Patuluyin si Hesus sa ating buhay, panawagan ni Cardinal Tagle

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 676 total reads

Hinimok ni Manila Archbishop Cardinal Luis Antonio Tagle ang mananampalataya na piliin at tanggapin si Hesus sa buhay ng bawat isa.

Sa pagninilay ng arsobispo sa taunang pagtitipon sa Missionaries of Charity sa Tayuman Manila, hinamon nito ang mananampalataya na isabuhay ang diwa ni Hesus, ang sentro ng pagdiriwang ng Pasko ng Kapanganakan.

“Piliin natin Siya [Hesus] at tanggapin; ‘Yan ang Pasko, ang Diyos kapiling natin kahit tinanggihan siya ng mga tao,” bahagi ng pagninilay ni Kardinal Tagle.

Paliwanag ng incoming Prefect for the Congregation of the Evangelization for People, maaring iwanan ang tao ng kanyang pamilya, kaibigan o mawawala ang kayamanan, at iba pang materyal na mga bagay subalit iisa lamang ang natitiyak na ang Diyos ay mananatili sa bawat indibidwal.

Hinikayat ni Cardinal Tagle ang halos isanlibong dumalo sa Banal na Misa na ibahagi si Hesus sa pamayanan sa pamamagitan ng pakikipagkapwa tao at paglingap sa mga higit nangangailangan sa lipunan.

Aniya, ang pagdiriwang ng Pasko ng Pagsilang ay sumasagisag ng pananahan ng Diyos sa tao kaya’t mahalagang isabuhay ito araw-araw upang higit na mapag-alab at maramdaman ang tunay na diwa ng Pasko.

“Ang Pasko ay pasimula ng walang hanggang pagsasapiling ng Diyos sa atin; Kung si Hesus ay kapiling natin yun din ang ipakita at ipadama natin sa kapwa,” ayon sa Kardinal.

Ang Missionaries of Charity ay taunang namamahagi ng mga pamaskong handog sa mga kapus-palad partikular ang mga walang tahanan na palaboy-laboy sa mga lansangan, mga batang may karamdaman, at mga inaabandonang indibidwal.
Katuwang ng mga madre ang iba’t ibang grupo at organisasyon na nagkakawanggawa para sa mga dukha sa lipunan bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Pasko.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 4,610 total reads

 4,610 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 39,947 total reads

 39,947 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 76,431 total reads

 76,431 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 94,642 total reads

 94,642 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 178,735 total reads

 178,735 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Mamamayan, binalaan ni Fr.Orbos

 5,391 total reads

 5,391 total reads Nagbabala si Fr. Jerry Orbos, SVD laban sa dumadaming AI-generated fake news na gumagamit ng kanyang pangalan at imahe upang magbenta ng mga

Read More »
Scroll to Top