Maging misyunero ng “Word of God”, hamon sa binyagang Katoliko

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 623 total reads

Ang lahat ng binyagang Katoliko ay mayroong misyon na ipalaganap ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Ayon kay Archdiocese of Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo, ito ang ipinapaalala at mensahe ng paggunita ng Pandaigdigang Linggo para sa Misyon o World Mission Sunday ngayong taon.

Ayon kay Bishop Pabillo, chairman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on the Laity, bukod sa mga Pari, Madre at mga relihiyoso ay malaki ang papel na ginagampanan ng mga misyunero na buong pusong iniaalay ang buhay bilang mga katuwang ng Simbahan sa pagpapalaganap ng Salita ng Diyos.

Ipinaliwanag ng Obispo na ang mga misyunero ay hindi lamang mga naordinahan sa Simbahan sapagkat ang bawat binyagan ay inatasan ng Panginoon na maging tagapagpalaganap ng ebanghelyo lalo na sa mga hindi pa nakikilala ang Panginoon.

“Ngayong araw po ay World Mission Sunday pinapaalaala po sa atin ngayong Pandaigdigang Linggo para sa Misyon na tayo pong lahat na binyagan ay inatasan ng Panginoon na ipalaganap ang Mabuting Balita lalong lalo na sa mga hindi pa nakakakilala nito, kaya ngayon po ay ipagdasal natin ang ating mga misyunero na nagtalaga ng buhay nila para sa pagmimisyon at marami tayong mga misyunero ngayon na pumunta sa ibang mga bansa hindi lang mga Pari, mga Madre kasama rin yung mga pamilya at mga kabataan…”paanyaya ni Bishop Pabillo sa mananampalataya.

Pagbabahagi ng Obispo, nasasaad sa tema ng World Mission Sunday ngayong taon na “Here am I, Lord, Send me” ang pagtugon sa ini-atas na misyon sa lahat na maging misyunero at tagapagpahayag ng Mabuting Salita ng Diyos.

Bukod sa pagtugon sa nasabing misyon ng Panginoon sa bawat binyagan ay hinikayat rin ni Bishop Pabillo ang lahat na ipanalangin at tulungan ang mga misyunero sa kanilang misyon na ganap na maipalapit ang lahat sa Panginoon.

“Ang paksa po ng ating World Mission Sunday is “Here I Am Lord, Send Me”, ibig sabihin inaangkin natin ang pagmimisyon nasaan man tayo kaya ipagdasal po natin ang mga misyunero at kung ano ang maiaambag natin kahit na sa ganitong panahon na materyal na tulong para sa kanila ay ibigay po natin” Dagdag pa ni Bishop Pabillo.

Tuwing Oktubre ipinagdiriwang ang World Mission Month upang alalahanin na ang bawat binyagan ay missionary disciple na inaasahang makakatuwang ng Simbahan sa pagpapalaganap ng Mabuting Salita ng Diyos.

Ito rin ay isang pagkakataon upang muling balikan ang tungkulin ng bawat isa na mapalalim ang kamalayan ng kapwa at matatag na pananampalataya sa Panginoon.

Isa rin itong patuloy na hamon para sa bawat isa na maging gabay ng mga hindi pa ganap ang pagkakaroon ng pananalig at pananampalataya sa Panginoon.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 10,058 total reads

 10,058 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 11,464 total reads

 11,464 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 24,836 total reads

 24,836 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 62,214 total reads

 62,214 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 93,484 total reads

 93,484 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 169,142 total reads

 169,142 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 262,177 total reads

 262,177 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 25,275 total reads

 25,275 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »
Scroll to Top