Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 11,000 total views

Homiliya para sa Ika-11 Linggo ng Karaniwang Panahon, 16 Hunyo 2024, Mk 4:26-34

Dalawang punto lang ang mungkahi kong pagnilayan natin tungkol sa mga talinghagang narinig natin sa ebanghelyo ngayon. Una, ang Diyos ang magsasaka, ang salita niya ang binhi. Pangalawa, tayo mismo ay para ding mga binhi.

Simulan natin sa una. Ang Diyos ang magsasaka, ang salita niya ang binhi. Ito rin naman ang binigay na paliwanag sa naunang talinghaga dito rin sa chapter 4 ni San Markos tungkol sa iba’t ibang klaseng lupa na binagsakan daw ng mga binhing inihasik ng isang magsasaka. Na katulad din daw ng iba’t-ibang klaseng tagapakinig ng Salita ng Diyos.

Binhi, lupa, paghahasik, pareho pa rin ang mga detalye ng kasunod na dalawang talinghaga na binasa naman natin ngayon, pero iba ang ipinupunto. Sa tingin ko para sa amin ang kuwentong ito, lalo na sa mga tagapangaral ng Salita ng Diyos. Na sa huling suma, ang tunay na magsasaka ay ang Panginoon. Nakikitrabaho lang kami. Ang tunay na magsasaka na nagpapalaki, nagpapatubo at nagpapabunga sa binhi ng salita ay hindi naman kami. Sabi nga ng talinghaga, matapos na maghasik ng binhi ang tagahasik, pwede na siyang matulog at maghintay.

Hindi naman kami kundi siya—ang Diyos mismo—ang nagtatayo ng kanyang kaharian o nag-aalaga sa pananim. Siya talaga ang magsasaka. May papel nga kami pero hindi rin pala kami dapat masyadong maging mapapel na para bang depende na ang lahat sa amin. Na ang tahimik at kusang pagtubo ng mga binhi at unti-unting pag-usbong at paglago nito ay hindi na sa amin nakasalalay. May nangyayaring proseso na lampas sa imahinasyon nating lahat. Ang trabaho namin bilang mangangaral, ay ang maghasik at umalalay.

Sabi ni San Pablo sa ating ikalawang pagbasa, “Ang mga lakad natin sa buhay ay dapat gabayan, hindi lang ng paningin kundi ng pananampalataya.” Kahit malinaw ang ating paningin, hindi lahat ay nakikita natin. Ang ibang mga bagay na magkakaroon ng kinalaman sa pagtubo at pagbunga ng naitanim, o sa maaaring ikasira nito ay lampas na sa atin. Hindi natin lubos na nakikita, pero napagmamasdan natin. Kung minsan ang sobrang pakikialam ay nakakasira din, nakakaistorbo at nakakapigil sa proseso ng pagtubo at pamumukadkad. Importante ang magkaroon tayo ng kababaang-loob na magmasid lang at tumanggap na hindi natin kontrolado ang lahat ng bagay. Kasabihan nga natin, pag ginawa mo na ang lahat, ang kasunod ay ipagpasa-Diyos na natin.

Ngayon naman, ang pangalawang punto: tayo mismo ay parang mga binhi rin. Pagmasdan ang isang binhi. Ang nakikita natin ay ang pabalat, pero ang tunay na importante ay nasa loob—ang hindi natin nakikita. Katulad ng palay. Ang binhi ay ang bigas na nasa loob. Na pwede palang mangyari kung minsan na ang inaakala mong palay, na mukha naman talagang palay ay wala palang laman; ito’y ipa na lamang. Akala ko noon lahat ng butil na inaani ng magsasaka ay palay. Ang iba pala ay ipa, hindi nagkakalaman dahil nagkulang sa pataba at patubig. Kapag tinahip hindi babagsak sa bilao, ililipad ng hangin dahil nga walang laman. Sayang pala ang pagod ng magsasaka kapag hindi nagkalaman ang palay niya. Parang tayo din—pwedeng tumubong parang palay na hindi nagkalaman sa loob kung nabuhay na walang layunin.

Sa ating ikalawang pagbasa, sinabi rin ni San Pablo “Malakas ang loob natin na lumabas sa ating kinalalagyan, upang magkamit ng gantimpala.” Parang inilalarawan naman niya ang palay na nagkalaman. Na ang susunod na hamon ay ang makalabas ang laman na ito—ang iba para magpakain at magpabusog, ang iba naman, para matanim at magbunga ng mas marami pang makakain.
Ang naiisip ko dito ay ang sinabi rin ng Panginoon sa Juan 12, kung saan binigyan ng positibong kahulugan ang pagkahulog at pagkamatay: “Maliban lang kung ang butil ng trigo ay mahulog at mamatay, mananatili itong nag-iisa.” Ganyan nga naman ang misteryo ng pagtatanim. Ang pagkahulog at pagkalibing ng binhi ay bahagi ng proseso na kailangan mangyari para makalabas ang laman ng binhi upang tumubo, mamukadkad at magbunga. Sa una, tayong mga tao ay parang mga binhi rin, parang bigas na nakabalot ng ipa, nakakulong sa loob, nakatuon sa sarili. Ganyan naman ang tao sa una—naghahangad ng ikagaganap ng sariling kaligayahan, nagsusumikap na matupad ang pansariling layunin, makasarili ang dating. Hanggang sa matutong magmahal, maghangad ng layuning lampas sa sarili, natututong magparaya, magbigay, magbahagi, lumabas sa sarili. Kung kailan lumalabas sa sarili, mas lalong umuunlad ang pagkatao.

Dahil Father’s day ngayon, iugnay natin sa karanasan ng lahat ng mga nagsusumikap na maging mabuting ama sa kanilang mga anak. Parang magsasaka din ang mga tatay. Hindi natatapos ang gawain nila sa paghahasik ng binhi kung saan-saan. Hindi naman lahat ng biological fathers ay natututong maging mabuting ama. Ako nga binabati rin ng Happy Father’s day, kahit hindi ako biological father ninuman. Dahil father din ang tawag sa amin—mga alalay ng Diyos Ama, mga katulong ng tunay na magsasaka sa pagpapalago sa kanyang mga pananim upang ito’y magkalaman, mamunga nang sagana para sa kaharian ng Diyos. Sana huwag nating kalimutan sa araw na ito na pasalamatan ang Ama ng lahat ng mga Ama—ang Diyos na pinagmulan ng buhay nating lahat.

1

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Walang education crisis?

 28,766 total views

 28,766 total views Mga Kapanalig, itinanggi ng Palasyo ng Malacañang na may education crisis sa ating bansa. May isang contestant kasi sa isang noontime show na

Read More »

Hindi sagot ang pag-unfriend

 40,483 total views

 40,483 total views Mga Kapanalig, kumusta ang inyong mga social media feed nitong nakaraang linggo? Punô ba ito ng mga balita, opinyon, o kaya naman ay

Read More »

Katarungang abot-kamay

 61,316 total views

 61,316 total views Mga Kapanalig, pinahahalagahan sa Banal na Kasulatan ang katarungan. Ayon sa Levitico 19:15, “Huwag kayong hahatol nang hindi makatarungan. Huwag ninyong kikilingan ang

Read More »

Truth Vs Power

 77,743 total views

 77,743 total views Sinasabi sa mga opinyon Kapanalig, “truth” when one who says it is in power, out of it, even critic and evidence doesn’t matter.

Read More »

Heat Wave

 86,977 total views

 86,977 total views Kapanalig, ramdam mo na ba ang maalinsangang panahon? Pinagpapawisan ka na ba sa init ng panahon? Ang mainit na panahon na sanhi ng

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

MATINIK

 3,895 total views

 3,895 total views Homiliya para sa Unang Linggo ng Kuwaresma, 9 Marso 2025, Lk 4:1-13 Pumasok na tayo sa panahon ng kuwaresma noong nakaraang Miyerkoles ng

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

PAGLULUKSA AT PAG-AAYUNO

 3,026 total views

 3,026 total views Homiliya para sa Biyernes matapos ang Miyerkoles ng Abo, 7 Marso 20245, Mt 9:14-15 “Pwede bang MAGLUKSA ang mga bisita sa kasalan habang

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

PAKITANG-DIYOS

 2,867 total views

 2,867 total views Homiliya para sa Miyerkoles ng Abo, 5 Marso 2025, Mt. 6:1-6, 16-18. Para hindi tayo maligaw tungkol sa sinasabi ni Hesus sa binasa

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

WATCH YOUR WORDS

 4,280 total views

 4,280 total views Homily for the 8th Sunday in OT, 2 Mar 2025, Lk 6:39-42 I woke up this morning wondering why the sound track of

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

PUTULIN?

 6,277 total views

 6,277 total views Homiliya para sa Huwebes sa Ikapitong Linggo ng Karaniwang Panahon, 27 Pebrero 2025, Mk 9:41-50 Ang pinaka-susi para maintindihan ang ipinupunto ng ating

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

PAGPAPAKITA NG MGA BANAL

 3,517 total views

 3,517 total views Homiliya para sa Pyesta ng Birhen ng Kapayapaan Mission Station, Letre, Malabon city, Pebrero 25, 2025, Roma 8:28-30; Lucas 1, 26-38 Sana merong

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

IRONY

 4,842 total views

 4,842 total views Homily for Friday of the 6th Wk in OT, 21 Feb 2025, Gen 11:1-9 & Mk 8:34-9:1 “What profit is there to gain

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

COVENANT WITH NOAH

 5,040 total views

 5,040 total views Homily for Thur of the 6th Wk in OT, 20 Feb 2025, Mk 8:27-33 “You are thinking not as God does, but as

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

GULONG NG PALAD

 5,752 total views

 5,752 total views 16 Pebrero 2025, Pang-anim na Linggo ng Karaniwang Panahon, Lucas 6:17, 20-26 (See English version below, after the Original Tagalog text.) Isa sa

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

OPEN OUR HEARTS

 6,033 total views

 6,033 total views Homily for February 14, 2025, Mk 7:31-37 EPHPHATA! BE OPENED! This is the cry of Jesus that opened the closed mouth and ears

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

POWER

 9,051 total views

 9,051 total views Homily for Tues of the 4th Wk in OT, 4 Feb 2025, Mk 5:21-43 The Gospel tells us Jesus felt power come out

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

SLOWLY BUT SURELY

 7,457 total views

 7,457 total views Homily for Friday of the 3rd Week in OT, 31 January 2025, Mk 4:26-34 There is a scene in the old movie on

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

LIKAS NA TALINO

 10,674 total views

 10,674 total views Linggo ng Santo Niño, 18 Enero 2025, Lk 2:41-52 Para sa episode na ito ng Santo Niño Sunday, susubukan nating maintindihan ang natural

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

HARD TO ENTER INTO HEAVEN?

 12,810 total views

 12,810 total views Homily for Friday of the 1st Week in Ordinary Time, 17 January 2025, Mt 19:16-26 I used to react to this saying about

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top