Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Filipino maging bahagi ng misyon ng Simbahan-Pope Francis

SHARE THE TRUTH

 327 total views

Maging instrumento sa pagbubuo at pagsusulong ng kultura ng pagkakaisa at pakikipagkapatiran sa kabila ng pagkakaiba-iba.

Ito ang paalala ni Sr. Beth Pedernal ng Missionary Sisters of St. Charles Borromeo o Scalabrinians na nakabase sa Roma sa mensahe ng Kanyang Kabanalan Francisco noong unang araw ng Simbang Gabi sa St. Peter’s Basilica na dapat na tumimo sa puso at isip ng mga Filipinong mananampalataya.

Paliwanag ng Madre, dapat ituring na hamon ng bawat isa ang tinukoy ni Pope Francis na misyon ng bawat Filipino na pagpapalaganap ng pakikipagkapatiran hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa iba’t ibang bansa.

“Ang sinasabi niya tayong mga Filipino ay may espesyal na misyon upang magbuo ng isang kultura ng komunyon at daybersidad,” ang bahagi ng pahayag ni Sr.Pedernal sa panayam sa Radyo Veritas.

Pagbabahagi ni Sr. Pedernal, ang misyon ng pagpapalaganap ng mga Filipino ng pakikipagkapatiran ang naipapamalas lalu na ng mga Overseas Filipino Workers sa iba’t ibang bansa kung saan bagamat malayo sa mga mahal sa buhay ay nangingibabaw pa rin ang pananampalataya ng mga Filipino.

Ibinahagi ng Madre ang mariing paniniwala at pagtitiwala ng Santo Papa Francisco sa mahalagang ginagampanan ng mga Filipino upang ipalaganap ang pagkakaisa at pakikipagkapatiran maging sa iba’t ibang mga denominasyon at estado sa buhay.

“Yung komunyon at daybersidad na ito ay nakikita at pinapatunayan natin na sa kabila ng ating pangingibang bansa dala-dala natin ang pananampalataya sinabi nga ng Santo Padre ‘ang inyong pananampalataya ay isang lebeto na kung saan ang kumunidad ng mga Filipino ay nakakaugat sa ngayon, I am encouraging you sabi niya iniincourage ko kayo sabi niya na maging tagapagparami ng mga opurtunidad na kung saan ang kultura ng enkwentro ay maibahagi sa iba sapagkat ito ay unang pagbubuo ng komunyon batay sa pagkakaiba-iba o sa daybersidad”, dagdag pa ni ni Sr. Pedernal.

Matatandaang pinangunahan ng Kanyang Kabanalan Francisco ang pagdaraos ng unang araw ng Aguinaldo Mass o Misa De Gallo na mas kilalang Simbang Gabi para sa mga Filipinong mananampataya sa Vatican.

Isinagawa ang misa sa St. Peter’s Basilica, kasabay ng ikatlong linggo ng adbyento noong ika-15 ng Disyembre ganap na alas-kwatro y medya ng hapon oras sa Roma na dinaluhan ng Filipino community sa bansa.
Ito na ang ika-apat na pagkakataong isinagawa ang Simbang Gabi sa St. Peter’s Basilica para sa Filipino community ngunit sa kauna-unahang pagkakataon ay pinangunahan ito mismo ng Santo Papa.

Bukod sa mahigit 150-mga Pari na nakibahagi ay personal ding dumalo si Philippine Ambassador to the Holy See Grace Relucio-Princesa sa Simbang Gabing pinangunahan ni Pope Francis sa Roma.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 32,559 total views

 32,559 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 43,689 total views

 43,689 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

50-PESOS WAGE HIKE

 69,050 total views

 69,050 total views 50-pisong dagdag sa arawang sahod ng mga minimum wage earners. Dapat bang matuwa ang mga manggagawang Pilipino lalu sa National Capital Region? Sa

Read More »

PRIVATIZATION

 79,463 total views

 79,463 total views Kapag palpak ang pagpapatakbo ng gobyerno at ahensiya nito sa isang public services., dahil sa kakulangan ng kakayahan., korapsyon… ang solusyon, (privatization)… isapribado

Read More »

BICAM OPEN TO PUBLIC

 100,314 total views

 100,314 total views Napakagandang hangarin at mithiin., maisakatuparan naman kaya ito? Kapanalig, ang bicameral conference committee ay binubuo ng mga mambabatas mula sa mataas at mababang

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Reyn Letran - Ibañez

SLP, pinaghahandaan ang ika-75 anibersaryo

 4,365 total views

 4,365 total views Pinaghahandaan na ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas ang pagdiriwang sa ika-75 anibersaryo nito sa darating na Oktubre, 2025. Ayon kay LAIKO National President

Read More »

RELATED ARTICLES

SLP, pinaghahandaan ang ika-75 anibersaryo

 4,366 total views

 4,366 total views Pinaghahandaan na ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas ang pagdiriwang sa ika-75 anibersaryo nito sa darating na Oktubre, 2025. Ayon kay LAIKO National President

Read More »
Scroll to Top