Pagnilayan at isabuhay ang turo ng Diyos!

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 794 total views

Hinimok ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang mananampalataya na isabuhay ang mga turo ni Hesus na nakalimbag sa Banal na Kasulatan.

Ayon kay Cabanatuan Bishop Sofronio Bancud, SSS-chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Biblical Apostolate-dapat pagnilayan ng bawat isa ang Salita ng Diyos na ipinalaganap ni Hesus sa sanlibutan lalu ngayong ipinagdiriwang ng Pilipinas ang National Bible Month.

“Mga kapatid sa ating pagdiriwang ng National Bible Month, isa itong mahalagang pagkakataon upang hindi lamang pagnilayan ang Salita ng Diyos kundi ating pagsumikapang bigyan ng buhay,” pahayag ni Bishop Bancud sa Radio Veritas.

Paliwanag ni Bishop Bancud na sa pagsasabuhay ng Salita ng Diyos ay mabigyang linaw ang pagpapahayag at pagpaabot ng biyaya ng kaligtasan ng Panginoon na makikita sa pamamagitan ng pagmamalasakit at pagdamay sa higit na nangangailangan sa pamayanan.

Taong 2017 sa bisa ng Presidential Proclamation 124 idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang buong buwan ng Enero na National Bible Month bilang pagkilala sa kristiyanong pananampalataya ng mga Filipino.

Disyembre naman taong 2018 nang lagdaan ng punong ehekutibo ang Republic Act 11163-ang huling Lunes sa buwan ng Enero bilang  National Bible Day.

Binigyang diin ni Bishop Bancud na kabilang sa pagsasabuhay nito ang paglingap sa kapwa na biktima ng iba’t ibang uri ng sakuna upang maibsan ang paghihirap na naranasan sa pamamagitan ng pagtulong at pagbibigay ng panahon.

“Hari nawa ang ating pagtulong ay magbigay ng sigla at alab ng puso na tumugon at maibahagi ang biyaya ng Panginoon sa kapwang nahaharap sa pagsubok,” saad ng obispo.

Dalangin ni Bishop Bancud na magkaisa ang mamamayan sa paglapit sa Panginoon upang hingin ang lakas at inspirasyon sa Panginoong Diyos na nagkatawang tao.

Ipinapanalangin din ng chairman CBCP-ECBA ang mga biktima ng pagputok ng bulkang Taal na nawa’y maramdaman ang diwa ng pag-ibig ni Kristo sa tulong ng mga Filipinong nakiisa sa kanilang pinagdadaanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 185,082 total views

 185,082 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 215,304 total views

 215,304 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 241,950 total views

 241,950 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 336,923 total views

 336,923 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 345,938 total views

 345,938 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top