Parangalan ang mga uuwing O-F-W sa halip na pandirihan, panawagan ng CBCP sa mga Filipino

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 811 total reads

April 30, 2020, 9:52AM

Nanawagan ang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines O C-B-C-P sa mamamayan na malugod tanggapin ang mga umuuwing Overseas Filipino Workers na apektado rin ng kasalukuyang krisis na dulot ng pandemya.

Ayon kay Balanga Bishop Ruperto Santos, Vice Chairman ng CBCP – Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People, nais lamang ng mga O-F-W ang pang-unawa mula sa kapwa Filipino sapagkat pare-pareho ang karanasan na pinagdadaanan.

“Let us welcome our OFW’s; let them come home. What they are asking is just our acceptance, not discrimination as COVID 19 suspects; our understanding and not to shun them away,” pahayag ni Bishop Santos.

Binigyang diin ng Obispo na bagamat kapwa biktima ang lahat ng mamamayan sa mundo dapat pairalin pa rin ang pagtutulungan at paggawa ng kabutihan sa kapwa.

Inihayag ni Bishop Santos na malaki ang ambag ng mahigit sampung milyong O-F-Ws sa ibat-ibang bahagi ng daigdig sa ekonomiya ng bansa lalo na ngayong nakaranas ng pinansyal na krisis ang buong mundo dulot ng pandemic COVID 19.

Naniniwala ang opisyal ng CBCP – ECMI na mas iigting pa ang pagiging hospitable ng mga Filipino lalu na sa mga kababayang O-F-W.

“Filipinos are known for being hospitable poeple, should we not be more hospitable to them? They are our fellow Filipinos; so let’s welcome them whehn they come home to their respective province, city or town,” dagdag ni Bishop Santos.

Matatandaang maraming O-F-W ang nakaranas ng diskriminasyon sa pagbalik sa bansa dahil sa takot ng maraming mamamayan na maaring magdala ng virus ang mga ito.

Iginiit ni Bishop Santos na napapanahon nang bigyang pahalaga ang mga migranteng manggagawa lalo na’t higit itong apektado sa pandaigdigang krisis.

“It is much fitting to honor, and pay homage to them especially now that they are bruised and battered from the bad global economy. Together we can rise up and build one another,” ayon sa obispo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 30,313 total reads

 30,313 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 67,139 total reads

 67,139 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 85,350 total reads

 85,350 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 169,678 total reads

 169,678 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 205,664 total reads

 205,664 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Mamamayan, binalaan ni Fr.Orbos

 4,088 total reads

 4,088 total reads Nagbabala si Fr. Jerry Orbos, SVD laban sa dumadaming AI-generated fake news na gumagamit ng kanyang pangalan at imahe upang magbenta ng mga

Read More »
Scroll to Top