Diyosesis ng Tagbilaran, nakikiisa rin sa mga biktima ng pagputok ng bulkang Taal

SHARE THE TRUTH

 270 total views

Tiniyak ng Diyosesis ng Tagbilaran ang pakikiisa sa mga Batangueño na nahaharap sa matinding pagsubok dulot ng pagputok ng bulkang Taal.

Ikinalulungkot din ni Bishop Alberto Uy ang trahedya sa Batangas na dahilan upang mapilitang lumikas ang daang libong mga residente lalu na sa mga naninirahan sa paligid ng bulkan.

“I carry with me the collective sentiment of the faithful of the Diocese of Tagbilaran as I express my sadness over the eruption of Taal Volcano and the consequent suffering that it has brought about,” pahayag ni Bishop Uy sa Radio Veritas.

Ayon sa obispo bagamat hindi maipaliliwanag ang sakit na idinudulot ng trahedya, malaking bagay ang pagdamay ng buong sambayanan upang maibsan ang paghihirap na nararanasan tulad ng pagdamay noon ng mga mamamayan nang maganap ang 7.2 magnitude na lindol na sumira sa mga matatandang simbahan ng lalawigan noong 2013.

Bukod sa mga panalangin tiniyak ni Bishop Uy ang paglunsad ng mga hakbang upang makalikom ng pondo na makatutulong sa pangunahing pangangailangan ng mga apektadong residente.

“As an expression of our love, I assure you that we will pray for you and remember your intentions at our masses today on the occasion of the solemn feast of Sr. Sto. Niño. A fund drive will also be launched so that we can send our modest assistance for your immediate needs,” ayon sa obispo.

Sa kasalukuyan nanatiling nasa alert level 4 ang sitwasyong bulkang Taal bagamat bahagyang humupa ang pagbubuga ng abo subalit hindi pa rin pinahihintulutan ang mga lumikas na residente na makabalik sa kanilang mga lugar para sa kanilang kaligtasan.

Umaasa si Bishop Uy na sa kabila ng pagsubok ay maramdaman ng bawat isa ang pagdamay ng Panginoon at mas mapagtibay ang pananampalataya ng mga tao.

“The recent calamity may have destroyed homes and properties but our faith has been tested time and again to withstand the tremors and ashes. May you all experience the accompaniment of the God who became a child and who has promised never to abandon us.”

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BSKE 2025

 78,987 total views

 78,987 total views Mga Kapanalig, katatapos lang ng midterm national and local elections pero may pang isang halalan sa taóng ito. Isasagawa sa Disyembre ang Barangay

Read More »

Anong pinagtataguan mo?

 89,991 total views

 89,991 total views Mga Kapanalig, gaano kalayo ang kayang takbuhin ng isang tao para makaiwas sa pananagutan? Sa kaso ng dating tagapagsalita ni dating Pangulong Duterte

Read More »

To serve and protect

 97,796 total views

 97,796 total views Mga Kapanalig, para sa Catholic social teaching na Gaudium et Spes, ang mga awtoridad ay obligadong ipatupad ang batas alinsunod sa kung ano

Read More »

TOO MUCH GENERAL EDUCATION

 111,083 total views

 111,083 total views Quality education, kailan kaya natin ito makakamit Kapanalig? Taon-taon, nahaharap sa maraming problema ang sektor ng edukasyon sa bansa., kabilang dito ang hindi

Read More »

AUGUST CHAMBER

 122,696 total views

 122,696 total views The Filipino people have the right to know the truth! Noong 1916, itinatag ang tinaguriang AUGUST chamber o Senate of the Philippines. Nagsilbi

Read More »

Related Story

Cultural
Norman Dequia

Paglago ng bokasyon, misyon ng NYD 2025

 12,198 total views

 12,198 total views Umaasa ang Family Ministry ng Archdiocese of Caceres na magbunga ng mas malalim na ugnayan sa pamilya, pananampalataya at bokasyon ang isinasagawang National

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top