Online gambling, tinawag ng Obispo na panlipunang kanser

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 45,486 total views

Itinuturing ni Tagbilaran Bishop Alberto Uy na isang sakit o isang moral at panlipunang kanser ang paglaganap ng online gambling sa bansa na bumibiktima at sinasamantala ang kahinaan ng mga mamamayan lalo’t higit ng mga mahihirap.

Ayon sa Obispo, hindi kailanman maituturing na isang libangan ang anumang uri ng sugal na higit pang nagpapalala at nagpapalaganap ng kahirapan at kawalang pag-asa sa lipunan.

Pagbabahagi ni Bishop Uy, hindi sapat ang anumang tangkang pagsasaayos ng mga regulasyon o pagkontrol sa industriya ng online gambling sa bansa sa halip ay mas kinakailangan itong tuluyan ng itigil o wakasan.

Ipinaliwanag ng Obispo na nararapat ipagbawal ng tuluyan ang online gambling na nagpaparupok sa pagbuo ng moralidad ng mamamayan.

“This is not simply a matter of entertainment or leisure. It is a moral and social cancer that preys on the poor, exploits the vulnerable, and worsens the cycle of poverty and hopelessness. While there are efforts to regulate this industry, regulation is not enough. In our context — where poverty is deep, education is uneven, and moral formation is fragile — online gambling does not just need to be controlled. It needs to be stopped.” Bahagi ng pahayag ni Bishop Uy.

Iginiit ng Obispo na mas kinakailangan ng bansa ng mga patakaran na nagbibigay proteksyon sa moral at espirituwal na kapakanan ng mga mamamayan sa halip na mga regulasyon na pumoprotekta sa mga mamumuhunan.

Ayon kay Bishop Uy, “Our country needs policies that protect the moral and spiritual welfare of our people, not just those that generate revenue.”

Binigyang diin din ni Bishop Uy na walang anumang halaga ng pera, dagdag na trabaho o kita mula sa buwis sa online gambling na makapagbibigay-katwiran sa negatibong epekto at pagkasira sa dignidad ng mamamayang Pilipino na naaapekto na rin maging sa mga kabataan at samahan ng pamilya sa bansa.

“Let it be clear: the financial benefits that come from online gambling — whether through tax revenues or job creation — can never justify the enormous human cost it inflicts. No amount of money can replace the loss of dignity, the pain of broken families, or the destruction of young lives.” Dagdag pa ni Bishop Uy.

Batay sa datos ng PAGCOR 38% mula sa P410-billion gross gaming revenue noong nakalipas na taong 2024 ay nagmula sa electronic gaming industry kung saan inaasahan ang higit pang paglaki nito ngayong taon, kung saan sa tala ng Statista 3.3% ng populasyon sa Pilipinas noong 2024 ang tumataya sa online gambling.

Sa datos ng Recovering Gamblers of the Philippines, 80% sa kanilang mga rehab patient ay pawang mga biktima ng online gambling na bukod sa pagkalugi sa pera ay nagdulot din ng depresyon, pagkasira ng buhay, pamilya at relasyon sa kapwa.

Matatandaang una na ring kinundina ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang paglaganap ng online gambling sa Pilipinas kung saan dahil sa teknolohiya ay mas madali itong ma-access ng sinuman.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Baluktot na katotohanan

 7,667 total views

 7,667 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 17,031 total views

 17,031 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 43,487 total views

 43,487 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

NUMBER’S GAME

 93,915 total views

 93,915 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 98,973 total views

 98,973 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top