Deboto ng Our Lady of Penafrancia, isinasailalim sa spiritual preparation

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 740 total reads

Puspusan ang isinasagawang pang-espirituwal na paghahanda ng Archdiocese of Nueva Caceres upang magabayan ang mga mananampalataya sa pagdiriwang ng Peñafrancia Festival sa ika-13 hanggang ika-22 ng Setyembre, 2019.

Ayon kay Rev. Fr. Luisito Occiano – Social Communications Director ng arkidiyosesis, bahagi ng paghahandang pang-espirituwal ang tinatawag na ‘Pagtungko ni Ina’ o ang paglilibot ng imahen ng Our Lady of Peñafrancia sa iba’t-ibang mga parokya, barangay, paaralan, institusyon at mga establisyemento kung saan nagsasagawa ng mga serye ng pananalangin at misa sa lugar.

Bukod sa misa, ibinahagi rin ng Pari ang pagkakaloob ng mga recollection sa mga mananampalataya upang ganap na maihanda sa pagdiriwang sa kapistahan ng Mahal na Ina ng Peñafrancia.

Nilinaw naman ni Fr. Occiano na bukod sa 92-parokya ng arkidiyosesis sa Naga ay isinasagawa rin ang ‘Pagtungko ni Ina’ sa lahat ng 7 probinsya sa buong Bicol region na pawang may debosyon sa Nuestra Señora de Peñafrancia.

“Yung mga preparations actually the parishes, so we have 92 parishes dito sa Caceres nagkakaroon po ng Pagtungko ang tawag niyan sa Bicol is ‘Pagtungko ni Ina’ yung Visit of Our Lady of Peñafrancia sa mga chapels, sa mga sitio, sa mga barangay and usually the priest would go there to conduct mass sometimes may mga spiritual talks so practically it’s the whole Archdiocese who prepares the celebration hindi lang po yung Naga because yung center talaga is Naga pero kung titingnan natin it’s the whole 92 parishes of the whole Archdiocese ang nagpi-prepare, so hindi lamang po ito fiesta ng Naga kundi actually ng buong Bicol…” pahayag ni Fr. Occiano sa panayam sa Radyo Veritas.

Tema ng kapistahan ngayong taon ang “Doing Christ’s Mission with Youthful Hearts with Mary” na hango sa ginugunita ng Simbahang Katolika ngayong taon na Year of the Youth.

Pagbabahagi ni Fr. Occiano, layunin ng tema ngayong taon na mas mapalalim pa ang pananampalataya ng mga kabataan at mahikayat ang mga ito na maging daluyan sa pagpapalaganap ng debosyon sa Mahal na Ina.

“Ito po ay connected dito sa celebration natin ng Year of the Youth and of course we focus on the youth, sabi nga ni Cardinal Tagle its not only the future but the youth is the present church…” Dagdag pahayag ni Fr. Occiano.
Matatandaang bukod sa paghahandang pang-espirituwal, naunang inihayag ng Social Action Center ng arkidiyosesis ang puspusang paghahanda para matiyak ang kaayusan, seguridad at kaligtasan ng lahat ng mga deboto, mananampalataya at mga turista na dadalo sa kapistahan.

Read: Seguridad ng Penafrancia festival, masusing pinaghahandaan

Tumatagal ng isang linggo ang Pista ng Our Lady of Peñafrancia na nagsisimula sa ikalawang Biyernes ng Setyembre kung saan tatlong gawain ang pinakatambok ng pagdiriwang kabilang na ang Traslacion Procession sa ika-13 ng Setyembre; Fluvial Procession sa ika-21 ng Setyembre at ang mismong Dakilang Kapistahan ng Our Lady of Peñafrancia sa ika-22 ng Setyembre.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 19,409 total reads

 19,409 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 53,766 total reads

 53,766 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 90,248 total reads

 90,248 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 108,460 total reads

 108,460 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 191,769 total reads

 191,769 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top