PCNE, isang hamon sa buong Simbahang Katolika

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,071 total reads

Umaasa si Daet Bishop Rex Andrew Alarcon, Chairman ng Catholic Bishops Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Youth na maging hamon sa lahat ang Philippine Conference on New Evangelization sa pag-alis ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle upang gampanan ang pagiging Prefect of the Congregation for the Evangelization of Peoples.

Ayon sa Obispo, dapat na magsilbing hamon para sa buong Simbahang Katolika partikular na sa bawat diyosesis at mga parokya sa bansa na patuloy na maisulong ang layunin ng PCNE na magtipon upang talakayin ang mga panibagong paraan ng ebanghelisasyon o pagpapalaganap ng Mabuting Salita ng Diyos.

Ipinagdarasal ni Bishop Alarcon na tumimo sa puso at isip ng bawat isa ang hamon ng tema ng ika-pitong serye ng Philippine Conference on New Evangelization na pagiging bukas sa pagkikipagdayalogo at pakikipagkapwa tao tungo sa kapayapaan at pagkakaisa.

“Sana kahit umalis na si Cardinal Tagle magpatuloy pa rin yung Conference on New Evangelization, well in fact yung pupuntahan niya is the Congregations for Evangelization. Sana din sa nga dioceses natin, sa parishes natin, in our small groups we continue to push new Evangelization find new strategies, new language and in this case in our spirit ngayon of dialogue, we also listen to the others particularly the non-Catholics but fellow Christians of different religions, indigenous people yung openness dito,“pahayag ni Bishop Alarcon sa panayam sa Radyo Veritas.

Naunang inihayag ng Office of the Promotion of the New Evangelization (OPNE) na dahil sa pagkakatalaga ni Pope Francis kay Cardinal Tagle bilang Red Pope ay isinagawa ng maaga ang PCNE7 upang makasama at mabigyang pagkilala si Cardinal Tagle na siyang ama ng PCNE.

Read: PCNE 7, pagpupugay kay Red Pope-elect Cardinal Tagle

Orihinal na isinasagawa ang pagtitipon tuwing ikatlong linggo ng Hulyo sa University of Santo Tomas na layuning matalakay ang iba’t iba pang paraan ng ebanghelisasyon o pagpapalaganap ng Mabuting Balita ng Panginoon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 38,202 total reads

 38,202 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 118,381 total reads

 118,381 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 151,829 total reads

 151,829 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 187,128 total reads

 187,128 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 412,219 total reads

 412,219 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top