Panawagan kay Pangulong Duterte: Pakinggan ang hinaing ng mga Filipino

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 640 total views

July 25,2020-12:50pm

Umapela si San Carlos Bishop Gerardo Alminaza kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte na ihayag sa taumbayan ang tunay na kalagayan ng bansa sa kanyang ikalimang Pag-uulat sa Bayan sa Lunes, ika-27 ng Hulyo.

Ayon sa Obispo, hindi dapat na magbulag-bulagan ang Pangulo sa tunay na estado ng bansa kung saan kasalukuyan ay laganap ang kahirapan, pagkasira ng kalikasan, kawalan ng hanapbuhay at kamatayan hindi lamang dahil sa novel coronavirus kundi maging sa nauna ng tinaguriang ‘state-endorsed killings’.

“In his upcoming SONA, we appeal to the President not to turn a blind eye on the dire state of our people. Today, the spate of deaths continues not only through state endorsed killings, but also through rampant hunger, loss of livelihood, and environmental degradation, among many others,” ang bahagi ng pahayag ni Bishop Alminaza.

Giit ng Obispo, napapanahon ng makinig at tugunan ng Pangulo ang mga hinaing ng mga Filipino kaugnay sa tunay na mga suliranin sa lipunan.

Paliwanag pa ni Bishop Alminaza, mahalagang marinig ng taumbayan ang mga plano ng pamahalaan upang matugunan ang mga suliraning kinahaharap ng bansa lalo na sa kasalukuyang krisis na dulot ng pandemya.

“We are tired of hearing unwarranted jokes and threats in his speeches; we call on the President to listen to the cries of the people, present concrete solutions in his SONA, and serve in the interest of the public,” ayon pa sa pahayag ng obispo.

Paliwanag ng Obispo higit kailanman ay kinakailangan ngayon ng bansa ang masusing pamamahala ng gobyerno upang matugunan ang krisis na dulot ng pandemya sa pamamagitan ng solusyong pang-medikal at hindi sa pamamagitan ng pagtutok sa iba’t ibang usapin na mas nagpapahirap lamang sa mga mamamayan.

Kabilang din sa tinukoy ni Bishop Alminaza na mga hindi napapanahong usaping na mas binigyang pansin ng pamahalaan ay ang pagsusulong ng Anti-Terrorism Law na nagdudulot ng karahasan at kaguluhan.

Binanggit din ng Obispo ang nagaganap sa Negros province kung saan nananatili ang karahasan na nagsimula pa noong inilunsad sa administrasyon ang War on Drugs.

Hulyo taong 2019 nang magsimula ang papatunog ng kampana ng buong Diyosesis ng San Carlos upang maipaabot ang apela ng mamamayan na mawakasan na ang walang kabuluhang pagpaslang sa lalawigan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ibinasurang paraiso

 12,654 total views

 12,654 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 41,005 total views

 41,005 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 108,735 total views

 108,735 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 131,886 total views

 131,886 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 201,188 total views

 201,188 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top