Sa gitna ng pagdiriwang: Huwag kalimutan ang mga biktima ng sakuna, panawagan ni Cardinal Tagle

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 556 total reads

Pinaalalahanan ng incoming Prefect for the Congregation of the Evangelization of People, Manila Archbishop Cardinal Luis Antonio Tagle ang mananampalataya na sa gitna ng pagsasaya ay huwag kalimutan ang mamamayan na humaharap sa pagsubok.

Sa misang pinangunahan ng arsobispo sa Missionaries of Charity nitong ika-25 ng Disyembre sinabi nitong dapat alalahanin ang bawat mamamayan bilang paglingap at pakikiisa sa kanilang karanasan.

“Ang ating pagsasaya ay hindi dapat maging daan ng pagkalimot sa mga kapatid nating nahihirapan,” ayon kay Cardinal Tagle.

Sa isang bahagi ng pagdiriwang hiniling ng Kardinal sa halos isanlibong dumalo ang sandaling katahimikan upang ipanalangin ang mga residenteng higit apektado sa pananalasa ng bagyong Ursula sa araw ng Pagsilang ng Batang Hesus.

Ayon kay Cardinal Tagle, habang pinasasalamatan ang Panginoon sa biyayang ipinagkaloob sa bawat isa ay marapat ding alalahanin ang mga biktima ng kalamidad at iba’t ibang uri ng sakuna sa lipunan.

“Habang nagpapasalamat tayo sa Diyos, alalahanin natin ang ating mga kapatid na dinaanan ng bagyo, ang mga humaharap sa pagsubok dahil sa bagyong Ursula,” pagpatuloy ng Kardinal.

Batay sa pinakahuling ulat ng Department of Interior and Local Government (DILG) siyam katao na ang nasawi dahil sa bagyo sa Eastern Visayas habang anim na iba pa ang nawawala na patuloy hinahanap sa search and rescue operations.

Ayon naman sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) 86 na munisipalidad ang nawalan ng suplay ng kuryente lalu na sa Region VI at VIII bunsod ng bagyo habang tinatayang mahigit sa 5, 000 indibidwal ang lumikas para sa kaligtasan.

Dalangin ni Cardinal Tagle ang katiwasayan at kaligtasan ng lahat ng apektado ng bagyo at tiniyak ang pag-asa ng bawat isa kasabay ng pagsilang ni Hesus na pinakamagandang kaloob sa bawat sanilikha.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 5,888 total reads

 5,888 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 41,165 total reads

 41,165 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 77,649 total reads

 77,649 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 95,860 total reads

 95,860 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 179,876 total reads

 179,876 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top