Pamahalaan, tungkuling ibigay sa mga mamamayan ang masaganang pamumuhay

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 484 total reads

Tungkulin ng pamahalaan na bigyan ng malawak na oportunidad ang mga mamamayan upang makapamuhay ng masagana at mai-angat ang buhay mula sa kahirapan.

Ito ang binigyang diin ni Rev. Fr. Jerome Secillano – Executive Secretary ng CBCP Permanent Committee on Public Affairs kaugnay sa inilabas na resulta ng isinagawang pag-aaral ng National Economic and Development Authority na “Ambisyon Natin 2040 Survey”.

Ayon sa Pari, ang pamahalaan ang pangunahing nagbibigay oportunidad sa bawat mamamayan upang magkaroon ng magandang buhay sa pamamagitan ng pagkakaroon ng permanenteng hanapbuhay o trabaho sa halip na turuan ang mga mahihirap na pamilyang umasa sa dole out na kaloob ng pamahalaan.

Dahil dito, hinimok ni Father Secillano na tiyakin ng pamahalaan ang patuloy na pagpasok ng mga mamumuhunan sa bansa na makapagbibigay ng dagdag oportunidad sa larangan ng paggawa sa mga mamamayan.

“Iyon din sana ang inaasam natin sa pamahalaan. Although may mga nagsasabi na ang pamahalaan hindi naman dapat nagpoprovide din ng trabaho, ang pamahalaan ay nagbibigay lang ng opportunity, kumbaga yung tinatawag lang natin na enabler sya, so you get the so called mga tinatawag natin na mga investors, tapos meron tayong magandang business climate environment para talagang nabibigyan din ng pagkakataon yung mga ordinaryong mamamayan na kumita hindi lang yung mga dole out, dole out na ginagawa halimbawa ng DSWD yung 4Ps, so compensated. Nandoon yung gobyerno taking the lead beacause they have the power to do that…” pahayag ni Father Secillano sa panayam sa Radio Veritas.

Batay sa resulta ng pag-aaral ng NEDA, kinakailangan ng 120-libong pisong gross monthly income ng isang pamilya na binubuo ng apat na miyembro upang makapamuhay ng simple at kumportable batay na rin sa presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo ngayong taon.

Sa panlipunang turo ng Simbahan, kailangang may batayang moral ang anomang uri pagtataas o halaga ng presyo ng bilihin sa merkado at hindi dapat ito makakaapekto sa kapakanan ng ordinaryong mamamayan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 59,627 total reads

 59,627 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 108,625 total reads

 108,625 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 156,497 total reads

 156,497 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 260,443 total reads

 260,443 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 343,589 total reads

 343,589 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top