Filipino maging bahagi ng misyon ng Simbahan-Pope Francis

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 506 total views

Maging instrumento sa pagbubuo at pagsusulong ng kultura ng pagkakaisa at pakikipagkapatiran sa kabila ng pagkakaiba-iba.

Ito ang paalala ni Sr. Beth Pedernal ng Missionary Sisters of St. Charles Borromeo o Scalabrinians na nakabase sa Roma sa mensahe ng Kanyang Kabanalan Francisco noong unang araw ng Simbang Gabi sa St. Peter’s Basilica na dapat na tumimo sa puso at isip ng mga Filipinong mananampalataya.

Paliwanag ng Madre, dapat ituring na hamon ng bawat isa ang tinukoy ni Pope Francis na misyon ng bawat Filipino na pagpapalaganap ng pakikipagkapatiran hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa iba’t ibang bansa.

“Ang sinasabi niya tayong mga Filipino ay may espesyal na misyon upang magbuo ng isang kultura ng komunyon at daybersidad,” ang bahagi ng pahayag ni Sr.Pedernal sa panayam sa Radyo Veritas.

Pagbabahagi ni Sr. Pedernal, ang misyon ng pagpapalaganap ng mga Filipino ng pakikipagkapatiran ang naipapamalas lalu na ng mga Overseas Filipino Workers sa iba’t ibang bansa kung saan bagamat malayo sa mga mahal sa buhay ay nangingibabaw pa rin ang pananampalataya ng mga Filipino.

Ibinahagi ng Madre ang mariing paniniwala at pagtitiwala ng Santo Papa Francisco sa mahalagang ginagampanan ng mga Filipino upang ipalaganap ang pagkakaisa at pakikipagkapatiran maging sa iba’t ibang mga denominasyon at estado sa buhay.

“Yung komunyon at daybersidad na ito ay nakikita at pinapatunayan natin na sa kabila ng ating pangingibang bansa dala-dala natin ang pananampalataya sinabi nga ng Santo Padre ‘ang inyong pananampalataya ay isang lebeto na kung saan ang kumunidad ng mga Filipino ay nakakaugat sa ngayon, I am encouraging you sabi niya iniincourage ko kayo sabi niya na maging tagapagparami ng mga opurtunidad na kung saan ang kultura ng enkwentro ay maibahagi sa iba sapagkat ito ay unang pagbubuo ng komunyon batay sa pagkakaiba-iba o sa daybersidad”, dagdag pa ni ni Sr. Pedernal.

Matatandaang pinangunahan ng Kanyang Kabanalan Francisco ang pagdaraos ng unang araw ng Aguinaldo Mass o Misa De Gallo na mas kilalang Simbang Gabi para sa mga Filipinong mananampataya sa Vatican.

Isinagawa ang misa sa St. Peter’s Basilica, kasabay ng ikatlong linggo ng adbyento noong ika-15 ng Disyembre ganap na alas-kwatro y medya ng hapon oras sa Roma na dinaluhan ng Filipino community sa bansa.
Ito na ang ika-apat na pagkakataong isinagawa ang Simbang Gabi sa St. Peter’s Basilica para sa Filipino community ngunit sa kauna-unahang pagkakataon ay pinangunahan ito mismo ng Santo Papa.

Bukod sa mahigit 150-mga Pari na nakibahagi ay personal ding dumalo si Philippine Ambassador to the Holy See Grace Relucio-Princesa sa Simbang Gabing pinangunahan ni Pope Francis sa Roma.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

ACCOUNTABILITY

 18,227 total views

 18,227 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 88,340 total views

 88,340 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 162,954 total views

 162,954 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 243,032 total views

 243,032 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 285,478 total views

 285,478 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Walang summer break kay Pope Leo XIV

 2,164 total views

 2,164 total views Bagama’t nasa panahon ng summer break ang Vatican, tiniyak ni Pontificio Collegio Filipino Rector Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston na hindi nangangahulugang humihinto

Read More »
Scroll to Top