Simbahan, katuwang ng BARMM

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 466 total reads

Ibinahagi ni Cotabato Archbishop Angelito Lampon na patuloy nakipag-uganayan ang Simbahang Katolika sa mga komunidad na nasasakupan na binubuo ng mga Kristiyano at Muslim.

Inihayag ni Bishop Lampon sa Radio Veritas na may mga Pari mula sa Arkidiyosesis ang dumadalo sa mga usapang pangkapayapaan sa pagitan ng mga Kristiyano at Muslim.

“We are really trying to work [peace process], meron akong mga Pari na in-charge; ang Archdiocese of Cotabato ay on-going yung aming involvement sa BARMM,” pahayag ni Archbishop Lampon sa Radio Veritas.

Ibinahagi ng Arsobispo na positibo ang Office of the Presidential Adviser on the Peace Process na pag-uusap ang pinakamabisang pamamaraan sa pagkamit ng kapayapaan sa Mindanao.

Iginiit ni Archbishop Lampon na walang puwang ang terorismo saan mang bahagi ng mundo sapagkat nais ng Panginoon na mangingibabaw ang pagkakaisa ng bawat nilalang.

“OPPAP is convinced that the only way to move forward really dialoguing sitting down with the BARMM and MILF officers,” ani ng Arsobispo.

Pinuri ni Archbishop Lampon ang pagsama-sama ng mga kinatawan ng bawat sektor sa kabila ng pagkakaiba ng pananaw at pananampalataya sa pakikipag-ugnayan sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Magugunitang nitong nakalipas na linggo 7 katao ang nasugatan sa naganap na pagsabog sa Isulan Sultan Kudarat na kagagawan ng hinihinalang teroristang grupo upang maghatid ng takot sa mamamayan.

LABANAN ANG TERORISMO

Mariing kinokondena ng Kanyang Kabanalan Francisco ang terorismo na sumisira sa buhay, at kabuhayan ng mamamayan na itinuturing na gawain ng kadiliman.

Sa pagbisita ni Pope Francis sa Morocco sinabi nitong interreligious dialogue ang pamamaraang labanan ang terorismo.

Ika – 11 ng Setyembre 2001 nang inatake ng Al-Qaeda terrorist group ang twin tower ng World Trade Center sa Estados Unidos kung saan libu-libong katao ang nasawi.

Dagdag pa ni Archbishop Lampon na malaking hamon ang pagbibigay edukasyon sa mamamayan na bigyang tuon ang kabutihan ng bawat mamamayan upang iiral ang kapayapaan sa komunidad.

“The ultimate solution how do we change the mentality, mind, attitude and values of our people na maging concern sa common good not just constant awareness,” giit ni Archbishop Lampon.

Naniniwala ang pinuno ng Arkidiyosesis ng Cotabato na mayorya sa mamamayan ang nais maisakatuparan ang kapayapaan sa buong mundo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 67,567 total reads

 67,567 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 146,274 total reads

 146,274 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 179,721 total reads

 179,721 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 215,018 total reads

 215,018 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 438,771 total reads

 438,771 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top