Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Bagong chairperson ng PPCRV, isasailalim sa screening ng CBCP

SHARE THE TRUTH

 209 total views

Umaasa si Parish Pastoral Council for Responsible Voting Chairperson Henrietta De Villa na patuloy na isusulong ng bagong PPCRV chairman ang layunin maging pangunahing tagapagbantay ng Simbahang Katolika sa pagkakaroon ng isang maayos at tapat na eleksyon sa Pilipinas.

Inaasahang sa susunod na buwan ay opisyal ng magreretiro sa posisyon si De Villa kasabay na rin ng ika-25 taong anibersaryo ng PPCRV.

“Based on experience must know how to have a very big heart open to Christ and open to all the causes that has been given to a servant leader of PPCRV should open to, saka a person who is hopeful kasi you must keep response, kailangan talaga. Ang akin lang sinasabi palagi must not forget that it is not just electoral exercise it is also a means of following Christ in our care of the elections, yun ang main diyan,” pahayag ni De Villa sa panayam sa Radio Veritas.

Ipinaliwanag ni De Villa na ang bagong chairperson ay ino-nominate ng Diocesan Coordinators kung bubuo ng isang short-list na may 30 hanggang 35 nominado at pipiliin ang Top 10.

Mula sa 10 nominado, pipili ang Catholic Bishops Conference of the Philippines kasabay ng kanilang Plenary Assembly ng shortlist na siyang pagbobotohan ng mga Coordinators at Board of Trustees ng PPCRV sa kanilang general assembly na inaasahan namang isasapubliko sa buwan ng Agosto.

Samantala, mula ng maitatag noong 1991 bilang isang independent, non-profit at non-partisan organization matapos na manawagan ang mga Obispo sa isinagawang Second Plenary Council of the Philippines sa pagpapatupad ng reporma sa halalan sa bansa, tinatayang umabot na sa 29-eleksyon ang nilahukan at binantayan ng PPCRV kung saan sa kasalukuyan ay mayroon ng higit sa 700-libo ang volunteers nito mula sa iba’t ibang diyosesis sa buong bansa.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bihag ng sugal

 18,741 total views

 18,741 total views Mga Kapanalig, tinalakay natin sa isang editoryal ang pagkabahala ng presidente ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (o CBCP) na si Kalookan

Read More »

kabaliwan

 69,466 total views

 69,466 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 85,554 total views

 85,554 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 122,746 total views

 122,746 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Norman Dequia

Mga educator, kinilala ni Pope Leo XIV

 12,303 total views

 12,303 total views Kinilala at pinasalamatan ni Pope Leo XIV ang mga nagatatrabaho sa larangan ng edukasyon sa patuloy na pagsasabuhay ng misyong hubugin at linangin

Read More »

RELATED ARTICLES

Volunteers, pinasasalamatan ng PPCRV

 12,065 total views

 12,065 total views Nagpaabot ng pasasalamat ang pamunuan ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) sa lahat ng PPCRV volunteers sa buong bansa na masigasig

Read More »

SLP, pinaghahandaan ang ika-75 anibersaryo

 20,873 total views

 20,873 total views Pinaghahandaan na ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas ang pagdiriwang sa ika-75 anibersaryo nito sa darating na Oktubre, 2025. Ayon kay LAIKO National President

Read More »
Scroll to Top