Malasakitan, tungo sa pagbangon ng mga nasalanta ng bulkang Taal

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,196 total reads

Nagpapasamalat si Imus, Cavite Bishop Reynaldo Evangelista–chairman ng CBCP-Permanent Committee on Public Affairs ang pagtutulungan at pagdadamayang ipinapamalas ng bawat mamamayan para sa kapakanan ng mga residenteng naapektuhan ng pagputok ng Bulkang Taal.

Pagbabahagi ni Bishop Evangelista, saksi ang diyosesis ng Imus na kalapit lamang na arkidiyosesis ng Lipa sa buhay na buhay na pagmamalasakitan ng mamamayan upang makapagpaabot ng tulong sa mga apektado ng pagputok ng bulkan sa Batangas at Cavite.

Ayon sa Obispo, lumilitaw ang kabutihan ng puso ng bawat isa maging ng mga mamamayan mula sa ibang lugar sa oras ng pangangailangan.

“Nakakatuwa talagang sa panahon ng kalamidad ay lumilitaw lalo ang kabutihan ng mga tao, ng mga Katoliko at ng lahat ng mga mamamayan,” ang bahagi ng pahayag ni Bishop Evangelista sa panayam sa Radyo Veritas.

Nilinaw ng Obispo na hindi nagtatapos sa pagkain, damit at tubig ang pangangailangan ng mga nasalanta ng bulkang sapagkat patuloy na kakailangan ng mga apektadong residente ang tulong ng bawat isa upang muling makapagsimula sa buhay matapos na mawalan ng tahanan at maging ng mapagkakakitaan.

Paliwanag ni Bishop Evangelista, kakailanganin ng mga naapektuhan ng pagputok ng bulkan ang patuloy pagmamalasakit ng kapwa upang makapagsimula at maipagpatuloy ang kanilang normal na pamumuhay.

“Hindi nagtatapos sa bigas, delata, damit, tubig ang pagtulong kundi yung pagkatapos nito na bumalik sila sa kanilang mga tahanan ay lalu po na kailangan ng tulong nila para naman sa pamamagitan ng inyong tulong, pagbibigay ng kaloob, kabutihan ninyo at pagkakawang gawa, pagmamalasakit ay matulungan natin ang mga kapatid nating nasalanta,” dagdag ni Bishop Evangelista.

Una ng hinimok ng Obispo ang bawat isa na sama-samang ipanalangin ang kaligtasan ng lahat sa gitna ng pagsabog ng Bulkang Taal partikular na ang mga nakatira malapit sa bulkan.

Linggo, ika-12 ng Enero ng nagsimula ang phreatic eruption o ang pagbuga ng Bulkang Taal ng abo na walang kasamang magma kung saan batay sa tala ng Philvolcs tinatayang aabot ng 100-metro ang taas ng ibinugang abo ng bulkan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 38,323 total reads

 38,323 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 118,500 total reads

 118,500 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 151,948 total reads

 151,948 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 187,247 total reads

 187,247 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 412,327 total reads

 412,327 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top