Spiritual nourishment, kailangan ng Batangas evacuees.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 956 total reads

Binigyang diin ni CBCP Episcopal Commission on Health Care Executive Secretary Father Dan Cancino, M.I. na mahalaga din para sa kalagayan ng mga evacuees sa Batangas ang Spiritual nourishment.

Ayon sa pari, bumuo ng health package ang CBCP- ECHC kasama ang Camillian Fathers, Caritas Manila, Unilab, RCAM Health Care Ministry at iba pang ahensya para sa long term health care intervention sa mga naapektuhan ng pagputok ng bulkang Taal.

Kasama sa packacge na ito ang psychological first aid o pagbibigay ng stress debriefing para sa naranasang takot at pangamba ng mamamayan.

Bukod dito mayroon ding traumatic medical intervention na higit na kinakailangan ng vulnerable section ng mga bata, matatanda at may mga espesyal na pangangailangan o people with disability.

Ikatlong bahagi ng package ay ang food suplements at feeding sa mga malnourish dahil madalas na kulang sa sustansya ang instant na mga pagkaing ipinadadala sa evacuation areas.

Sinabi ng pari na higit na mahalaga ang Spiritual nourishment para sa pananampalataya ng mamamayan lalo na ang mga nawawalan na ng pag-asa dahil sa hirap na pinagdaraanan dulot ng kalamidad.

“Meron kaming binubuong package doon sa health intervention because this will be a long term crisis intervention primarily sa health. Of course yung package din would include spiritual nourishment, hindi lang nourishment sa pag-iisip, sa katawan pero lalong-lalo na doon sa spiritual. So ito yung mga packages na ginagawa at gagawin pa natin at our long term intervention sa mga evacuation centers.” pahayag ng Pari sa panayam ng Radyo Veritas.

Inumpisahan ang spiritual nourishment sa pagdaraos ng mga banal na misa at dito ay naglalaan ang mga pari ng spiritual counseling.

Ayon kay Father Cancino, maaring sabay nang matukoy sa spiritual counseling ang pinagdaraanang mental disorder ng isang tao at mula dito ay ginagawa naman nila ang referal system para sa mga eksperto sa sikolohikal na aspeto.

“Mag-uumpisa po tayo sa mga misa at itong mga misang ito pwede ring mag-extend sa mga spiritual counseling lalong lalo na sa mga nawawalan na ng pag-asa, o kaya naman dahil magdudulot ito ng isang mental disorder puwede itong matuhog na doon sa ating tinatawag na referal system, meron tayong referal system na ginagawa sa ating mga partners.” Pahayag ng Pari sa Radyo Veritas.

Unang binigyan ng Health Care package ang mga evacuees sa munisipalidad ng San Luis at Balayan.

Patuloy naman ang panghihikayat ng CBCP ECHC sa mga nais mag volunteer na tumulong sa pagbibigay ng psychological first aid.

Nagbibigay sila Father Cancino ng trainings para sa mga volunteer na maaaring maging mga psychological first aiders.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 834 total reads

 834 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 36,410 total reads

 36,410 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 72,894 total reads

 72,894 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 91,105 total reads

 91,105 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 175,397 total reads

 175,397 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 378,230 total reads

 378,230 total reads “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top