Bagong yugto ng Pilipinas, patuloy na ipanalangin

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 494 total reads

Hinikayat ng Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang sambayanang Filipino na ipanalangin ang bagong yugto ng bansa sa bagong pamumuno ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Cardinal Tagle, matapos ang makasaysayang halalan ay hinahamon ang sambayanang Filipino at mananampalatayang Katoliko na ipagpatuloy ang pagmimisyon.

Inihayag ni Cardinal Tagle na kapuri-puri ang ginawang pagboto at pagbabantay ng mga Filipino para sa isang malinis, tapat at kapani-paniwalang halalan noong nakaraang buwan ng Mayo.

“Patuloy nating ipanalangin ang ating minamahal na bansa ngayong mayroon tayong panibagong yugto sa kaniyang kasaysayan at pinasasalamatan din po natin ang lahat ng mga mamamayang Filipino na nakilahok sa ating banal na tungkulin noong halalan. Ang pagboto ay isang banal na tungkulin. Salamat po sa nakiisa sa pagboto, gayundin sa pagpapanatili ng isang maayos malinis at kapani-paniwalang eleksyon. Pinasasalamatan din po natin ang lahat ng mga naging volunteers ng PPCRV at iba pang mga grupo na nakilahok sa edukasyon at pagpapanatili ng kaayusan ng eleksyon,” bahagi ng pasasalamat ni Cardinal Tagle sa Radio Veritas.

Pagkatapos nito,hinimok ni Cardinal Tagle ang lahat na ipagpatuloy ang pagmimisyon sa bayan.

“At sa bawat yugto ng buhay, lahat tayo isinusugo ni Hesus. Pero ito po huwag tayong magmamataas, huwag lalaki ang ating ulo. Sabihin natin pinadala ako ni Hesus,”pahayag ng Cardinal.

Ipinaliwanag ng Cardinal na magagawang tama ang pagmimisyon sa pamamagitan ng pagkalinga sa kapwa tulad ng mapag-arugang ina sa kanyang anak.

Higit sa lahat, sinabi ni Cardinal Tagle na sinusugo tayo sa pagmimisyon bilang tao na maging mabait at maamong tupa sa gitna ng mababangis na asong gubat.

Sinabi ng Arsobispo ng Maynila na ang paghahari ni Hesus ay hindi kapangyarihan upang mambusabos ng kapwa kundi isang mababa,mahinahon at mapagmahal na kordero.

Inihayag ni Cardinal Tagle na isinugo tayong lahat bilang mga kordero sa mundong marahas, sa mundong matigas ang puso, sa mundong halos walang kinikilalang kapwa.

Ngayong taon, ipinagdiriwang ng 2.7 bilyong Katoliko ang taon ng awa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 53,489 total reads

 53,489 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 102,824 total reads

 102,824 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 150,695 total reads

 150,695 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 254,644 total reads

 254,644 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 338,083 total reads

 338,083 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

DON’T LEAVE GOD WHEN YOU VOTE

 96,864 total reads

 96,864 total reads Pastoral Message in the Archdiocese of Lingayen Dagupan for the 2019 Mid Term Elections Brothers and sisters in Christ in Lingayen Dagupan: All

Read More »

IS DEATH A THREAT?

 74,421 total reads

 74,421 total reads Homily delivered by Archbishop Socrates B. Villegas at the Mass of Holy Chrism on Holy Thursday, April 18, 2019 at Saint John the

Read More »

STAND UP FOR THE NEWBORN JESUS!

 112,902 total reads

 112,902 total reads Message of Archbishop Socrates B Villegas to the People of God in the Archdiocese of Lingayen Dagupan on the occasion of Christmas December

Read More »
Scroll to Top