Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 12,484 total views

Homiliya para sa Huwebes, 11 Hulyo 2024, Paggunita kay San Benito, Mt 10:7-15

Noong nakaraang Martes, nag-bonding kami ng kapatid kong panganay. Umabot ng tatlong oras ang tanghalian namin dahil nagkuwento siya tungkol sa naranasan niyang paglalakad sa camino ng Compostela nitong nakaraang buwan. Biro niyo, sa edad na 78 ay naglakad siya nang 215 kilometro kasama ang dalawang anak niya at isang manugang.

Marami daw silang mga kapwa peregrino na nakasabay sa camino. Ang bati daw nila sa isa’t isa ay BUEN CAMINO! Ibig sabihin, “Mabuting Paglalakad.” Iba’t ibang lugar ang kanilang pinagmulan pero lahat sila ay iisa ang destinasyon: ang Simbahan ng Santiago de Compostela sa rehiyon ng Galicia sa Espanya. Pwede daw pumili ng iba’t ibang ruta—may mahabang ruta na pwedeng abutin mula tatlo hanggang apat na linggo, may mas maikli, mula isa hanggang dalawang linggo. May mga rutang paliko-liko, may dumadaan sa mga bundok na may paakyat at pababa, mga papasok sa kagubatan, may bumabaybay sa may tabing ilog o sapa, may bumababa sa mga burol at mga liblib na kabayanan, mayroon ding mga rutang diretso sumusunod lang sa kalye at mga sementadong kalsada para sa nagmamadali. Pero lahat iisa lang naman ang patutunguhan—ang bayan ng Compostela (galing sa pangalang Latin na ang kahulugan ay kampo ng mga estrelya). Parang talinghaga sa biyahe ng tao patungong langit.

Nagwork-out daw muna si kuya nang halos tatlong buwan ng araw-araw na paglalakad dito sa atin sa Pilipinas para siguraduhing mabuo niya ang camino at makaabot sa Compostela na walang atrasan. Dumarating daw pala talaga ang sandali na medyo magsisimula nang masiraan ng loob ang peregrino, matutuksong umatras o mandaya at sumakay na lang ng bus o taxi. May sandaling mapapaisip ka daw—e para ke ba’t nagpapakapagod ako nang ganito sa paglalakad gayong aabot din naman ako sa Compostela kung sasakay ng eroplano o tren?

Pinlano pa nga raw ni kuya ang lahat ng pwede niyang gawin kung sakaling mainip siya sa paglalakad. May koleksyon na siya ng mga audio books at musika na pwede niyang pakinggan, may listahan ng iba’t ibang tema na pwede nilang pag-usapan habang daan, o mga alaala ng nakaraan na pwedeng balikan sa halos walong dekada na ng buhay na kanyang pinagdaanan. Pero nang naroon na siya, nasabi niya sa sarili—ba’t pa ako pumunta rito para mag-isip o gumawa ng mga bagay na pwede ko ring gawin sa ibang lugar at oras? Kung narito na ako, bakit hindi ko pa ibigay nang lubos ang sarili ko sa sandaling ito? Sa bawat minuto, oras at araw ng paglalakad? Na ituon ang kamalayan sa bawat hakbang, sa bawat liko, sa bawat lakad. Na ituon ang paningin sa bawat puno na madaanan sa bawat kagubatan, sa bawat bulaklak, sa bawat kapilyang madaanan. Na ituon ang pandinig sa huni ng mga ibon at insekto, sa mga baka at kabayo, ituon ang pandama pati na sa amoy ng lupa, at ang panlasa sa bawat uri ng pagkaing matikman nila habang daan. Pagmamalay at pagmumulat, pagbabad sa karanasan, pagbubukas ng bawat pandama—iyon daw ang naging susi para sa kanya, hindi lang para matiis o mabata ang paglalakad kundi para mapagyaman ang buong karanasan ng camino.

Parang ganito ang binago ni Hesus sa katuruan niya sa ebanghelyo tungkol sa kaharian ng langit. Na hindi kailangang maghintay ng kamatayan o kabilang buhay para maranasan ang langit. Kaya pala sa itinuro niyang panalangin, hindi niya sinabi—makaabot nawa kami sa langit o makapasok nawa kami sa iyong kaharian. Hindi. Ang sabi niya: mapasaamin ang kaharian mo. Na kung susundin natin ang loob niya, kung sasambahin ang ngalan niya, kung paghahariin natin siya sa buhay natin, kung ang salita niya ang ating kakanin sa araw-araw, kung matuto tayong humingi ng tawad at magpatawad, kung tayo’y magpapakatatag sa pagharap sa mga tukso at paglaban sa masama, ang langit na pinapangarap natin ay maaari nang magsimula dito sa lupa.

Tama ang sabi ng sumulat sa tula na pinamagatang Caminante. Sabi niya sa Kastila, “Caminante no hay camino, se hace camino al andar.” Manlalakbay, walang daan; ginagawa ang daan sa mismong paglalakbay.”

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 65,077 total views

 65,077 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 72,852 total views

 72,852 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 81,032 total views

 81,032 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 96,740 total views

 96,740 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 100,683 total views

 100,683 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

“HUDYO” AT “ROMANO”

 980 total views

 980 total views Homiliya para sa Huwebes sa Panlimang Linggo ng Kuwaresma, 10 Abril 2025, Jn 8:51-59 Sa kadahilanang hindi sinasadya, alam n’yo ba na naging

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

PAGSAMBANG NAGPAPALAYA

 982 total views

 982 total views Homiliya para sa Miyerkules ng Ika-5 Linggo ng Kuwaresma 9 Abril 2025 | Dn 2:14–20, 91–92, 95; Jn 8:31–42 Sapat na sana para

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

IPAMUKHA

 1,149 total views

 1,149 total views Homiliya para sa Martes sa Panlimang Linggo ng Kuwaresma, Bilang 21:4-9; Juan 8:21-30 Mula sa krus, isa daw sa mga huling salita na

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

AT YUMUKO SIYA

 1,699 total views

 1,699 total views Homiliya para sa Ikalimang Linggo ng Kuwaresma, Ika-6 ng Abril 2025, Juan 8:1-11 Dalawang beses daw yumuko si Hesus. Una, nang iharap ang

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

PAKIUSAP

 2,349 total views

 2,349 total views Homiliya Para sa Huwebes sa Pang-Apat na Linggo ng Kuwaresma, 3 Abril 2025, Eksodo 32:7-14; Juan 5:31-37 Kung masakdal sa Korte ang isang

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

THE FATHER WHO GOES OUT

 9,534 total views

 9,534 total views A Laetare Sunday Reflection on the Parable of the Prodigal Son (longer version)   Introduction: Rejoice, Return Home! Laetare Sunday – the Fourth

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

AS YOURSELF

 4,242 total views

 4,242 total views Homily for Fri of the 3rd Wk of Lent, 28 Mar 2025, Mk 12:28-34 Love your neighbor AS YOURSELF. We often misread this

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

MATINIK

 7,995 total views

 7,995 total views Homiliya para sa Unang Linggo ng Kuwaresma, 9 Marso 2025, Lk 4:1-13 Pumasok na tayo sa panahon ng kuwaresma noong nakaraang Miyerkoles ng

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

PAGLULUKSA AT PAG-AAYUNO

 7,126 total views

 7,126 total views Homiliya para sa Biyernes matapos ang Miyerkoles ng Abo, 7 Marso 20245, Mt 9:14-15 “Pwede bang MAGLUKSA ang mga bisita sa kasalan habang

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

PAKITANG-DIYOS

 6,964 total views

 6,964 total views Homiliya para sa Miyerkoles ng Abo, 5 Marso 2025, Mt. 6:1-6, 16-18. Para hindi tayo maligaw tungkol sa sinasabi ni Hesus sa binasa

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

WATCH YOUR WORDS

 8,377 total views

 8,377 total views Homily for the 8th Sunday in OT, 2 Mar 2025, Lk 6:39-42 I woke up this morning wondering why the sound track of

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

PUTULIN?

 10,373 total views

 10,373 total views Homiliya para sa Huwebes sa Ikapitong Linggo ng Karaniwang Panahon, 27 Pebrero 2025, Mk 9:41-50 Ang pinaka-susi para maintindihan ang ipinupunto ng ating

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

PAGPAPAKITA NG MGA BANAL

 7,612 total views

 7,612 total views Homiliya para sa Pyesta ng Birhen ng Kapayapaan Mission Station, Letre, Malabon city, Pebrero 25, 2025, Roma 8:28-30; Lucas 1, 26-38 Sana merong

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

IRONY

 8,937 total views

 8,937 total views Homily for Friday of the 6th Wk in OT, 21 Feb 2025, Gen 11:1-9 & Mk 8:34-9:1 “What profit is there to gain

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top