Patuloy na ipanalangin ang Kapayapaan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 559 total views

Hiniling ni Military Ordinariate Bishop Oscar Jaime Florencio sa mananampalataya na patuloy na ipanalangin ang pag-iral ng kapayapaan sa buong mundo.

Ang mensahe ng obispo ay kaugnay sa iringan sa pagitan ng Estados Unidos at Iran.

Dalangin ni Bishop Florencio ang pangingibabaw ng katotohanan at katarungan tungo sa kaayusan ng bawat bansa.

“I encourage everyone to pray that the good plans will prevail,” pahayag ni Bishop Florencio sa Radio Veritas.

Una na ring ipinag-utos ng pamahalaan ng Pilipinas ang pagpauwi ng mahigit 3, 000 Overseas Filipino Workers (OFW) sa Iran at Iraq na maaring maipit kung titindi ang tensyon sa pagitan ng dalawang bansa.

Makalipas ang halos isang linggo ay binawi ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mandatory repatriation dahil sa bahagyang humupa ang tensyon ng Iran at Amerika sa kabila ng pagpasabog sa dalawang US military base sa Tehran Iraq.

Nanatiling nakaalerto ang mga otoridad at maging ang pamahalaan upang maiwasang madamay ang mga Filipino sa kaguluhan.

Umaasa naman si Bishop Florencio na nakahanda ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas na tumugon sa pangangailangan ng mga Filipino sa Gitnang Silangan kung kinakailangan.

“Troop commanders and troops should already have some strategical plans for any eventuality,” ayon kay Bishop Florencio.

Babala rin nito sa mga otoridad na maging mapagbantay sa paligid lalu’t posibleng gamiting pagkakataon ang hidwaan ng dalawang bansa ng iba pang teroristang grupo upang makapaghasik ng karahasan sa lipunan.

Una nang ipinanalangin ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang kapayapaan sa buong mundo lalo na sa Gitnang Silangan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 185,113 total views

 185,113 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 215,335 total views

 215,335 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 241,981 total views

 241,981 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 336,954 total views

 336,954 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 345,966 total views

 345,966 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top