Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 9,577 total views

Homiliya para sa Huwebes sa Ikalabindalawang Linggo ng Karaniwang Panahon, 27 Hunyo 2024, Mat 7:21-29

“Malapit na ang giyera!” Ito ang babala ng mga propeta sa Jerusalem. Pero walang sumiryoso sa babala nila. Hanggang minsan isang araw bigla na lang nagkatotoo. Ang katuparan ng malagim na hula ay ang malungkot na kuwentong narinig natin sa unang pagbasa. Tungkol ito sa unang paglusob ng Babilonia sa Jerusalem. Mahigit daw sa sampung libo ang mga Hudyong binihag nila at dinala sa Babilonia at ginawang mga alipin, kasama na ang mga kapamilya ng hari, gayundin ang mahigit sa pitong libong mga sundalo at mga skilled workers. Nilusob din daw nila ang templo at nilimas ng Haring Nebuchadnessar ang lahat ng ginto sa loob ng templo. Walang nabanggit ang awtor tungkol sa pinakamahalagang kayamanan sa loob ng templo—ang “ark of the covenant” o kaban ng tipan. Pero ang halaga nito para sa bayan ay hindi naman dahil sa ginto na nakabalot dito kundi sa nilalaman nito. Kahit ang laman nito sa loob, mula sa mata ng mga mananakop ay simbolo lamang—dalawang tapyas ng bato na kinasusulatan ng sampung utos ng Diyos. Sigurado ako, walang halaga ito para kay Haring Nebuchadnessar, pero para sa bayan, ito ang totoong pundasyon ng templo. Hindi ang mga batong pinagsulatan at hindi rin ang mga letrang nakasulat, kundi ang diwa nito—ang tipanan sa pagitan ng Diyos at ng bayang Israel, na nakalimutan ng mga Haring sumunod kay David, kaya’t nawala na rin sa alaala ng buong bayan at siyang naging dahilan kung kaya’t gumuho at tuluyang nawasak ang kanilang bansa at biglang napailalim sa mga dayuhang mananakop.

Magandang palaisipan ito para sa atin lalo na sa mga panahong ito ng tension na kinakaharap ng ating bansa sa konteksto ng hidwaan sa pagitan ng dalawang kilala nating kapangyarihang pandaigdigan. At malinaw na ang puno’t dulo nito ay may kinalaman, hindi sa atin, kundi sa isang karatig-bansang nanganganib na dumanas sa pinagdaraanan ngayon ng Ukraine. Ito ang ikinababahala nating lahat ngayon at nagiging dahilan ng matinding pangamba na baka bigla na lang tayong masangkot sa isang malagim at madugong digmaang pandaigdigan.

Ang orihinal daw na kahulugan ng krisis sa salitang Griyego ay pagkilatis o pagpapasiya. Kahit negatibo ang pakahulugan dito, pwede ring tingnan ang krisis bilang positibo, bilang pagharap sa mga bagong oportunidad na magdedepende sa ating desisyon, at maaaring magsilbing daan patungo sa mga bagong sitwasyon na magpapatatag sa atin. Dito naman natin iugnay ang pagbasang narinig natin sa ebanghelyo: tungkol sa larawan ng pagtatayo ng bahay bilang talinghaga tungkol sa pakikinig sa salita ng Diyos.

Sa Roman culture, tatlo daw ang pamantayan para masabi kung ang isang gusali ay halimbawa o hindi ng good architecture: Maganda ba ito? Magagamit ba ito nang mabuti ng nagpapatayo? Matatag ba ito? Kung minsan nakatutok tayo sa ganda at silbi o gamit nito, nakakalimutan naman nating itanong—mananatili ba itong nakatayo sa panahon ng pagsubok, tulad ng mga bagyo, lindol, at baha? Ganoon ang paglalarawan ng awtor sa mga tagapakinig ng Salita ng Diyos. Na hindi pa matatag ang tagapakinig ng salita ng Diyos kung pa niya ito napaninindigan o naisasagawa. Para itong nakatayo sa buhangin, madaling gumuho at mawasak sa panahon ng kalamidad.

Ang tunay na nagpapatatag sa atin ay wala sa labas kundi nasa loob natin. Ito ang paalala ng ebanghelyo. Kapag natututuhan natin isaloob ang kalooban ng Diyos at isagawa o isabuhay ito, noon pa lang tayo tunay na lumalakas at tumatatag. Mas nakakayanan nating humarap sa mga pagsubok ng buhay. Sabi nga ni San Pablo: “Ginigipit ngunit hindi nalulupig, naguguluhan pero sa pag-asa hindi nawawalan, inuusig pero hindi pinababayaan, sinasaktan ngunit hindi napapatay…. Iyan daw ang dahilan kung bakit hindi siya pinanghihinaan ng loob; na kahit humina ang pangangatawan , walang makapipigil sa paglakas ng aming espiritu.” (2 Cor 4:8-9,16)

 

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Walang kapatirang mapatutunayan ng karahasan

 25,463 total views

 25,463 total views Mga Kapanalig, sampung upperclassmen ni Horacio “Atio” Castillo III sa fraternity na Aegis Juris ang hinatulang guilty sa paglabag sa Anti-Hazing Act of 1995. Sinintensyahan sila ng habambuhay na pagkakagulong at pinagbabayad ng danyos sa pamilya ng biktima. Karaniwang initiation rite o tradisyong pinagdaraanan ng mga nais sumapi sa mga samahan ang hazing.

Read More »

Hindi sapat ang kasikatan

 32,799 total views

 32,799 total views Mga Kapanalig, ngayong araw, ika-8 ng Oktubre, ang huling araw ng filing of certificate of candidacy (o COC) ng mga tatakbo sa halalan sa susunod na taon. Nagsimula ang pagtanggap ng COMELEC ng mga COC noong unang araw ng buwang ito. May napupusuan na ba kayo sa mga nais maging senador? Sa mga

Read More »

Deserve ng ating mga teachers

 40,114 total views

 40,114 total views Mga Kapanalig, bago matapos ang National Teacher’s Month noong Sabado, ika-5 ng Oktubre, na kasabay din ng World Teachers’ Day, may regalong ibinigay ang Department of Education (o DepEd) sa ating mga pampublikong guro. Sa bisa ng DepEd Order No. 13, maaari nang bigyan ang mga public school teachers ng hanggang 30 vacation

Read More »

Makinig bago mag-react

 90,435 total views

 90,435 total views Mga Kapanalig, nag-trending sa social media noong nakaraang linggo ang isang video kung saan makikitang nagkainitan sina Senador Alan Peter Cayetano at Senador Juan Miguel Zubiri habang naka-break ang sesyon nila. Makikita sa video ang kanilang sagutan at murahan, na muntikan nang umabot sa pisikalan. Ang kanilang pag-aaway ay kaugnay ng sampung Embo

Read More »

Protektahan ang mga mandaragat

 99,911 total views

 99,911 total views Mga Kapanalig, ayon sa Mga Awit 107:23-24, “Mayroong naglayag na lulan ng barko sa hangad maglakbay, ang tanging layunin kaya naglalayag, upang mangalakal. Nasaksihan nila ang kapangyarihan ni Yahweh, ang kahanga-hangang ginawa ni Yahweh na hindi maarok..” Ang salmong nabanggit ay malapít sa mga seafarers at masasabing mapalad sila dahil nakikita nila ang

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

“IGLESIA SIN FRONTERAS”

 1,905 total views

 1,905 total views (CHURCH WITHOUT BORDERS/ BOUNDARIES) Homily for the 26th Sun in Ordinary Time (B), 29 September 2024, Mark 9:38-43, 45, 47-48 In today’s Gospel, Jesus is telling us something that we may find disturbing. Perhaps as disturbing as the words Pope Francis said when he visited Singapore recently, about other religions as “paths to

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

ANG PAG-IISIP NG DIYOS

 4,035 total views

 4,035 total views Homily for 24th Sun in Ordinary Time, 15 September 2024, Mk 8:27-35 Napagsabihan si Pedro sa ebanghelyo ngayon. Hindi daw ayon sa pag-iisip ng Diyos ang pag-iisip niya kundi ayon sa pag-iisip ng tao. Kung ako si Pedro baka nakasagot ako ng ganito: “with all due respect, Lord, paano akong mag-iisip na katulad

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

ANG KRUS NA SALAMIN

 4,035 total views

 4,035 total views Homiliya para sa Novena ng Santa Cruz, Ika-13 ng Setyembre 2024, Lk 6:39-42 Ewan kung narinig na ninyo ang kuwento tungkol sa isang taong mayaman ngunit makasarili. Dahil guwapo siya, matipuno at malusog ang katawan bukod sa successful sa career, mahilig daw siyang tumingin sa salamin para hangaan ang sarili. Minsan isang gabi,

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

LAW OF MOTION

 4,036 total views

 4,036 total views Homiliya para sa Huwebes sa Ika-23 Linggo ng Karaniwang Panahon, 12 Setyembre 2024, Lukas 6:27-38 Ang ebanghelyo natin ngayon ang siya na yatang pinakamahirap na doktrina ng pananampalatayang Kristiyano: MAHALIN ANG KAAWAY. Ito ang tunay na dahilan kung bakit nasasabi natin na MAS RADIKAL ANG MAGMAHAL. Mahirap kasing totohanin. Mas madali ang gumanti,

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

OPIUM OF THE PEOPLE

 4,032 total views

 4,032 total views Homily for Wed of the 23rd Wk in OT, 11Sept 2024, Lk 6:20-26 “It’s ok to suffer poverty and humiliation now. Anyway you will enjoy plenty and satisfaction in the hereafter…” Some Christians hold on to this kind of doctrine about a heavenly reward awaiting those who have suffered hell on earth. Is

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAPAPANAHON

 4,904 total views

 4,904 total views Homily for the 23rd Sunday in Ordinary Time, 08 September 2024, Mark 7:31-37 Isang kasabihan sa Bibliya, ang chapter 3 ng Ecclesiastes ang pagkukuhanan natin ng inspirasyon para sa ating pagninilay sa ebanghelyo ngayon. “May tamang panahon para sa lahat ng bagay, panahon para sa bawat gawain sa mundong ibabaw…May panahon daw para

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PANININDIGAN

 7,106 total views

 7,106 total views Homiliya para sa Ika-21 Linggo ng Karaniwang Panahon, 25 Agosto 2024, Juan 6: 60-69 Sa Misang ito ng ating Paggunita kay Santa Clara ng Assisi pagninilayan ang pagiging huwaran niya sa SAMA-SAMANG PAGLALAKBAY TUNGO SA KAGANAPAN NG BUHAY. Isa siya sa mga unang nagpahayag ng suporta kay Saint Francis nang talikuran nito ang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAKITA KITA

 7,139 total views

 7,139 total views Homiliya para sa Kapistahan ni San Bartolome, 24 Agosto 2024, Jn 1:45–51 “Bago ka tinawag ni Felipe NAKITA KITA sa ilalim ng puno ng igos.” Iyun lang ang sinabi ni Hesus. Hanggang ngayon hinuhulaan pa ng mga Bible scholars kung bakit napakatindi ng epekto ng sinabing iyon ni Hesus kay Nataniel o Bartolome.

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

DAMAY-DAMAY

 8,493 total views

 8,493 total views Homily for the Feast of the Queenship of Mary, 22 August 2024, Lk 1,26-38 Isa sa paborito kong kanta sa blockbuster comedy film “Sister Act” ni Whoopi Goldberg ay ang “Hail Holy Queen Enthroned Above”. Hindi alam ng marami na ang kantang iyon ay isa sa pinakamatandang panalangin tungkol kay Mama Mary. Kilala

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BAON SA BIYAHE

 9,590 total views

 9,590 total views Homily for the 20th Sunday in Ordinary Time, 18 August 2024, John 6: 51-58 Sa ating mga Katoliko, ang huling basbas sa mga malapit nang pumanaw ay hindi lamang sinasamahan ng kumpisal at pagpapahid ng langis. Kapag kaya pa ng maysakit, binibigyan siya ng komunyon at ang tawag dito sa wikang Latin ay

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MALASAKIT

 13,805 total views

 13,805 total views Homiliya sa Pyestang San Roque, 16 Agosto 2924, Mateo 25: 31-40 Isang art work ang tumawag-pansin sa akin minsan. Gawa ito sa brass o tanso, hugis-taong nakaupo sa isang park bench, dinadaan-daanan ng mga tao. Minsan tinatabihan siya ng mga gustong magselfie kasama siya. Malungkot ang dating ng sculpture na ito—anyo ng isang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PAGKAIN NG BUHAY

 9,525 total views

 9,525 total views Homily for the 19th Sunday in Ordinary Time, 11 August 2024, John 6:41-51 Kung minsan, may mga taong ayaw kumain, hindi dahil hindi sila nagugutom o wala silang ganang kumain kundi dahil wala na silang ganang mabuhay. Ganito ang sitwasyon ng propeta sa ating unang pagbasa ngayon. Nawalan na ng ganang mabuhay si

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

HANAPBUHAY

 10,894 total views

 10,894 total views Homiliya para sa ika-18 Linggo ng Karaniwang Panahon, 4 Agosto 2024, Juan 6:24-35 Sa Tagalog, “hanapbuhay” ang tawag natin sa trabahong pinagkakakitaan ng pera. Pero kung pera pala ang hinahanap, bakit hindi na lang tinawag na “hanap-pera” ang trabaho? Narinig ko ang sagot sa isang kargador sa palengke. Kaya daw hanapbuhay ang tawag

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MISSIONARY

 11,155 total views

 11,155 total views Homily for the Ordination of Hien Van Do, MJ and Dao Minh Pham MJ to the Presbyteral Ministry, 03 August 2024, Jn 15:9-17 87 MJ is your nomenclature for your identity as consecrated persons. Missionaries of Jesus. Let me share some thoughts on what, basically it means to be Missionaries of Jesus. It

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAKATATANDA

 19,848 total views

 19,848 total views Homiliya para sa World Day for Grandparents, 27 Hulyo 2024, Ika-17 Linggo ng Karaniwang Panahon, Juan 6:1-15 Ipinagdiriwang natin ngayon ang World Day for Grandparents and the Elderly. Ano sa Tagalog ang ELDERLY? NAKATATANDA. Kaya nagtataka ako kung bakit ina-associate ang pagiging matanda sa pagiging ulyanin o makakalimutin, gayong eksaktong kabaligtaran ang ibig

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top