San Damiano. The movie is a musical, so he is singing a

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

LIKAS NA TALINO

 9,823 total views

 9,823 total views Linggo ng Santo Niño, 18 Enero 2025, Lk 2:41-52 Para sa episode na ito ng Santo Niño Sunday, susubukan nating maintindihan ang natural na proseso ng pag-alam ng likas na talino ng tao at pagsusumikap natin na matuto upang humantong sa pag-unawa. Tingnan ninyo, kahit ang Anak ng Diyos ay nagbigay-daan upang matuto

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

HARD TO ENTER INTO HEAVEN?

 11,959 total views

 11,959 total views Homily for Friday of the 1st Week in Ordinary Time, 17 January 2025, Mt 19:16-26 I used to react to this saying about it being so hard to enter the kingdom of heaven. Until I realized that it would be easier to get the sense of what Jesus is saying by inverting the

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

PAGKAMULAT

 9,485 total views

 9,485 total views Homiliya para sa Kapistahan ng Pagkakabinyag ng Panginoon, 12 Enero 2025, Lk. 3:15-16,21-22 Hindi si Juan Bautista ang nagbinyag kay Hesus kundi ang Espiritu Santo. Naging okasyon lang ang paglulublob na ginawa ni Juan sa kanya para sa pagbaba ng Espiritu Santo. Ang Espiritu ang pumukaw sa kalooban niya at nagbigay sa kanya

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top