Pagkakahirang kay Bishop Ayuban na chairman ng CBCP-ECMRBCP, welcome sa CMSP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 47,573 total views

Nagpaabot ng pagbati ang Conference of Major Superiors in the Philippines (CMSP) sa pagkakahirang kay Cubao Bishop Elias Ayuban Jr., CMF bilang bagong chairman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) – Episcopal Commission on Mutual Relations Between Bishop and Consecrated Persons.

Ayon sa CMSP kaisa ng Simbahan ang organisasyon ng mga relihiyoso at relihiyosa sa bansa sa kagalakan sa pagkakahalal kay Bishop Ayuban upang pangasiwaan ang nasabing komisyon.

Sa naganap na 130th Plenary Assembly ng CBCP sa Anda, Bohol noong ika-5 hanggang ika-7 ng Hulyo, 2025 ay inihalal ng kalipunan ng mga Obispo si Bishop Ayuban upang pangasiwaan ang pagsusulong sa pakikipagdayalogo at pakikipag-ugnayan sa pagitan ng mga Obispo at mga relihiyoso at relihiyosa sa bansa.

Ipinapalangin naman ng CMSP, ang paggabay at patnubay ng Banal na Espiritu kay Bishop Ayuban sa pagpapatibay ng relasyon sa pagitan ng mga lingkod ng Simbahang Katolika.

“Congratulations, Most Rev. Elias L. Ayuban, Jr., CMF, DD! The Conference of Major Superiors in the Philippines (CMSP) joins the Church in celebrating your appointment as the Newly Elected Chairman of the CBCP Episcopal Commission on Mutual Relations Between Bishop and Consecrated Persons. Your pastoral leadership and deep commitment to the Church truly inspire us. May the Holy Spirit continue to guide you in strengthening the bond between the hierarchy and consecrated life in the Philippines.” bahagi ng pabati ng CMSP.

Magsisimula ang bagong katungkulan ni Bishop Ayuban bilang hahalili ni Cubao Bishop-emeritus Honesto Ongtioco sa December 1, 2025 kung saan magtatapos ang termino ng mga nakalipas na opisyal sa November 30, 2025.

Ang mga opisyal ng CBCP ay maglilingkod sa loob ng dalawang taon para sa isang termino at maaring muling ihalal sa pangalawang termino o kabuuang apat na taong pamumuno.
Kasalukuyang may 126 na miyembro ang CBCP kung saan 87 ang aktibong obispo, 38 ang mga retirado at tatlong diocesan priest-administrators.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ibinasurang paraiso

 21,003 total views

 21,003 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 49,354 total views

 49,354 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 117,084 total views

 117,084 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 140,235 total views

 140,235 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 208,883 total views

 208,883 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top