May katapat na parusa ang pang-aabuso at pagmamalabis-AMRSP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 546 total reads

Nalalaman at nakikita ng Diyos ang lahat ng mga ginagawa at laman ng puso ng bawat isa.

Ito ang paalala ni Fr. Angel Cortez, executive secretary ng Association of Major Religious Superiors in the Philippines (AMRSP) sa mga opisyal o mga nasa kapangyarihan na umaabuso sa kanilang posisyon.

Paliwanag ng Pari, anumang kasalanan o pang-aabusong ginagawa ng ninuman sa kanyang kapwa ay nakikita ng Panginoon at sa takdang panahon ay mayroon ding kaparusahang kapalit at kanilang pananagutan ang mga nagawang pagkakasala.

“Kaya yung mga kababayan natin na nasa katungkulan, nasa kapangyarihan, kapulisan, pulitiko o sinuman, hindi natutulog ang Diyos nakikita niya kung ano ang inyong ginagawa, nakikita ng Panginoon kung ano ang laman ng puso mo kung ikaw man ay nagkasala ngayon sigurado pananagutin ka ng Panginoon para panagutan yung lahat ng gagawin mo lalong lalo na yung pagyurak sa karapatang pantao at saka sa maliliit,” ang bahagi ng paghayag ni Fr. Cortez sa panayam sa Radio Veritas.

Nauna ng inihayag ng Pari na ang anumang kapangyarihan o posisyon at katungkulan sa pamahalaan ay panandalian lamang.

“Ang kapangyarihan panandalian lang yan, alam naman natin na ang pinakamakapangyarihan sa mundo ay ang Panginoon, napakagandang matuto sila sa nangyari sa mga Ampatuan na humawak ka man ng posisyon ng ilang taon at abusuhin mo yung posisyon mo mananagot at mananagot ka,” dagdag pa ni Fr. Cortez.

Matatandaang ika-19 ng Disyembre taong 2019 mahigit isang dekada mula ng maganap ang Maguindanao Massacre noong November 23, 2009 ay tuluyan ng nahatulan ang mga nasa likod ng krimen na pawang kabila sa prominenteng pamilya ng mga pulitiko sa Mindanao.

Makalipas naman ang ilang buwang pagsusuri ng Department of Justice sa usapin ng “ninja cops” o ang pagre-recycle ng mga ilegal na droga ay inirekomenda ng kagawaran na makasuhan ang 13 pulis na kabilang sa maanomalyang drug operations na naganap sa Pampanga noong 2013 kabilang na ang dating Hepe ng Pampanga Police na si dating Philippine National Police (PNP) Chief Oscar Albayalde.

Batay sa panlipunang katuruan ng Simbahan Katolika ang isang mabuting lider ay nagpapaalipin, nagpapakumbaba at tunay na naglilingkod sa taumbayan at sa kanyang mga nasasakupan ng walang halong sariling interes sa kanyang panunungkulan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 4,393 total reads

 4,393 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 39,738 total reads

 39,738 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 76,222 total reads

 76,222 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 94,433 total reads

 94,433 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 178,548 total reads

 178,548 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 38,857 total reads

 38,857 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »
Scroll to Top