Kabataang Filipino, kaisa sa pandaigdigang pananalangin laban sa pandemya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 678 total views

Iaalay ng Aid to the Church in Need-Philippines (ACN) sa tuluyang pagwawakas ng pandemic novel coronavirus ang intensyon ng taunang One Million Children Praying the Rosary Campaign ngayong taon.

Ayon kay former-Philippine Ambassador to the Holy See Henrietta de Villa–chief executive Officer ng ACN Philippines karaniwang inaaalay para sa kapayapaan, pagkakaisa at kapakanan ng mga kristyanong dumaranas ng pag-uusig sa iba’t ibang panig ng daigdig.

Paliwanag ni De Villa, dahil sa pambihirang sitwasyon na kinahaharap ng daigdig mula sa COVID-19 pandemic ay napagdesisyunan ng ACN na ialay ang panalangin para sa paghihilom at kaligtasan ng sangkatauhan mula sa pandemya. Kaisa ang ACN-Philippines sa ilulunsad One Million Children Praying the Rosary to end COVID-19.

“In every country 1 million children are gathered to pray the Rosary for special intention usually it’s a traditionally that it is for world peace and unity and especially for persecuted Christians but for this year because of the unusual situation when we are all threatened our lives by COVID-19 pandemic, dito sa Philippines ang ACN Philippines is launching One Million Children Praying the Rosary for an end of COVID-19,” ang bahagi ng pahayag ni De Villa sa panayam sa Radyo Veritas.

Nakatakda ang sabay-sabay na pananalangin ng Santo Rosaryo ng mga kabataan sa darating na Lunes, ika-19 ng Oktubre kung saan napiling isagawa ang highlight event sa Paco Catholic School sa Archdiocese of Manila na pangungunahan ng mga mag-aaral mula grade 3 hanggang grade 6.

Inaanyayahan naman ang lahat na makibahagi sa pananalangin ng Santo Rosaryo para sa pagwawakas ng COVID-19 pandemic sa pamamagitan ng pagsubabay sa gagawing live online streaming nito sa ACN-Aid to the Church in Need Facebook page.

“Yung ACN Philippines sa October 19 yung main event but it’s all online ang aming church na napili yung Paco Catholic School yung Paco Church kasi may eskwelahan din yun and the children participating will be from grade 3 to grade 6,” dagdag pa ni De Villa.

Layunin ng Worldwide Prayer Event na isulong ang pagkakaisa at kapayapaan sa pamamagitan ng sabay-sabay na pananalangin ng mga kabataan ng Santo Rosaryo mula sa iba’t ibang panig ng mundo. Hango ang pandaigdigang pagdarasal ng pontifical foundation ng Vatican sa mga pahayag ni Saint Padre Pio na “When one million children pray the rosary, the world will change”.

Inilunsad ang One Million Children Praying the Rosary campaign sa Caracas, Venezuela noong taong 2005 kung saan umaabot na sa mahigit 80-bansa ang taunang nakikibahagi sa malawakang pananalangin ng mga kabataan ng Santo Rosaryo kabilang na ang Pilipinas nang ilunsad sa bansa taong 2016.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 143,954 total views

 143,954 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 174,178 total views

 174,178 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 200,824 total views

 200,824 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 295,797 total views

 295,797 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 307,422 total views

 307,422 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top