Bagong Obispo ng Sorsogon, hinirang ni Pope Francis

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,252 total reads

Inanunsyo ni Sorsogon Bishop Arturo Bastes ang paghirang ng Kanyang Kabanalan Francisco sa magiging bagong Obispo ng Diyosesis na si Bishop-Elect Jose Alan Verdejo Dialogo.

Ginawa ito ng Obispo matapos siyang pahintulutan ni Apostolic Nuncio to the Philippines Abp. Gabriele Giordano Caccia na gawin ang paghahayag sa Misa ng Ordinasyon ng tatlong bagong pari sa Diocese of Sorsogon, sa Sts. Peter and Paul Cathedral, ika-15 ng Oktubre.

Ang anunsyo ay ginawa ni Bp. Bastes, dakong alas onse ng umaga, una ng pitong oras sa pormal na deklarasyon na magmumula sa Vatican, dakong alas sais ng gabi sa Pilipinas.

“I receive a letter from the Nuncio dated October 11, and it is supposed to be announced tonight in the Philippines because we are 7 hours ahead from Rome. But since the Nuncio knows that a big crowd of people are here, all the priests are here, many religious, the seminarians and lay people, he allowed me to announce it 7 hours before the official announcement in Rome and also all the press in the Philippines.” Pahayag ni Bishop Bastes.

Si Bishop-Elect Jose Alan Verdejo Dialogo, 57-taong gulang, na anak ng mga yumaong sina Jose Dialogo at Eufracia Verdejo, ay isinilang sa Lagonoy, Camarines Sur noong ika-10 ng Hulyo, 1962.

Agad na lumipat ang kan’yang pamilya sa Naga City, kaya naman nag-aral ito ng elementarya sa Naga Parochial School.

Matapos ang elementarya ay pumasok na ito sa Holy Rosary Minor Seminary sa Naga City noong 1974.

Taong 1978 nang magtapos siya sa sekondarya, pumasok si Bishop-Elect Dialogo ng kolehiyo subalit makalipas ang isang taon, 1979, ay lumipat na ito sa College of Divine Word Mission Seminary na kilala din bilang Christ the King Seminary sa Quezon City.

Taong 1980, iniwan nito ang seminaryo at nagpatuloy ng pag-aaral sa University of Nueva Caceres, doon ay nagtapos siya ng kursong AB Public Administration, at taong 1982 ay nagtrabaho bilang isang guro sa Peña de Francia College sa Naga City.

Ipinagpatuloy ni Bishop-Elect Dialogo ang kan’yang mga pag-aaral sa BS Behavioral Science sa Ateneo de Naga University, nagtapos ng Master’s Degree in Psychology sa University of Nueva Caceres, at dalawang taong nag-aral ng Law.

Taong 1989, bumalik siya sa seminaryo sa St. Camillus Seminary sa Marikina, subalit makalipas ang isang taon, ay nag-apply ito sa Military Diocese, at nag-aral sa Holy Apostles Senior Seminary, Guadalupe, Makati.

Ika-31 ng Hulyo, 1996, naordinahan bilang pari si Bishop-Elect Dialogo at nagpa-incardinate sa Archdiocese of Manila.

Matapos ang kan’yang ordinasyon bilang pari ay itinalaga siyang Parochial Vicar ng San Roque Parish sa Mandaluyong.

Taong 1997 hanggang 1999 naman ay nag-aral ito sa Ignatian Spirituality Centre sa Pontifical Gregorian University sa Roma, kung saan nakuha niya ang Licentiate in Spirituality.

Sa pagbabalik niya sa Pilipinas ay naitalaga naman si Bishop-Elect Dialogo bilang Vice Rector ng Holy Apostles Senior Seminary (HASS).

Taong 2002 ay siya naman ang naitalagang rector ng HASS, 2005 ay naging Vice Rector ng EDSA Shrine at 2008 ay naging Kura Paroko ng St. John of the Cross Parish sa Pembo, Makati.

Matapos ang pitong taon sa parokya, taong 2015 hanggang sa kasalukuyan ay naglilingkod si Bishop-Elect Dialogo bilang rector ng Cardinal Sin Welcome Home, na nangangalaga sa mga may sakit at retiradong pari.

Bukod sa kan’yang paglilingkod bilang pari ng Archdiocese of Manila, si Bishop-Elect Dialogo ay Founder din ng Manto Nin Pagkamoot (Mantle of Love) Children’s Foundation, Inc., sa Naga City.

Itinatag niya ito noong siya ay 50 taong gulang dahil sa kan’yang adbokasiya at pagmamahal sa mga ulilang bata.

Sa kasalukuyan, itinatayo ang isang children’s village sa Naga City sa ilalim ng Manto Nin Pagkamoot Children’s Foundation, Inc.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 44,830 total reads

 44,830 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 124,712 total reads

 124,712 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 158,159 total reads

 158,159 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 193,457 total reads

 193,457 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 418,267 total reads

 418,267 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

BAKIT LALAYO PA?

 37,538 total reads

 37,538 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 30,427 total reads

 30,427 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top